CHAPTER 6

15 0 0
                                    

"Why are you here?" 


Yan agad yung bungad niya sa akin nang makabalik na siya sa loob nang unit niya. He placed the basket and paper bag sa taas nang coffee table niya. Hindi ba sumagi sa isip niya ang magsuot nang damit ngayon. I look around his condo para lang iwasan yung mata niya at yung binabalandra niyang katawan. Excuse me naman hu kasi at babae po ako, naaapektuhan rin.


"Look at me" he commanded, I heaved a sigh at tinignan siya. When my eyes darted at him nakahawak na siya sa bewang niya habang nakataas yung kilay niya sa akin. I cleared my throat at umayos muna nang upo at tumingin sa kaniya nang seryuso.


"My grandmother wanted me to give you all of that, pasalamat daw sa pag-alaga mo sa akin kahapon" mahinang saad ko at yumuko.


I heard him heaved a sigh at nakita ko nalang sa peripheral vision ko na umupo na siya sa pang isahang sofa sa gilid ko. "May bukas pa naman" mahinang saad niya rin para mapatingin ako sa kaniya at mapangisi. He raised his eyebrows at me again para mawala yung ngisi ko.


"Uhhhh..." I trailed off. "I'm also here to say sorry about the things I've said kanina. I was just so stress at sa'yo ko pa tuloy nailabas yung inis ko" I said at tumingin sa kaniya na parang nagpapa-awa.


He closed his eyes and pinched the bridge of his nose. Hindi ko alam kong sinasadya niya bang iflex yung muscles niya sa akin o talagang mahilig lang akong paglaruan nang tadhana. Jusko naman po at marupok hu ako, mabilis din hu ako bumigay sa hot and yummy na nasa harap ko. Natigil lang ako sa maruruming iniisip ko at napa-iwas nang tingin nang marinig ko siyang magsalita.


"I was hurt about the things you said about me. Akala ko we're okay, but then you lashed out and drop the bomb" he said. "Here I taught unti-unti ko nang napapaamo yang tigre sa loob-loob mo" he added para tumaas yung kilay. So parang tigre pala ako sa paningin niya, ganun.


"I was genuinely sorry, Seb. Ikaw naman kasi nakukuha mo pang magjoke kanina ayan tuloy naaway kita" I pouted at umirap pa sa kaniya. He looked at me with disbelief, parang hindi siya makapaniwala at sinisi ko pa siya. What? He said I was a tigre!


"Nagsosorry ka ba talaga o naninisi?" natatawang saad niya sa akin.


I grinned at him at umastang nag-iisip. "Both" I said making him chuckle. "Bati na tayo?" I asked at tumango naman siya. 


"Oo na" mukhang napilitan pa siya kuno. He stood up at kinuha na yung paper bag para tignan kung ano ang mga laman nun. Nag-iwan lang ako nang tatlong ulam sa condo ko at yung natira binigay ko na sa kaniya. He looked at me at nginisihan pa ako nang mokong. "Andami naman neto, please tell Lola thank you for this" he said para mapataas yung kilay ko sa sinabi niya. Ampucha! Lola daw! Apo ka rin ba at nakikilola ka sa lola ko?!


"Crush mo na siguro ako dahil hindi mo natiis na hindi tayo magkabati bago matapos ang araw natu'" he teased me at naglakad na patungo sa kusina nang condo niya. Doon ko lang din naappreciate yung design nang condo niya.


It was just good for one or two people. The unit has three rooms in the first floor below his loft type bedroom, mukhang yan yung walk-in closet at study room niya, tho hindi ko lang alam yung isa kung ano, baka guest room. Sa gilid naman ay may hagdan paakyat sa loft type niyang kuwarto. Sa salas naman niya natatabunan nang makakapal na kurtina ay yung glass wall at door palabas sa terace nang condo niya. Tamang-tama lang talaga sa kaniya na nag-iisang nakatira dito. 


"Ayaw mo nun, hindi kita natitiis kahit wala pa tayong label" I bantered habang nililibot pa rin yung tingin ko sa buong unit niya, halos black, grey at white yung nakikita kog kulay. Nang magawi yung tingin ko sa kaniya he looked at me at napailing nalang mukhang hindi niya inaasahan yung sagot ko. "Uuwi na ako, gabi na rin. Bukas nalang tayo mag-usap about sa revisions nang design" I told him at sinukbit na yung bag na dala ko.


Aligning Our Future (Fate Series #1)Where stories live. Discover now