Two

1.9K 35 2
                                    

ILANG buwan na ang lumipas...ang mga alaala'y kaylinaw pa rin sa kanyang isipan...

Abalang-abala si Julie. Dumating kasi ang supplier nila ng makinarya mula sa Japan. Sa pagkakataong ito ay kasama pa ang pamilya nito. Tulad ng dati ay siya ang sumalubong sa mga ito sa airport at nag-book sa Manila Pen.

Sa lobby ay siya na mismo ang kumuha ng mga susi sa dalawang kuwarto para sa mga ito habang nasa bar at naghihintay. Nililingon niya ang mga bisitang Japanese habang pinaiikot-ikot sa daliri ang key chain. Nasa ganoon siyang ayos nang sa pag-ikot niya ay tumama sa mukha ng lalaking iyon ang susi.

"Oh my! Sorry! I'm terribly sorry!" ang natataranta niyang paghingi ng paumanhin dito. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Sandaling napatulala ang dalaga. 

"N-nasaktan ba kita?" awkward niyang tanong nang makabawi sa pagkatulala.

"No...ngunit masasaktan ang puso ko kung hindi ka makikipag-kilala sa akin, magandang binibini," nakangiting tugon nito. Lumitaw ang pantay-pantay at mapuputing ngipin ng lalaki. Sumilay ang dalawang malalim na biloy sa magkabilang pisngi. Wari'y nakangiti pati ang mga mata.

Nag-rigodon ang puso ni Julie. Sinasal ng kaba. Oh, please, behave my heart! Hindi na ako teenager na magsu-swoon pag nakatagpo ng guwapo!

Signature ang suot nitong t-shirt. Christian Dior na kulay baby pink.

Baby pink! Gosh, kung iba ang magsuot ng ganoong kulay ay baka magmukhang katawa-tawa! But he carried it well! Slacks na wool na kulay itim at Christian dior ding leather belt...black ang Italian shoes....

Siya si GREG VALDEZ. Junior Executive sa isang construction company na pag-aari ng pamilya nito. Naroon ito upang i-dine ang ilang public officials para sa gagawing bidding ng isang provincial road project. Dalawang taon ang tanda ni Greg sa kanya. Twenty-four years old ang binata.

At iyon ang simula ng lahat. Sinuyo siya ni Greg. At sinong babae ang hindi nito mapapaibig? Sweet and thoughtful. Maginoo. At bagaman may sinasabi ay hindi mayabang. Palabiro at malambing. 

Kaya naman makalipas lang ang mahigit na isang buwan ay sinagot niya ang pag-ibig nito.

Nalaman din niyang ulila na ang lalaki sa ama. Apat na taon na mula nang yumao ang matandang Valdez. At may nakatatandang kapatid si Greg na siyang namamahala ng mga kumpanyang pag-aari ng pamilya nito.

"Close kami ni Ariel. At spoiled ako roon. Pero huwag na huwag na makarinig iyon ng hindi magandang ginawa ko at numero uno ko siyang kalaban. Istrikto si Ariel at very business-like." Pagkukuwento nito minsang nasa parke sila.

"Talaga sigurong ganoon ang mga panganay. Anim na taon ang tanda ni Ariel sa akin. One of these days ay ipakikilala kita sa kanya. Sa ngayon ay nasa Hong Kong siya at inaasikaso ang bumibili ng franchise ng fastfood chain niya." Halata sa tinig ng binata ang pagmamalaki sa kapatid.

"Bakit hindi pa nag-aasawa ang kapatid mo ganoong thirty na pala siya? May girlfriend na ba siya?" tanong ng dalaga habang nilalaro ng damo ang mukha ng katipan.

"Marahil ay nalibang si Ariel sa pagpapalakad ng mga negosyo niya. Mga babae nga ang lumiligaw roon, eh. Mga socialite, ha? Lahi ba naman kami ng magagandang lalaki, eh." Pabirong tugon nito habang nakahiga sa damuhan at nakaunan sa kandungan ng katipan.

"Conceited..." pairap at birong tugon ni Julie. "Ariel is very successful. At isiping trenta anyos lang

siya ha? But he worked hard for it. Siya ang nagturo sa akin ng self-reliance. He is training me for higher respon- sibility. Pero hindi sa paraang napi-pressure ako. But you know what? I beat him this time..." Sumilay sa labi ng binata ang kakaibang ngiti. "Girlfiend ko yata ang pinakamaganda at pinakamabait na babae sa buong mundo." Wari ay ninanamnam ni Greg ang bawat salitang namumutawi mula sa mga labi nito.

Dugtungan Mo Ang Isang Magandang Alaala - A Novel By Martha CeciliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon