"Tara mag-early lunch tayo" aya sa amin ni Alli. When I looked at my wrist watch it was 10:35 AM. Friday at magkakasama kami ngayong tatlo ni Sage at Alli sa garden nang school.
I shake my head at his offer at nagpatuloy lang sa ginagawa kong output para sa isang subject namin na may deadline mamaya, mabuti nalang at online lang ito ipapasa. I heaved a sigh nang matapos ko na yung huling part nang ginagawa ko. I proofread my work at nang masiguro kong maayos na yung gawa ko I sent it to my Professor's email.
Halos umiyak na ako sa sobang stress. It's a good thing that in my Friday schedule ay dalawa lang yung klase ko at mamayang alas dos hanggang alas kuwatro nang hapon pa yun. Inagahan ko nalang talaga yung punta ko dito sa univ para dito gumawa nang school works. Halos three weeks palang nung magsimula yung klase pero parang gusto na kaming lunurin nang mga Professor namin. Minsan gusto ko nalang maging hotdog sa loob nang ref. Sa sobang pagod ko hindi na ako nag-abala kung ano yung magiging itsura ko at Basta nalang humiga sa nilatag kong malong kanina.
Napakadami ko pang tatapusin ngayong linggo. Sunod-sunod ba naman yung outputs na binigay sa amin. Alam na alam talaga nila kung kailan sila aarangkada. Idagdag pa yung gagawin ko sa council sa susunod na mga araw. Yung pinakamahabang tulog ko na yung sa condo ni Seb noong Tuesday. I heaved a sigh at bumangon para kunin yung maliit kong unan na kinuha ko pa sa sasakiyan ko kanina. Matutulog muna ako at halos napalitan na nang kape yung dumdaloy na dugo sa ko system. Kinuha ko din sa loob nang bag ko yung eyemask na palagi kong dala.
"Bili muna kami nang pagkain, Shei" pagpapaalam nang dalawa sa akin. Sage handed me his extra malong, tamang-tama at gagawin ko 'tung kumot. I nodded my head at kinuha na yung malong sa kay Sage.
"May ipapadala ka?" Alli asked. I just shake my head at humiga na nang maayos. They both nodded their head tsaka umalis na. Nang mawala na silang dalawa sa paningin ko I heaved a sigh at kinuha na yung phone ko para magpatugtog nang music. I connected my phone in Alli's bluetooth speaker at sinuot na yung eye mask ko sabay talukbong nung malong ni Sage.
Hindi ko alam kong gaano ka haba yung tulog ko at naramdaman ko nalang na ginigising ako nang dalawa para raw kumain. I felt someone took my eye mask off para masilaw ako sa liwanag na nagmumula sa araw. Nang tuluyan nang makaadjust sa liwanag yung mata ko nakita ko sila Sage na nakaupo na sa harapan ko at may mga dalang pagkain. My brows furrowed when I saw that it was near 12 noon. Shet! Mabuti nalang pala at naipasa ko na yung output at deadline ngayon.
"Napakadami naman neto" puna ko nang makita ko kung gaano kadami yung binili nilang pagkain. They just both shrugged their shoulders at binuksan nalang yung tub nang pagkaing binili nila. My nose scrunched when I saw na halos lahat nang binili nilang ulam ay may gulay. Ayanbayan!
"Oh... yan kananaman sa mukha mong nalulukot kapag gulay yung ulam" Sage said at binuksan na yung tub nang kanin na binili nila para sa akin.
"Dinaig ka pa ni Keindra, mas kumakain pa yun nang gulay kesa sa'yo" Alli said nang makita nila kong gaano ako napipilitan sa pagkain nang gulay. Ela kumakain naman ako nang gulay ah, okra at talong nga lang.
"Ikaw lang yung kilala kong mahilig sa pagluluto na hindi naman mahilig sa gulay" komento ni Sage habang sumusubo nang kanin.
"Hoi! Napaka mo naman, meron din naman iba na ayaw sa gulay pero mahilig magluto. Masyado ka ha" I answered at tahimik nalang na kumain.
Mukhang may natitira naman silang awa sa akin at binilhan din nila ako nang mango shake. Binigay nga lang kong kailan tapos na akong kumain, ginawa akong bata, amp! When we finished eating, niligpit na naming tatlo yung pinagkainan at yung mga gamit namin. The three of us were walking papuntang building namin nang matanaw namin si Hailey at may kasamang pamilyar na likod nang lalaki na naglalakad papunta sa kabilang parking lot.
YOU ARE READING
Aligning Our Future (Fate Series #1)
Teen Fiction"I know someday fate will let our paths cross again. And when that time comes, I hope that destiny has already aligned our future" Sheiaimel Dion the unica hija of Valmer bloodline. She's well known to be sociable to everyone. Aside from her friendl...