Singing Contest Part 2

1.4K 150 21
                                    

Chapter Six

RAMDAM ni Jeralden ang panlalamig ng dalawang kamay. Abot hanggang talampakan ang nerbiyos niya. Nasa dalawampung mahigit ang contestants na sumali. Panglabing-apat siya. Sa sampung nauna na ay lima ang masasabing magaling at talagang may ibubuga ang mga boses. At iyon ang nagpapakaba nang husto sa kanya. Pro na pro ang dating at kalibre ng mga boses na para bang sanay na sanay na ang mga iyon na mag-perform sa harapan ng maraming manonood. Halos sumabog nga ang plaza sa lakas ng palakpak at hiyawan ng mga tao.

"Hindi naman halos tagarito ang mga 'yan, eh," komento ni Soraya na nasa tabi niya. May hawak itong abaniko at panay ang paypay sa kanya habang nagbibigay ng side remark sa bawat contestant na natatapos kumanta. "Nakasisilaw talaga ang ten kiyaw."

"Sa panahon kasi natin ngayon marami na ang mabibili sa halagang sampung libo. Ewan ko lang after ten years," sagot niya.

"Kunsabagay. Anyhoo, dapat ay exclusive lamang sa mga taga-San Lucas ang dapat na contestant, ano? Kita mo nga, o. Para tayong nasa pila ng American Idol. Haba ng pila, kalokah."

"Hayaan mo na. Maging good sport na lang tayo. Kung susuwertehin, eh, salamat. Kung hindi naman, wala tayong magagawa."

"Ah, basta. Ikaw ang mananalo, sissy. Napi-feel ko na sa'yo ngingiti ang magandang kapalaran ngayong gabi."

Ngumiti na lang siya. Ang lakas din ng fighting spirit ng kaibigan niya.

Napagkiskis ni Jeralden ang dalawang palad. Medyo maalinsangan ang gabi pero pakiramdam niya nagyeyelo ang kanyang paligid. Ikalima ng hapon nagsimula ang program. At sa mga sandaling iyon ay mag-iikasiyam na ng gabi. Mag-aalala na sana siya sa kalagayan ng kanyang Lola Aida dahil gabi na at hindi pa ito nakapaghahapunan. Ngunit nakita niya itong kumakain kasama sina Lolo Panoy at Lola Dolores ng naka-pack na pagkain mula sa bida-bidang bubuyog. Maging siya man at si Soraya ay may pagkain din na dumating. Na ang personal na nagdala ay si Scythe.

 "Heto ang sa'yo, Kulotsky," nakangising sabi nito nang ilapag sa harapan niya ang naka-pack na pagkain. "Bawal sa'yo ang malamig kaya maligamgam na salabat na lang ang inumin mo."

Napamaang siya at hindi kaagad nakakilos sa kinauupuan. Nakatingin sa kanila ang ibang contestants na ang iba ay kumakain na rin. Nakatanga ang mga iyon sa binatang nasa harapan niya na akala mo ay nakakita ng artista. Oo, hindi talaga ito guwapo. Pero pagdating naman sa appeal at karisma umaapaw. 

"Ito ay para naman sa paborito kong apo, si Solaya," ani Scythe nang iabot ang naka-pack din na pagkain sa kaibigan niya.

"Karen po, este, Soraya pala, Lolo."

"Yown. Sabi ko na nga ba magkakasundo tayo. High five."

Lukaret din ang kaibigan niya at agad na naki-high five kay Scythe.

"Sige, kain na para mabilis kayong tumangkad."

"Ikaw po, Kuya Scythe? Kumain ka na ba?"

"Makita ko lang kayong busog, busog na rin ako."

"Naks naman talaga. Kaya maraming nai-in love sa'yong mga beki at matrona, eh. 'Yong mga ganyang linyahan talaga ay palaging swak sa banga."

"Beki at matrona lang?"

"Siyempre, lahat na ng kadalagahan sa ating baranggay at sa mga karatig pang baranggay hanggang sa kabilang bayan."

"Magaling. At dahil mahusay kang mambola, may bonus ka."

"Talaga? Ano'ng bonus?"

"Isang dosenang tusok-tusok. Bukas, treat ko kayo ni Kulotsky ng tusok-tusok do'n sa kanto malapit sa bakery ni Mang Albus Dumbledore."

The Untouchables Series Book 5 Scythe de AsisWhere stories live. Discover now