"About sa kanina, hindi ko talaga gustong makasama si Jake sa canteen kaso nagyaya kasi sya at bilang kaibigan nya ay dapat ko lang na samahan sya, hindi ko narin akalain na isasabay nyo ako. Nauna na kasi syang magyaya kaya dapat lang na unahin ko rin sya." Kanina pa kami sa loob ng kotse kung ayaw nyang mag salita pwes uunahan ko na."May relasyon ba kayo dati? kasi simula nung freshman ka ay laging na kayong magkasama, aminin mo nga kung may naging relasyon kayo." Humarap sya sa akin, para tuloy akong may kasalanan nito sa mga titig palang nya.
"Ano kasi yun eh, uhm.. sa kanya Oo, pero sa akin wala. Lagi nya kasi akong kinukulit at tinatawag sa kung anong pangalan, sa kakulitan din nya ay lalo lang akong nagiging close sa kanya. Pero, hindi ko entensyon na maging nobyo ko sya, magibg best friend ok na. Pero malinka ng iniisip, kayo ng kuya ko. Kaya wag ka sanang magalit sa ganya at pwede bang wag mo syang titigan na parang papatayin ko sya natatakot na yung tao oh." Mabahang pliwanag ko.
"Kung ganon ay lumayo ka sa kanya."
"Ano? Lumayo? Kaibigan ko sya Harry, at saka sa ayaw at gusto ko magkikita't magkikita parin kami dahil lahat ng subject ba meron ako ay ganon din sa kanya." Anas ko. Hindi sya nagsalita pa at sinumulan ng pinaandar ang kotse pauwi sa amin.
Nagtatampo na talaga sya. Kanina pa sya hindi kumikibo. Dahil narin sa pride ay pinalipas ko muna ang limang minuto at ng nasa paanan na kami ng bahay ay sumuko narin kami.
"Sorry." Sabay na sinabi naming dalawa.
Ang akward tuloy. "Sorry dahil nagseselos agad ako, kahit na hindi pa tayo mag jowa. Ano kasi eh, na inis lang ako lalo kasi sabi ng kuya mo ay may nanguari na daw sa inyong dalawa kaya naman nagalit agad ako. Nai-kwento din nya na baliw ka daw dati sa kanya."
"Ano?" Sigaw ko. "Sinungaling talaga tong kuya, bakit ka naman naniniwala sa kanya, hoy! for his information virgin pa to noh. At saka hindi ko sya type." Anas ko. Sa una palang ay dapat alam ko na to eh. Kaya pala iba yung galawan ng kuya ko kanina, plano nya palang pag awayin kami ni Harry. Mamaya lagot sya sa akin.
"Talaga bang walang nangyari sa inyo? At tama bang narinig ko na virgin ka pa?"
"Oo naman, duh! Pihikan to noh. At saka kung hindi dahil kay kuya di sana may boyfriend na ako ngayon. Tapos sya patong naninira ng relasyon, sabagay wala syang girlfriend. Malilintikan talaga sa akin yun mamaya." Irita kong binabato.
Bigla nya akong hinila at niyakap. "I'm glad na hindi yun totoo, alam mo bang nasaktan ko ang ibang mga players dahil galit na galit ako kanina. Tapos tawa ng tawa tong kuya mo, lalo lang akong naiinis sa sarili." Bulong nya.
Niyakap ko sya ng mahigit at binaon ang mukha ko sa kanyang leeg, ang bango talaga ng kanyang perfume, may halo sigurong droga yong pabango nya kasi nakaka-adik.
"Di bale, ako na yung bahala sa lokong yun. Paghihiganti kita." Saad ko.
Hinalikan nya ako na nilabanan ko naman. Para na kaming mag asawa dahil.parang normal na itong paghalikan namin. Naiisip ko tuloy kung paano malaki na kami at ready ng makapag pamilya, full of sweet malamang ang maaring bahay namin, lalo na at may mga anak na kami.
Ayiieee........ Ang sweet naman nun. Maingit kayo, please lang.
"Sige na at baka makita tayo ng kuya mo." Paalam nya at tuluyang umalis ng bahay. Nabibitin parin ako sa halik na iyon, parang gusto ko syang papakin.
Pagkapasok ko palang ay nakita ko na si kuya, naglalaro sya ng game sa sala at suot ang headphone kaya hindi nya ako napansin. Lumapit ako at biglang inagaw sa kanya ang cellphone.
Tumayo sya at hinubad ang headphone. "Ano ba, Jessie. Ibalik mo nga yan!" Sigaw pa nya.
Tinago ko ang cellphone sa likuran ko. "Ano tong pinag kukuwento ko kay Harry? Kaya pala ang init ng dugo nya kay Jake kasi sa mga gawa gawa mong kwento."
"I have to." Depensa nya.
"Anong I have to? Ang sabihin mo naninira ka ng relasyon. Talaga ba kuya, sa dinami rami ng pwede mong isipin ganon patalaga ang sinabi mo sa kanya."
Lumapit sya at inagaw ang cellphone pero hindi ko iyon ibinigay. Tumakbo ako sa kabilang counter at kung lalapit sya ay iikot din ako.
"Ibigay mo na nga yan, tatapos na yung time ko. Matatalo ako nyan." Anas nya.
"Bakit nga at gusto kong bumawi ka sa akin. Siguraduhin mo lang na maganda yang ilalabas na salita dahil kung hindi." Binuksan ko ang gripo sa lababo at itinaas ang cellphone sa ere.
"Wag mo yang gagawin, magagalit talaga ako sayo." Babala nya.
"Talaga kasi subukan mo lang sisusumbong kita kina Mama at Papa. Sinasaktan mo ako lalo na ang feelings ko."
"Oo na! Oo na, heto na. Ibaba mo na yan at baka mahulog pa yan sa tubig."
"Ayaw, sabihin mo muna." Padabog syang umupo aa silya.
"Nagawa ko lang iyon dahil gusto kong makita kung gaano ka loyal itong si Harry, kanina pagkatapos ng laro nag imbeta ako ng mga babae upang aliwin si Harry kaso nag kamali ako ng hinala, pinagalitan lang nya yung mga babae at sinabing may girlfriend na daw sya. Nagulat ako na sinabi nya ang pangalan mo at sinabing mahal na mahal na mahal ka daw nya kahit na may nauna na sayong iba." Sa mga sinabi ni kuya isa lang doon ang magiging sanhi ng kasiyahan ko, ang mahal nya ako kahit na may nauna na sa akin na hindi naman totoo. Ang breakdown is talagang mapapanatag na ang loob na magiging loyal sya sa akin.
"Kanina napag isip isip ko na payag na akong magibg nobyo mo sya. Pero bawal muna ng sex, halik lang muna. Nagkainyindihan ba tayo?"
Tumango ako kasi hindi na ako makakapagsalita dahil sa saya. Tatalon na sana ako sa tuwa pero ang cellphone naman na hawak ko ay nahulog sa lababong puno ng tubig.
"Ay, nahulog." Patay ako neto.
BINABASA MO ANG
Brother's Best Friend
Short StoryHarry is your typical bully, a captain of football and literally a famous person of the campus, but one kiss of a dare ruined his secrets. Because kissing his best friend little brother is not a good idea. Rank achievements: 06|16|23: #1 Out of 639...