KMN 004

379 34 3
                                    


Lalong hindi ako pinansin ni kuya, para akong hangin na hindi nya nakikita. Kung sasabay ako ay nasa sa akin na iyon, pero utos ng mga magulang namin na laging magkakasama mula sa pagpunta at pagalis ng school.

Yung videong nakalat ay nabura na kaagad matapos ng sandaling iyon. Pero may ibang nag copy at pino-poat ulit dahilan upang nakiharapan kaming nakiusap na burahi iyon ng hindi pa kumalat pa.

Si Harry naman ay lumiban muna ng pagaaral, mismong mga magulang na ang kumausap sa principal na kapatid din nya.

Mistulang mga walang chismosa ang lahat. Laging laman ang sinaad ng video. Ang biglaang pag labas ng tunay na identity ni Harry at ang kahihiyaan sa pamilya nyang kilala sa larangan ng business.

Sa unang pagkakataon, di nila inakala na hindi pala hundred percent na lalaki si Harry. Alam ko rin na nadidismaya na lahat ng kapamilya nito sa balitang hindi nila inakala.

"Lilipat na daw si Harry ng school."

"Hala pano na yan, mawawalan tayo ng isa sa magaling na player."

"Hindi kasi tanggap ng mga magulang nya ang nabalitaan, kung dahil daw malaya na patakaran ng school kaya daw na apektuhan ng mga banding yung anak nila."

"Ang lupit naman nila, kung bakla talaga ang anak mo ganon na iyon. Kung sa case naman ni Harry ay late bloomer lang kasi."

"Oo, nga. Sayang at bukas na daw ang lipat nya ng school. Kaka-announce lang kanina sa adviser namin na tanggal na daw si Harry."

"Paano na yan, sya panaman iboboto ko this coming prom. Sayang naman. Nakakainis talaga."

Bago paman dumating sa punong isasambit nila na dahil iyon lahat sa akin ay umiwas na ako. Buo na ang loob kong humingi ng tawad kay Harry. Dahil sa akin nasira ng ganon nalang yung buhay nya kaya ako rin dapat ang magayos nito.

Dahil narin sa walang sawang pagtutulong at sa utouto kong si Jake ay nakisuyo akong ihatid sa bahay nina Jake. Nilinaw ko rin sa kanya na may pursyento sya sa nangyayari ngayon kay Harry, tinakot ko rin sya na malalagot sya kay kuya kapag sinumbong ko sya sa kanya.

Lumiban ako ng huling klase sa hapon at nagpahatid na sa bahay ni Harry. Malaki din ito gaya ng sa kanila ni Jake.

Pinabalik ko narin si Jake sa school. Problema konna kung paano ako uuwi mamaya, pero mukhang tatagal nga ako sa paghingi ng tawad kay Harry.

Kumatok ako sa kanilang pintuan. Isang bata ang humarap sa akin, nasa edad sya na sampu o mahigit. Gwapo din ang isang to.

"Sino po sila?" Magalang na tanong ng batang lalaki.

"Uhmm... Nandyan ba si Harry?"

"Si Kuya Harry po? Nasa loob po sya, pero busy po sya eh, may inaayos lang daw sya sa kwarto kaya bawal daw muna akong pumasok doon . Ano po vang kailangan nyo sa tito ko?"

"Kaibigan nya ako, gusto ko syang makausap."

"Ok po, wala po ngayon sina Tita at Tito. Bumili po kasi sila sa tindahan. Pasok po muna kayo, pinapasok po kita dahil hindi kana po stranger sa akin."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi stranger? Nagkakilala na ba kami nitong batang to?

"So alam mo pangalan ko?"

"Opo, ikaw po si Jessie. Mahal ka po ni Kuya Harry. Sabi po nya Girlfriend ka po nya, kasi ang ganda mo daw po." Naku ang batang to, sinungaling. Hindi lang ako basta maganda.

So ganon pala ka honest tong batang to. Love ko na sya. Sayang naman, sana naging anak ko nalang sya.

Sinarado ko ang pintuan at sinundan ko ang bata paakyat ng hagdanan. Iniwanan din ako ng bata dahil natatakot daw sya sa kuya, pumasok sya sa kanyang kwarto at doon na nanatili.

Pati bata natatakot na sa kanya. Ano kayang ginagawa ng lokong to?

Nakabukas ang pinto nya, dahan dahan konitong binuksan. "Louie, wag ngayon. Doon ka muna sa labas. Papaluin kita ng sapatos mamaya kapag di ka sumunod."

Pumasok ako na syang kinagulat nya. Kasalukuyan syang nag iimpake ng damit sa isang malita.

"Kaya pala takot yung bata, gago ka ba. Pati bata tinatakot mo."

"Anong ginagawa mo dito? Labas ka nga! Ayaw kitang makita. At sino yung nagpapasok sayo? Malilintikan talaga yang batang yun!"

Iniwanan nya ang ginagawa at akmang lalabas ng pintuan pero sinarado ko iyun bago pa nya masaktan ang bata. Hinarangan korin ang pinto ng mismong katawan ko.

"Umalis ka dyan kung ayaw mong masipa kita." Panakot nya. Hindi sya nakatitig sa akin, sa halip ay nasa sahig yung titig nya.

"Ayaw, at saka pumunta ako dito upang humibgi ng tawad. Please patawarin mo na ako." Pakiusap ko habang kapit nakapit sa pintuan baka kasi matabig nya ako paalis.

Tumigin na sya sa akin ng diretso. "Sa tingin mo ganon lang yun? Dahil sa video na iyon kaya ngayon galit ang Papa sa akin. Paano mo pa iyon maaayos kung kulang nalang ay barilin nya ako. Sabihin mo paano?" Sinuntok nya ang pintuan malapit sa mukha ko. Muntik na akong tumili dahil sa malakas na pag suntok nya sa dingding.

"Kung gayon ay gagawin ko ang lahat para maayos ko ang lahat ng to. Pangako, gagawin ko talaga ang lahat ng pwedeng maging paraan ng pagtanggap sayo ng Papa mo." Pikitata kong sinambit.

Minulat ko ang mga mata ko at natanto kong sobrang lapit na yung mukha ni Harry sa akin, parang isang sentemetro nalang at didikit uli ang labi nya sa labi ko.

"Siguraduhin mo lang dahil kapag hindi mo naayos to within two days forever kitang hindi mapapatawad. Babangungutin ka dahil sa kasalanan mo, hindi ka patutulugin ng konsensya mo at kapag namatay ako na hindi ka napapatawad ay mumultuhin kita."

"Oo na! Oo na! Please tigil mo na yang panakot mo."

"Good, umuwi ka at bumihis ng panlabas dahil isasama kita mamaya sa dinner namin. Susunduin kita, siguraduhin mo rin na maganda ka." Garalgal nyang tono. Bago pa nya ilayo ang mukha sa akin ay hinalikan pa nya ang pisngi ko.

Ano ba tong pinasukan ko? Mukhang magaasawa na ako nito ng maaga ha.

Brother's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon