Eight

1.6K 23 2
                                    

"SA karapatang ipinagkaloob sa akin ng batas, kayo ngayon ay mag-asawa na!"

Tulad noong una ay may nag-abot ng ballpen kay Julie.

"Dito po, Mrs. Valdez..." Ang clerk. Nilagdaan ni Julie ang dokumento. Nakaramdam siya ng deja vu.

Pagkatapos ay ibinigay naman kay Ariel ang ballpen. Pumirma rin ito sa dokumento. Sumunod na pumirma ay ang mga sponsors, si Donya Consuelo at Eduardo. 

Tulad din noong una, ibinigay sa kanya ang dokumento at ulit rin, ipinasok niya sa bag niya.

Hinagkan siya ni Donya, Consuelo sa pisngi. Hinawakan siya sa braso.

"Nanlalamig ka, hija?" Anito na medyo nag-aalala. 

Bago pa nakasagot si Julie ay kinamayan na siya ni Ed, ng Judge at ng mga empleyado sa opisinang iyon. Naka-freeze na ang ngiti niya.

Tumingin siya kay Ariel na nakangiti sa kanya. Hinawakan siya sa braso at inakay palabas kasunod si Donya Consuelo at Ed.

Pabalik sila sa mansion. Doon mismo gaganapin ang maliit at pribadong handaan.

Nakatitig si Julie sa harapan ng sasakyan. Blangko ang mga mata. Ginagap ni Ariel ang kaliwang palad niya. Malamig ito. 

"Honey, are you alright?" nag-aalalang tanong nito.

Marahan siyang tumango. Nang magsalita ay nanginginig ang boses.

"N-naisip ko lang...this is...this is a replay! The whole process itself!"

"Honey, hindi mo kailangang magsalita kung hindi mabuti ang pakiramdam mo," ani Ariel na inihinto ang sasakyan. "Sumandal ka," dugtong nito.

Pinindot nito ang button na maghihilig sa upuan ng kaunti. Isinandal ang asawa. Nanlalamig ang buong katawan ni Julie.

"I-isipin mo..." ani Julie na hindi mawari kung tatawa o iiyak, "...d-dalawang beses akong naging Mrs. Valdez sa pagitan lamang ng apat na buwan!"

Tiningnan niya ang suot na singsing. Sinulyapan ang kamay ni Ariel. Kapareho ng nasa daliri niya ang nasa daliri ni Ariel.

"G-Greg also gave me one...pero nawala rin...."

Nalilito si Ariel sa ginagawi ng asawa. Nag-aalalang tiningnan niya ito. 

"T-tulad ni Greg...iiwan mo rin ba ako...Ariel?" patuloy ni Julie. Halos hindi marinig ni Ariel ang tanong na iyon. 

Kinabig ni Ariel ang asawa sa dibdib. Nanlalamig pa rin si Julie. Pinatay ni Ariel ang aircon ng sasakyan.

"O, Julie...I'm sorry. Napaka-inconsiderate ko. Hindi ko inisip na baka manumbalik sa isip mo ang traumang dinanas mo." Mahigpit na hinapit ni Ariel ang asawa. Hinaplos ang mga braso.

"It's alright, honey...it's alright." Hinagkan ni Ariel ang buhok nito habang tuloy sa paghaplos sa braso ng asawa. 

Napapikit si Julie. Nakaramdam ng init. Kumalma ang dibdib.

"Listen, honey. Ang nangyari kay Greg ay hindi natin gustong lahat. Hindi ka niya gustong iwan. Ang kamatayan ay dumarating sa ating lahat. Ngayon, hindi madaling maging matatag, pero kailangang gawin natin. Life must go on." Huminga ng malalim si Ariel bago muling nagsalita. "At hindi kita iiwan, Julie. Not for any other reason. Only when I breathed my last..." bulong na lang halos ang huling tinuran ni Ariel. 

Nagulat pa sila nang may kumatok sa salamin ng sasakyan. Tinted ang salamin pero naaninag nila si Ed. Binuksan ni Ariel ang bintana. 

"Pare...bago sa akin ang honeymoon sa loob ng Safari sa tabi ng highway and in broad daylight..." nakatawa ito. 

Dugtungan Mo Ang Isang Magandang Alaala - A Novel By Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon