Ingay. Yan yung gumising sakin. Yung ingay nang cellphone ko. I was squinting my eyes and grunted while I was trying to reached out my phone beside me para patayin yun. Napakasakit sa ulo nang alarm clock ko, next time I will change it to a more soothing one. I faced the other side of my bed para bumalik na ulit sa pagtulog nang mapatay ko na yung alarm clock ko or so I thought.
[asan ka?]
Muntik na akong mawalan nang lakas when I heard a deep voice spoke behind me. I immediately got up at tinignan yung paligid ko bago ako nagawi sa cellphone ko. Dun nanggagaling yung boses. Hindi pala alarm clock ko yung nag-iingay kundi yung ringtone ko and I accidentally answered the call.
When I looked at the caller it was Sage at kasama sa background ay yung iba naming kaibigan. Hindi talaga nila ako lulubayan. I picked my phone up at pinatay yung tawag at nagtype nalang nang sagot sa group chat namin. It was already 6 pm. Ganun kahaba yung tulog ko. I was about to turn off my phone when a text message from Sebastien pop out.
from: gunggong
hey, im in the lobby of your condo
Nawindang naman agad yung sistema ko. Pucha?! Paano niya nalaman yung address nang condo ko? Isa rin tung hindi ako nilulubayan eh. Kunti nalang talaga mag-aassume na ako sa mga pinaggagawa niya. I glanced at my phone again nang magvibrate ito nang sunod-sunod. It was him, calling me. Pinaglihi ba'tu sa kakulitan?
Sa sobrang taranta ko hindi ko alam kung anong uunahin ko. That's when I remembered na nakasalang pala yung jacket niya sa laundry. I immediately got up my bed at bumaba para kunin yung jacket niya. Katulad nang dati I folded it and sprayed my perfume. I smiled wickedly dahil sa amoy na nanggagaling sa jacket niya. After that I fixed myself at kinuha na yung cellphone ko na punong-puno nang missed calls at text niya.
to: gunggong
ano ba, para kang jowa na nag-ooverthink.
anong assurance ba ang kailangan mo
napaka-clingy mo na nga sa personal, pati sa tawag at text ang clingy mo pa rin.
Sunod-sunod na reply ko sa kaniya. I was sitting in my bed and combing my hair when his name flashed in the caller ID. Ay shuta! Apakaclingy naman neto. I heaved a sigh at sinagot na yung tawag niya, baka umiyak patu' pag hindi ako sumagot.
[Ano?!] singhal ko nang sagutin ko yung tawag.
[Why aren't you answering my calls? kanina pa ako dito sa baba nang condo mo] he sounded so worried para mapakunot ako nang nuo. Teka sa pagkakaalam ko wala akong inorder na jowa nuong sale sa lazada at shopee. Pero ba't parang bigla ako nagkaroon nang jowa?
[Teka nga? Unang-una ba't ka andyan sa baba? Pangalawa, kanino mo nakuha yung address nang condo ko?!]
[Hey calm down. You're friends gave it to me. And I'm here to bring you foods, diba masakit ulo mo] he said para hindi ako maka-imik.
Putaenang mga kaibigan, pinagkanulo ba daw ako?! Minsan talaga gugustuhin ko nalang na maghanap nang mga bagong kaibigan. Atsaka, ba't naman ganeto?! Hindi naman sa nagrereklamo ako rold, pero hindi pa naman ako humihingi nang jowa ah. Nasa chapter na ba ako nang life ko na magkakajowa o di kaya'y mapapagtripan ako?
[hey andyan kapa ba, Shei?]
[oo, hintayin moko diyan sa baba] I said and dropped the call.
Nagmamadali naman akong nag-ayos nang sarili. Nagbihis pa ako at nagpabango bago ako lumabas nang unit ko at bumaba sa lobby. Pagkalabas ko nang elevator, dumiretso agad ako sa lobby. Nadatnan ko naman agad si gunggong na nakaupo sa pang-isahang sofa at nakayuko habang busy sa pagkalikot nang cellphone niya. He was still in his department shirt, nakapatong pa sa ibabaw nang hita niya yung laptop bag niya.
YOU ARE READING
Aligning Our Future (Fate Series #1)
Novela Juvenil"I know someday fate will let our paths cross again. And when that time comes, I hope that destiny has already aligned our future" Sheiaimel Dion the unica hija of Valmer bloodline. She's well known to be sociable to everyone. Aside from her friendl...