Kulotsky

1.6K 173 7
                                    

Chapter Three

MULA sa bintana ng kanilang inuupahang apartment ay tanaw ni Jeralden ang ginagawang pakikipaglaro ni Scythe sa mga batang-kalye. Nakakatuwa itong panoorin. Kahit madalas niya itong sinasagot-sagot at lumalaban dito ng asaran ay crush niya ito. Kamukha kasi nito iyong half-Japanese na waffle maker sa Coffee Prince. Lalo pa nga at pareho ng hairstyle ang dalawa. Medyo mahaba na itim na itim ang mga hibla at ipinupusod nito ng half bun. Ang cute. Muntik pa nga siyang mapatunganga rito noong unang beses niya itong makita. Kung hindi lang talaga parang binibiyak na kawayan ang boses nito ay baka tinungangaan na lang niya ito roon buong maghapon.

Hindi naman kasi ito guwapo. Ni hindi ito masasabing pogi. Pero may kakaiba itong appeal. Malakas daw ang dating, ayonkay Phoebe. Isa rin sa mga babaing hantarang nagkakagusto kay Scythe. Ito at ang ilan pang kadalagahan at kabekihan sa lugar nila ay parati itong pinag-uusapan. Madalas mag-umpukan ang mga iyon sa harapan ng karinderya ni Aling Maring. At dahil makalabas lamang naman iyon ng apartment na nirerentahan nila, parati siyang nakakasagap ng tsismis sa kuwentuhan ng mga ito.

Wala rin naman kasi halos siyang mapaglibangan doon. May telebisyon nga ang Lola Aida niya, pero hindi naman naka-cable. May laptop siya at cellphone, pero kailangan pa niyang magpa-load para makapag-on line. Hindi naman siya lumaking mayaman. Pero sapul nang lumawak ang gamit ng makabagong technology ay masasabing hindi sila pahuhuli. Naka-cable ang malaking telebisyon nila at may sarili rin silang internet sa bahay. Kahit pa sabihing nakaratay ang kanyang ina ay hindi niya ramdam ang kakulangan nila financially. Ngunit iyon lang pala ang akala niya.

Kasabay ng pagkamatay ng kanyang ina ay saka lang niya nalamang ang lahat ng meron sila ay hindi na pala nila pag-aari. Hindi simpleng sakit ang ikinamatay ng kanyang ina. At mahabang gamutan ang nangyari rito. Nakakalungkot lang sa parte nilang mag-ama. Hindi na bale sanang namulubi sila kung sana man lang ay gumaling ito. Pero hindi ilang beses na narinig niya ang Mama niya na nagmamakaawa sa Papa niya na bitiwan na ito dahil hindi na raw nito kaya. Gusto na raw nitong magpahinga. But her father held on for as long as he could.

Alam niya kung gaano kamahal ng mga magulang niya ang isa't isa. Lalo na ang kanyang Papa. Kaya nga nag-iisa lang siya at hindi na nagkaroon pa ng kapatid dahil ayaw raw nitong pagdaanang muli ng Mama niya ang hirap ng pagluluwal ng sanggol.

Marahan siyang napaunat sa kinauupuan nang lumingon sa gawi niya si Scythe. Napaisip tuloy siya kung alam ba nitong pinanonood niya itong nakikipaglaro sa mga batang-kalye o nagkataon lamang na napalingon ito sa kinauupuan niya?

"Hi, Kulotsky! Sali ka sa amin," tawag nito sa kanya na may kasama pang kaway.

Umingos lang siya sabay alis sa tabi ng bintana. Ramdam niyang nagba-blush siya. At dahil maputi, tiyak na magiging kapansin-pansin iyon.

"Apo, bakit hindi ka lumabas para makipagkuwentuha sa mga kaedaran mo? Hayun at mukhang tinatawag ka noong apo ni Dolores."

"Hindi ko naman po kaedaran 'yon. Matanda na 'yon."

Bahagyang natawa si Lola Aida sa sinabi niya. "Hindi pa naman siya ganoon katanda. Siguro mga pitong taon lang ang agwat ng edad niyo."

"Matanda na po 'yon."

"Ay, siya, siya. Hindi na kita pipilitin. Pero ang sa akin lang naman ay hindi mo kailangang magkulong dito sa loob ng bahay. Tingnan mo nga, o. Namumula na ang mukha mo. Mainit dito sa atin, wala tayong aircon. Hindi tulad doon sa inyo na presko ang hangin at may aircon na puwedeng paandarin kapag ika'y naiinitan. Dito sa atin kahit hapon na ay para pa ring pugon ang init."

"Ayos lang po," matipid niyang sagot. Pagdaka'y may bigla siyang naisip sabihin sa nuno. "Lola?"

"Hm?"

The Untouchables Series Book 5 Scythe de AsisWhere stories live. Discover now