"Parang gago ka talaga"
Nakangiwing saad ni Kuya Santi sa kapatid niya na hanggang ngayon ay tuwang-tuwa pa rin sa ginawa niya. Pagkasara ni Axzel nang pintuan tumawa agad silang dalawa nang malakas. Hindi ko alam kong maaawa ba ako dun sa gunggong na yun o wag nalang. Quits na kami ngayon.
Sa sobrang tuwa nang dalawa kong pinsan aba'y binulabog yung natitirang tulog pa naming mga kasama. Hanep na yan. Nagbihis lang ako nang damit at pagkababa ko ay ako na yung bida sa kuwento nang dalawang mokong. Tawang-tawa naman yung isa kong kapatid at iba naming pinsan. Habang si Kuya Astrid at yung dalawang may asawa na naming pinsan ay napapailing nalang sa katarantaduhang ginawa ni Axzel.
Paano alam na alam kasi nila na palagi kaming napapagkamalan ni Axzel na magjowa. Hindi din naman kasi kilala at alam nang ibang tao na pinsan ko si Axzel. Paano sa Espanya naman kasi nanatili nang ilang taon yung mokong. Kaya akala nang mga taong nakakakilala sa akin ay jowa ko siya, eh hindi nga siya nakapasok sa standards ko. Napakamot nalang ako sa gilid nang nuo ko dahil sa pinagagawa niya.
"Hindi na kayo nahiya at talaga sobrang ganado pa kayo sa pagkain niyan" Kuya Astrid muttered habang tinitignan kaming tatlo ni Enzo at Axzel.
"Bigay din naman sa akin tu'" I answered habang ganado sa kinakain kong french toast at nilagyan pa nang bacon. Napakadami naman kasi nang binigay nung mokong sa akin. May isang tupperware nang mushroom soup, isang tub nang fried rice at bacon.
Napailing nalang si Kuya Astrid sa akin habang umiinom nang kape. Hanggang ngayon andito pa rin sila sa condo ko. Hindi kasya yung stocks ko para ipakain sa kanila, ang lalakas lumamon nang mga hayop eh. Kaya ang ginawa nila ay umorder nalang nang pagkain sa isang resto para makakain sila bago umuwi. Hindi din naman kasi kasya para sa aming lahat 'tung binigay ni Sebastien.
"Napakawalang hiya mo naman Axzel" puna sa kaniya ni Kuya Santi. Ganadong-ganado si hayop!
"Eh mas walanghiya si Dion at talagang kinain niya pa yung dala nung tao" he said while munching loudly. Ang dugyot! Napangiwi naman silang lahat dahil sa kadugyutan netong si Axzel.
"Nanuro kapa eh kung makahigop ka nang sabaw parang ginugutom ka" puna ni Enzo sa kaniya. I laughed loudly dahilan para mabulunan ako.
"Deserve" sabay na saad ni Axzel at Enzo sa akin.
"Manners, Dion" saway ni Kuya Astrid para umayos ako nang upo at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos kumain sila na yung pinagligpit ko nang kinainan namin. Aba'y mahiya naman sila at inabala na nga nila ako tapos ako pa yung magsisilbi sa kanila. Nauna nang nagpaalam sila Kuya Miguelle at Kuya Benedict sa akin at hinahanap na ng mga asawa nila. Magkikita din naman kami ulit mamaya at may get together party daw mamaya sa bahay namin. I heaved a sigh nang maisara ko na sa may pintuan pagkatapos kong ihatid sila Kuya Migs at Kuya Ben sa may elevator.
Nang nilibot ko yung tingin sa condo ko napa-iling nalang ako sa kanila. They we're all playing cards at nagpupustahan pa. Alam ko namang binabantayan nila ako kunwari pa sila. Hinayaan ko na silang walo dun sa may sala ko at pumasok na sa study room ko. Mag-aaral muna ako at mamaya ay uuwi kami sa amin. Alam kong papagalitan ako nila mommy pag sinabi kong hindi ako makakapunta.
I was in the middle of writing some notes nang may kumatok at pumasok sa loob si Enzo na may hawak ding laptop. I raised my eyebrow at him, he showed me his laptop screen at naupo na sa bean bag ko. He was busy with his own business kaya bumalik na rin ako sa ginagawa ko. Around 4 PM nang matapos kong aralin yung mga subject namin na may quizzes at recit next week. Malakas akong humikab at nag-inat.
YOU ARE READING
Aligning Our Future (Fate Series #1)
Fiksi Remaja"I know someday fate will let our paths cross again. And when that time comes, I hope that destiny has already aligned our future" Sheiaimel Dion the unica hija of Valmer bloodline. She's well known to be sociable to everyone. Aside from her friendl...