KMN 010

110 15 2
                                    

Nasa labas kami ng isang clinic kami ngayon ni Harry, kasama ang Papa nyang kampanti na nakaupo sa tabi. Sumugod nadin sa lugar ang kanyang Mama kasama ang Tita at pamangkin nya ng malaman na nabugbog si Harry.

Nagulat nalang ako sa biglaang pag dating nila.

"Oh my god, anong nangyari sayo anak?" Nagaalalang tanong ng Ina. Mabilis itong tumabi sa upuan at hinawakan ang kamay ng anak.

"Sinong may gawa nito? Kaylangan nilang magbayad, sinira nila ang maganda mong bibig."

Mabuti nalang at hindi sya napuruhan sa suntukan kanina, may maliit syang hiwa sa bibig pero bukod doon ay wala na. Mukhang ang mga nautusan pa ng kanyang ama ang dapat na nandidito clinic.

"Sabi ko sayo eh wag mo na akong dalhin dito. Ayan tuloy." Buntong hininga nya.

Nakaupo kami ngayon sa labas ng isang clinic, huminhi kasi ako kanina ng first aid response kahit na natataranta lang ako. Praning ko lang kasi nitong mga nakaraang araw.

"Honey, I was the one to blame. Sinadya ko talagang mangyari to."

"Sa anong kadahilanan Ralph? Bakit mo naman pinabubog tong anak mo?" Galit na tinugon ng asawa.

"I want to proof na kaya nyang patunayan na mahal nya talaga si Jessie. Na kaya nyang kalabanin ang mga iyon para maligtas ang minamahal nya, hindi naman sya nabigo kaya convinced na ako na mahal talaga nila ang isat-isa." Paliwanag ng asawa.

Tumingin ang Mama ni Harry sa amin. "Talaga ba?" Tumango kaming dalawa.

"So, kayo na ba?" Tumango ulit kami. Agad nya kaming niyakap at sabay kaming tumawa. Kahit na nandito parin ang kaba ko sa kanina ay nabura na ito dahil sa kasiyahan na natatanggap ko ngayon.

Grabe pala tong Papa nya, ipapa-bugbog pa talaga nya ang anak para lang mapatunayan na mahal namin ang isat-isa at seryoso kami sa aming pagmamahalan.

Buti narin at hindi ako pumasok sa loob dahil kung nagawa ko iyon malamang sasabihin nyang hindi ko kaya na ipaglaban ang magiging nobyo ko, buti nga lang. Thank you lord.

"Tara kain tayo sa labas, mag ce-celebrate tayo sa bagong miyembro ng pamilya natin." Pag ayaya ng aking idolo.

"Uhm.. ano kasi, Ma. Actually mag di-date sana kami ngayon ni Jessie." Nahihiyang sinambit ni Harry.

"Naku, ok lang yun. Sa susunood nalang tayo mag celebrate. Sige na baka naabala namin kayo, mauna narin kami dahil may gagawin narin kami sa bahay." Sabi ng kanyang ina. Tumayo sya at mabilis na hinila ang asawa palayo sa lugar, sumunod narin ang tita ni Harry at ang kyut na anak nyang si Louie.

Nang mawala na sa paningin ang tatlo ay mabilis na hinalikan ako ng Harry. Smack kiss lang naman.

"Ano, itutuloy na ba natin yung date?"

"Talagang ok kana ba? Baka may nabali sa iyong buto, hindi naman na kita pipilitin kung masakit pa ang katawan mo."

"Walang masakit sa akin kaya tuloy ang date. Diba may sasabihin ka sa akin?"

Muntik ko nang makalimutan. "Oo nga pala, tara na at baka hinahanap na ako ni kuya. Speaking of kuya, tawagan mo nga sya. Baka nag aalala na iyon."

Mabilis nyang tinawagan ang numero ni kuya sa kanyang phone. "Hello, Ryll. Kasama ko ngayon si Jessie at plano kasi naming mag date ngayon pwede bang payagan mo sya hanggang 10 o'clock lang, ibabalik ko sya ng walang galos kung nagaalala ka."

"Talaga! Salamat, bro. Sige bye."

Binaba nya ang phone na may malapad na ngiti sa labi. "Kaylan mo sa akin sasabihin na pumayag na ang kuya mong maging nobyo mo ako?"

Kumamot ako ng batok. "Yan nga yung sasabihin ko mamaya, kaso ayan naunahan na naman ako ng kuya." Pulang pula na ang pisngi ko, parang binuhusan ako ng mainit na tubig sa mukha.

Niyakap nya ako ng mahihpit. "Pangako, mamahalin kita. Tratratuhin kita bilang buhay ko, hinding hindi kita sasaktan, gagawin kitang reyna ng buhay ko. Pangako ko yan, Jessie." Teka umiiyak ba sya? O nasisipon lang?

Hinawakan ko ang mukha nya at nagtitigan. Umiiyak nga sya, ang kyut nyang umiyak. Awwww..... Such a cry baby, ang kyut palang tingnan na umiiyak ang mga bully. Gusto ko syang bigyan ng lollipop.

"Alam ko naman yan, kahit di mo sabihin ay alam kong gagawin mo rin naman lahat ng makakapagsaya sa akin. No need to promise kasi promise meant to be broken, kaya simula ngayon hindi ako ipangakong mahalin kita dahil gagawin ko at ipapakita ko sayo na forever tayo kahit na lagi tayong nagaaway, nagbabangayan at sa mga susunod pang mga challenges ng buhay natin, magiging matatag tayo sa isat-isa. Kaya wag kanang umiyak, ang panget mo." Tumawa lang sya at hinandugan ako ng passionate kiss.

"Babe, baby, luv, mahal, buhay ko, ano kaya ang pwedeng pantawag natin?"

"Mas maganda yung, mahal. Gasgas na pero ang gandang pakinggan lalo na sayo nanggaling." Asus, may pa banat pa tong nalalaman. Corny nya pero mahal ko eh.

"Ano ba, nakikiliti ako. Oo na, mahal na kung mahal pero mas mahal naman kita kaysa sa salitang yan. Ayie...... Kilig ka?"

"Anong kilig ka dyan. Hindi ha, kasi matagal na. Ayun oh, blush ka gurl?"

"Blush? Blush ba tawag dito?" Tinuro ko ang pisngi kong kay pula. "Akala ko kasi kinikilig." Muli kaming tumawa, parang tanga lang sa labas ng clinic.

Hindi na lang namin namalayaan na anong oras na pala, imbes na mag date ay nasayang ang oras namin kaka-banat.

Kung ito na ang huling gabi namin, pwes lubos-lubusin ko na ito. Bahala silang mainghit dyan, basta kami masaya at nagmamahalan.

Ang importante talagang aspeto ng buhay ay kung paano mo pasasayahin ang magulong buhay na meron ka, remember na mahalin mo ang minamahal mo na gaya ng pagmamahal mo sa sarili mo.

This is Jessie and now I'm signing off.

Brother's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon