MULA sa doktor ay tumuloy sila sa opisina ni Ariel Nasa 10th floor ito ng gusaling iyon sa Paseo de Roxas, Nasa loob sila ng elevator nang magsalita si Julie.
"K-kailangan pa bang dumaan tayo dito? Baka busy si Ariel."
"Stop worrying. Bilin niyang dito tayo tumuloy pagkagaling sa doktor," sagot ng donya na hinawakan siya sa balikat. "At isa pa, maaaring siya ang namamahala ng mga kumpanya namin pero ako pa rin ang Chairman of the Board," kumindat pa ito sa kanya.
Hindi na kumibo si Julie. Sa 10th floor ay bumulaga sa kanya ang isang malaki at modemong opisina. At napag- alaman niyang okupado nito pati ang 11th floor.
Magalang na binati ng mga empleyado si Donya Consuelo. Kuryosidad naman at paghanga ang para kay Julie.
May isang sumipol na agad namang nilingon ng donya.
"Was that for me, Dan?" nginitian ng donya ang sumipol. Agad naman itong lumapit.
Hinagod ng tingin ni Julie ang lumalapit. Guwapo. Kasing gulang marahil ni Ariel. Naka-long sleeves na puti at nakakurbata. Humalik ito sa pisngi ng donya.
"But you are a beauty, Lola Consuelo. Wala akong nakitang tulad mo na tila reyna sa tindig!" tugon ng lalaki na bagaman at ang mga mata ay curious na nakatuon kay Julie.
"Salamat, Dan. Alam kong bolero ka," ani Donya Consuelo na halatang na-pleased. "Nariyan ba si Ariel, Dan?" tuloy sa paglakad kasunod si Julie.
Tumango ang tinanong at sinabayan sila. "Hindi mo ba ipakikilala sa akin ang magandang binibing kasama ninyo, Lola Consuelo?" si Dan sa tila nagmamakaawang boses.
Gustong matawa ni Julie. "Ay, oo nga pala," ani Donya Consuelo na huminto sa paglakad. "Si Julie, Dan. Dan, si Julie."
"Hello, I'm very pleased to meet you," si Dan na inabot ang kamay.
Ngumiti si Julie na iniabot din ang kamay.
"Asawa niya si Mariz, hija," si Donya Consuelo na gustong maaliw.
Nagtaas ng kilay si Julie. "Kilala niya si Mariz?" si Dan.
"Doon kami galing, hijo." Hindi mapigil ng donya ang di mangiti sa itsura ni Dan. At lumakad na uli ito at naiwang nagkakamot ng ulo si Dan.
"Huwag mong pansinin si Dan, hija. Mabiro lang iyan but a very faithful husband. Isa siya sa mga senior executives ni Ariel. Kaeskwela at kababata.
Tumango si Julie at luminga-linga.
"D-dito rin po ba nagtrabaho si Greg?"
"Oo, hija. Under siya ni Dan. Magkakaibigan sila sa labas s ng opisina. Pero dito sa loob, they treat each other on professional terms," paliwanag ng donya.
Marahang tumango si Julie. Ito ang daigdig noon ni Greg. Kinapa niya ang tiyan niya. Lagi na ay nakasunod ang alaala nito. Papaano siya makakalimot? At gusto ba niyang lumimot? Ang nasa tiyan ay isang maliwanag na tagapagpaalala.
"Nasa loob si Ariel, Liza?" tanong ni Donya Consuelo sa sekretarya ni Ariel.
"Good morning, Ma'am. Opo. He is expecting you. Nariyan din po si Miss Morelos, kararating lang," at ngumiti ito kay Julie na gumanti din ng ngiti at bantulot na sumunod kay Donya Consuelo papasok sa opisina ni Ariel.
Malaki at maganda ang opisina ni Ariel. Masculine. Bagay sa binata.
Narra ang mga wall panelling. Halos lumubog ang mga paa niya sa lambot ng carpet na kulay brown. Lac- quer brown naman ang kulay ng malaking mesa ng binata at ganoon din ang cabinet na nasa likod nito. Naroon ang telepono at intercom.
BINABASA MO ANG
Dugtungan Mo Ang Isang Magandang Alaala - A Novel By Martha Cecilia
Romance"Pag-ibig din ang magdurugtong sa magagandang alaala ng isang lumipas na pag-ibig.." Maligaya si Julie sa piling ng kasintahang si Greg. Subalit tuwina ay wala itong bukambibig kundi ang nakatatandang kapatid na si Ariel. Nang makilala niya ang mist...