KMN 003

434 38 1
                                    

Lunes na naman, lumipas lang ang weekend ko na parang isang segundo. Wala akong nagawa kundi ang manood ng ikakasaya ko.

Ilang araw na ang nakalipas, hindi na ako sumasabay kay kuya. Kahit na malate ay nag bu-bus parin ako papuntang school.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Jake na kanina pa ako tinitingnan na wala namang sinasabi. Nasa room kami ngayon at nagaantay nalang ng gurong paapsok. Kanina pa sya nakaharap sa akin.

"Wala, baka magalit ka kasi pag nagsalita pa ako. Alam kong bad mode ka nanaman."

"Malamang, gago kasi yung Harry na iyon. Hinalikan pa naman ako, tingnan mo ako na yung pinag chichimisan ng buong school. Kita mo ba yung laman ng timeline mo, puro bakalang malandi na nagpakasarap sa halik ni Harry. Felingerong bakla." Anas ko.

"May paraan ba na mawala yang inis mo?"

May naisip akong ideya. Kulang nalang ay camera.

"Meron, tulungan mo akong pahiyain yang Harry, tinganan natin kung sino ngayon ang napapahiya." Parang may kung anong demonyong sumanib sa akin, para akong sira na naka ngiti sa hangin.

Im sure na sa puntong to ako na ang hahalakhak, tingnan natin kung sino ang lalaman sa timeline kinabukasan. Lintik lang ang walang ganti. Kung sa tingin nya ay dare lang iyon pwes sa akin ay hindi. Kung napahiya na ako sa lahat at nakita na to nina Mama at Papa ay marahil.wala na akong dahilan na wag pa itong gawin.

Oras na ng recess, kasaluyukang nasa labas ako ng CR ng mga lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay sa ganitong oras din ay pumapasok si Harry upang tingnan ang sarili sa salamin. Ang gwapo nga nya ngunit demonyo naman ang ugali.

Dumalikod ako sa pader ng mahagip ko sya na aktong papalapit sa Banyo, hindi nya ako namukhaan dahil may sumbrero at salamin akong hiniram kay Jake.

Naaayon sa plano ang nagaganap kaya proceed na ako sa susunod na gagawin. Pumasok ako sa loob, nakita ko syang nasa harapan ng salamin as expected. Ni lock ko ang pinto at nilapitan sya.

Nagulat sya sa paghimas ko mula sa kanyang likuran.Hinubad ko ang suot na sunglass at umupo sa counter kung saan kaharap ko sya.

"Anong ginagawa mo, J...jessie?" Nauutal sya. Talaga bang nasa tamang pagiisip sya dahil hindi ako kumbinsido sa mga pag arte arte nya ngayon.

Pinalabas ko na ang kagalingan ko sa pag arte. "Alam mo bang, hindi naman ako talaga galit sa ginawa mo ng friday, actually napagisip isipan ko na ang swerte ko dahil nahalikan ako ng napaka-gwapong si Harry, alam mo bang hindi ako makatulog kakaisip na sana masundan pa ulit ng isa yung halik na iyon. I really love the way your lips kiss me, pwede bang handugan mo ulit ako ng isa pag halik?"

Hinimas ko na gamit ng dalawa kong kamay ang matipuno nyang dibdib. Binaba ko iyo hangang sa maramdaman ako ang pandesal nyang sobrang kay tigas sa loob ng kanyang uniform.

Kahit papano ay nawawala ako sa pag arte dahil sa katawan nya.

"Ano bang pinagsasabi mo? A..hi...hindi kita maintindihan?"

"Simple lang naman ang gusto ko, halikan mo ako. Yung hindi ka nagpapanggap, yung mula sa puso. Pwede ba ha, Harry?" Nagmamakaawa na ang mata ko pero bakit matagal pa syang mag desisyon.

"Ah...eh.... Baka mapagalitan ako ng kuya mo, muntik na kasi akong mapuruhan nang friday, hindi na nya ako pinapansin ngayo-"

"Shhh..... Walang makaka alam, tayo lang kaya bilisan mo na bago pa tayo makita ng iba."

