CHAPTER 3

9 0 0
                                    

Hi... sorry for being MIA. Life's been pretty hard on me:))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


[girl ano na? kaya paba today?]


[Oo na, ito na malapit na ako bye!] I locked the door of my car sabay patay nang cellphone ko at binalik na ito sa loob nang bag ko. Lunes na lunes sinalubong agad ako nang kamalasan.



I was rushing habang inaayos ko yung mga librong dala ko. Kung hindi pa ako tinawagan ni Sage baka hanggang ngayon eh tulog pa din ako. Paano ba naman kasi mag-uumaga na akong hinatid nang magaling kong kapatid sa condo ko. Ang sabi chillnuman lang raw kami, pero pucha kung makabigay naman nang tagay eh akala mo tanggero ako sa kanto, sobrang sakit pa nung ulo ko ngayon. Kung hindi pa kami pinagalitan ni mommy hindi pa talaga siya titigil.



I was so exhausted and panting heavily nang makarating ako sa harapan nang classroom namin. When I looked at my wrist watch nakahinga naman ako nang maluwag dahil meron pa akong ten minutes bago dumating yung prof namin for our first period. I fixed myself first bago ako tuluyang pumasok.




When I entered at the back door of our room I immediately look for Sage. Nakita ko naman siyang naka-upo sa usual sit namin sa unahan. Papasok na sana ako nang may tumikhim sa likuran ko. Pucha, late naba ako? Doon ko lang din tinignan yung buong classroom at sobrang tahimik nila at puros mga may ginagawa. I looked at my wristwatch again at napakunot naman agad yung nuo ko, 9:20 palang. Hindi pa naman ako late ah atsaka palaging late rin naman yung prof kong yun kung pumasok.




"Tsk tsk, madam baby perfect example ba yan nang student leader? Muntik ka nang maging late" napatingin naman agad yung mga kaklase ko sa gawi namin kasama na yung gago kong kaibigan na malapad nang nakangisi ngayon. Napabuntong hininga naman agad ako at pumikit nalang sa sobrang inis bago hinarap yung gunggong na nasa likuran ko.




When I faced him napa-atras naman agad ako dahil sa sobrang lapit namin. At dahil nga pinanganak na attention seeker si gago, he moved his face closer to mine dahilan para matulak ko yung bwisit niyang pagmumukha.




"Aray naman!! Wag mo naman sirain yung cute kong pagmumukha" angal niya at umayos nang tayo. That's when I realized na he was wearing his department shirt na pinahiram niya sa akin, it was tucked in a beige trousers and black belt. Kaya naman pala amoy na amoy ko yung pabango ko. He's in his signature look magkaiba lang eh hindi siya naka black slacks like the usual na suot niya. At doon ko lang din narealize na magkaparehas nang kulay yung trouser namin, gaya-gaya ha.




"Pwede ba, masakit ang ulo ko kaya wag mokong simulan. Atsaka hindi naman ako nalate kaya wag mokong pangaralan" I said at tinalikuran na siya. "Ano? May movie ba?" suplada kong tanong sa mga chismosa kong kaklase na agad namang nagsi-iwas nang tingin at bumalik na sa mga ginagawa nila.




"Ay mainit yung ulo ni madam, LQ ata sila" narinig ko pang malakas na sabi ni Sage para mahinang matawa yung mga kaklase ko.




I heave a sigh at naglakad na patungo kay Sage na hanggang ngayon eh nakangisi pa rin. Napairap nalang ako sa sobrang inis nang maramdaman kong nakasunod pa rin si gunggong sa likuran ko. I placed my things in my table at hinarap si gunggong na nasa likod ko pa rin. I fold my arms over my chest and raised my right eyebrows at him.




"Kelangan mo at sunod ka nang sunod sakin? Crush mo naba ako?" dire-diretsang tanong ko sa kaniya para matawa siya nang mahina making his dimples visible. Nagsikantyawan naman agad yung mga kaklase ko sa amin. I looked at them at tinignan sila nang masama kaya natahimik naman sila agad.




Aligning Our Future (Fate Series #1)Where stories live. Discover now