CHAPTER 5

14 0 0
                                    

"Saan punta niyo?"



Nakakunot-nuong tanong ko nang makasalubong ko yung mga kaklase ko palabas sa lecture room namin. May klase pa kami ah. Sobrang late naba ako? When I looked at my wrist watch, late na nga ako nang mga 20 minutes. I was panting heavily habang nakahawak sa dibdib ko. I glanced at our room to check kung andun paba yung prof namin, pero ni isang gamit sa table wala.



"Our class was cancelled, magsesend nalang daw siya nang lecture videos at online quiz" Angela answered.



"Ahh okay.... thank you" mahinang saad ko at napatapik nalang sa nuo ko sa sobrang frustration. Naguilty naman agad ako dahil sa ginawa ko kay Sebastien. Pucha!! Ano ka ngayon Sheiaimel? Inaway mo yung tao dahil lang ayaw mong malate. Siguro alam na nun na wala kaming pasok kaya niya ako pinipigilan kanina, nakakahiya!! Minsan kasi sa kaniya pinapasabi nang mga professor namin yung announcement kapag cancelled yung klase namin o di kaya'y sa akin kapag may contact sila sa akin.



I was in the middle of spacing out when Sage tapped my forehead lightly. My brows furrowed at tinalikuran na siya. I have more than an hour vacant, hahanapin ko nalang siiguro si Sebastien para humingi nang tawad. Tangina, hindi naman ako usually nagkakaganito pero parang need kong magsorry talaga. Nagmamagandang loob na yung tao kanina eh tapos inaway ko pa.



Pagkatapos ko kasi siyang away-awayin kanina tumakbo na agad ako nang mabilis kahit na paulit-ulit nagrereplay sa utak ko yung itsura niya. Did I really go overboard? I mean, I was just stress, ayokong nalalate sa klase ko as much as possible. Pero kasi naman!! Hindi pa rin magandang reason na sa kaniya ko ibuntong yung frustration ko!! Parang tanga naman kasi eh, ayan tuloy kailangan ko pa siyang hanapin at humingi nang tawad. Hindi pa naman ako marunong magsorry.



"Hoi!!" Sage snapped his fingers in front of me para mapakurap ako. "Ayos kalang ba? Parang ang lalim nang iniisip mo. Masama pa ba yung pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong niya sa akin nang makarating siya sa tabi ko. He pressed the down button of the elevator habang ako naman eh parang tanga pa rin at nag-iisip kong paano ako magsosorry kay Sebastien.



"Ang weird mo na ha" he murmured at nauna nang pumasok sa elevator nang bumukas ito. He pressed the lobby button at humarap sa akin. "Okay kalang ba talaga?" he nudged para mapatingin ako sa gawi niya. "Para kanamang tanga, uminom kananaman ba?-" I shook my head at him. "Hindi naman pala, ba't ganiyan ka? Alam mo bang kanina kapa kinocontact nang prof natin para sana sabihan kang wala tayong klase sa kaniya-" when he said that kinapa ko naman kaagad yung cellphone ko sa bulsa nang trouser ko. When I opened it, may limang missed calls nga sa prof namin at isang message. Naka do not disturb pala yung phone ko.



"Mabuti nalang at may number siya sa akin kaya ako yung tinawagan niya. Baka hanggang ngayon nagmumukha na kaming eng-eng sa room at naghihintay kung kailan siya dadating" pagpapatuloy niya. I heaved a sigh at iniwan na siya sa loob nang elevator na hindi pa rin tapos sa pangsesermon sa akin. I rolled my eyes at him at hinayaan nalang siyang mag-ingay lang. 



"Saan ka ba galing, ba't late kananaman?" he asks para hindi ako makaimik. "Hoy ano ba! May balak ka bang magsalita o mag-eemote kanalang diyan" he nudged me when I didn't answer his questions. 

Aligning Our Future (Fate Series #1)Where stories live. Discover now