Sa una ay nagpipigil pa sya pero hindi nagtagal matapos ang malalim na titigan namin ay biglaang diniin nya ang labi sa akin. Hinahalikan na nya ako, gumalaw ang labi nya at pilit na ibuka ang akin. Naka kulong din ako sa kanyang mga braso, naka hawak sya sa magkabilang bahagi ng counter kung saan pinapagitnaan ako.

Binuka konnarin ang aking hita at pumuwesto sya sa gitna. Pinulupot ko rin ang aking braso sa kanyang leeg upang kapanipaniwala sa mata ng camera.

Di nya alam na nasa cubicle si Jake. Hawak ang camera at naka record sa amin. Lahat ng ito ay pawang pagpapanggap lang, pero batay sa galaw ni Harry ay mukhang naging totoo sya sa ginagalaw.

Mas mainam nang nahulog sya sa patibong ko. Dahil sa puntong to ay siguradong mapapahiya na sya sa sariling kasalanan. I'm sure, bawing bawi na ako sa lahat ng paghihiya nya sa akin simula dati.

Ilang bese nya akong pinahiya, sa harap bg nakakarami. Pati sa harap ng kuya ko. Kung ito ang trip nya then ito na yubg katapusan nya.

Alam na ng lahat na bakala ako, pero kung sa kanya ay hindi. Kabahan na sya dahil simula ngayon ay mababago na yung ginagisnan nyang buhay. Lahat ng naranasan ko ay mararanasan na nya.

Kung bakla ka dapat lang na matatag ka sa lahat ng bagay, tingnan natin kung saan pupunta ang confident nang lokong to.

Humiwalay kami ng halikan na naghahabol ng hininga. Nakita kong kumaway si Jake sa pwesto nya sign na tapos na yung pag vi-video nya.

"I love you." Mahinang pagsambit nya habang nasa saking mga mata ang titig nya. Puno ng kasiyahan ang mga titig nya, para akong nahuhulog sa berde nyang mga mata.

"Huh? Anong I Love You?"

"Matagal na kitang mahal, Jessie. Hindi ko sinasadyang magiging dahilan ng inis mo. Sa ganon kasing paraan ay mapapansin ko ako, lalo na ng makilala mo yang Jake na iyan. Sana mapatawad mo ako sa lahat. I love you, papatunayan ko yan sayo, pero takot akong humarap sa lahat at sabihing bakla ako. Patay kasi ako sa Papa ko pag nagkataon, nagiisa lang aki akong taga pagmana ng kanyang business kaya medyo nahihirapan akong umanin sa kanila. Pwede bang itago na muna natin to? Kasi-"

Naputol ang kanyang pagsasaad ng katotohanan ng biglang may kumabog sa pintuan ng banyo.

"Lumabas ka dyan, Harry! Tangina ka! Papatayin kitang gago ka!" Si Kuya Ryll. Galit na galit na kakasigaw.

Sa pagmamasid ni Harry sa paligid ay nakita nya si Jake na nakatayo sa loob ng cubicle. Nilapitan nya ito saka binuksan nya ang pintuan.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Uhmmm... Let me explain. Ano kasi-"

"Siguradong sikat kana ngayon sa school, umamin ka na sa facebook live oh. Bakla ka pala kaya mo laging iniinis si Jessie. Umamin narin ang loko." Winika ni Jake.

Lumapit sya sa akin at tumayo sa gilid ko.

Parang nabuhusan si Harry ng malamig na tubig. Natutulala nalang sya sa kakatitig sa akin.

"Plano mo to?"

"A...ano kasi-"

"Masaya kana? Pwede ka nang mag pa-party, nasira mo na buhay ko."

Dahil sa malakas na pagkakasipa ni kuya sa pinto ay bumukas ito, kasunod nitong sinugod si Harry at sinalubong ng suntok. Marami ding mga tao sa labas ng banyo. Sa tulong ng mga ka teammates ay napaghiwalay ang dalawa.

Tumakbo nalang si Harry paalis ng lugar at hindi na nagpakita pa hanggang sa matapos ang kalse.

Inaamin kong maling mali ako sa puntong to. Paano ko kaya makuha ang pagpapatawad sa kanya ngayong hindi lang mukha kundi buhay na nya ang sinira dahil sa akin.

Brother's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon