The Queen Bee

1.1K 140 9
                                    

Chapter Seven

MACY was tapping her foot on the floor impatiently. On behalf of Scythe, siya ang nakikipag-usap sa mga organizer tungkol sa katatapos lamang na singing contest dahil ayaw ipaalam ng pamangkin na ito talaga ang totoong nag-sponsor sa patimpalak. Maliit na halaga lamang ang sampung libo kung iisipin. Ngunit sadyang may mga taong mapagsamantala at abusado na kahit sa ganoong halaga ay gumagawa ng paraan upang makapanlamang ng kapwa. At ipinagngingitngit iyon nang husto ni Macy.

"Is it true that one of the judges is related to the supposedly first prize winner of the singing contest?"

"Ma'am,  kasalukuyan na po naming iniimbestigahan ang mga nangyari. Tsismis lang po 'yong kumakalat na magkamag-anak 'yong sina Mr. Villaluz at Sunny Sabangon," natatawang sagot ng Brgy. Captain. 

But obviously he's nervous. Pinagtatakpan lang nito iyon ng pekeng tawa.

Napangiti si Macy, sarkastiko. Pagkuwa'y nag-de-kuwatro. She's wearing a mini-skirt. At kahit isa siyang transgender, mahihiya ang mga contestant sa Miss Universe sa ganda ng mga legs niya. Nakita niya ang pagsuyod ng malagkit na tingin ng Brgy. Captain sa maputi at makinis niyang legs. Lihim siyang napangiwi. Literal na parang gusto nitong maglaway habang nakatingin doon.

Kap. Merlito Batotoy, she read the name on his desk name plate.

"Patas naman po ang naging hatol ng mga judges, Miss Macy," anang sekretarya. Ang kapal ng lipstick nito ay mas makapal pa yata sa suwelas ng wedge sandals niya. "Ang kaso ay siyempre meron tayong tinatawag na crowd's favorite. At nagkataong hindi umayon sa kagustuhan nila ang hatol ng mga hurado kung kaya't gumawa sila ng gulo. Isa pa ay tagakabilang bayan 'yong si Sunny, kaya siyempre bias ang opinyon nila na hindi tagarito ang nanalo."

"Really?" hindi kumbinsidong sagot ni Macy.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Sigurado kasi siya kung sino ang tumatawag.

"Pawang mga taga-Maynila ho ang kinuha naming hurado sa patimpalak, Ma'am Macy, para maiwasan ang mga ganitong alingasngas," dagdag na saad pa ng isa sa mga organizer.

"Mahusay naman po talaga 'yong si Jeralden Vergara. Pero iba ang pamantayan ng ating mga judges na silang mas nakakaalam sa mga ganitong patimpalak. Kaya nga po sila ang kinuha naming mga hurado dahil may mga aral sila sa musika," wika ng beki na ang cat eyeliner ay kakabugin si Catriona Gray.

"At hindi naman ho pamantayan ang taas ng birit sa pagpili ng mga winners. Nasa husay pa rin nila iyon kung paano nila ide-deliver ang kanta," matawa-tawa pang saad ng sekretarya ng baranggay sa tonong tila nakakainsulto. "Tayo kasing mga Pinoy basta mataas ang boses ay iyon na kaagad ang napipisil nating winner."

"Ay, true," kaagad na sang-ayon ng beki. "Katulad na lang noong nakaraang showdown nina Cire dela Riva at Hershey Bautista sa Pinoy's Golden Voice. Si Cire dela Riva ang nagwagi kahit halos makalagot-litid na 'yong piyesang kinanta ni Hershey."

Marahas na napabuntonghininga si Macy. Naiirita na siyang makinig sa sinasabi ng mga ito. Bagay na nagpatikom sa bibig ng mga kaharap.

"Shu," nilingon ni Macy ang kasamang bodyguard.

Mabilis namang lumapit iyon at ibinigay ang isang folder kay Macy.

"To be honest, napakarami ko pa sanang proyektong gustong ipasok sa lugar na ito dahil napamahal na ang bayang ito sa akin. Lalo na ang ating baranggay," ani Macy habang binubuklat ang folder at pinararaanan ng tingin ang nilalaman niyon. "But seeing how you all showed your true colors for some dime, I changed my mind."

Inihagis ni Macy ang folder sa ibabaw ng mesa. Kumalat sa ibabaw niyon ang ilang larawan at mga papel.

"Those are the score sheets na napulot ng ilang concerned citizen pagkatapos ng riot. Based on those papers, kitang-kita ang mga erasures. Ano 'yon? Nag-compare notes at nagkopyahan ang mga judges para sa niluluto niyong result ng singing contest?" mataray na sabi ni Macy. "And what did you say again, Kap. Pututoy? Tsismis lang ang issue tungkol sa pagiging magka-relative ng isang contestant sa isa sa mga judges? Ano pala ito?"

The Untouchables Series Book 5 Scythe de AsisWhere stories live. Discover now