"BUNTIS AKO"

6K 197 23
                                    

GENERAL

"Oh my ghad?! Girl for real?!" Tili ni Anne habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ni Karylle. Umiiling iling ang huli habang tumatawa sa reaksiyon ng kaibigan at tumango rin sa huli.

"Di nga?? Sa edad ni Bakla??" 'Di parin makapaniwalang tanong nito.

"Hay nako, Anning. Kahit matanda na 'yun 'di parin papaawat noh. May asim pa rin kili kili nu'n." Matawa tawang sagot ni Karylle.

"Ayie! I'm gonna buy na ng mga cute boy clothes later!" Tili muli ni Anne habang nagtatatalon. Tinaasan siya ng kilay ni Karylle na kanina pa nakaupo sa swivel chair na pinaiikot ikot niya.

"Duh? Alam mo bang boy 'to? 2 months palang, Anne. 'Wag excited ha?"

"Eh! Basta, I can feel it. 'Di ba nga dati nahulaan ko 'yung second baby mo." Pagmamalaki ni Anne. "Just trust me, babe. Boy 'yan,"

"O sige na, Madam." K said.

"Kay.. I gotta go na, love you! Bye baby boy!" She kissed her sa pisngi ni Karylle at muli siyang kumaway bago lumabas ng dressing room.

Naiwang nakatingin sa sarili gamit ang salamin si Karylle at seryosong nakatingin dito. Hindi niya parin ma gets ang mga nararamdaman niya sa t'wing kakausapin si Anne. Para bang lahat ng bigkasin nito ay nagiging totoo at 'di rin nagiging biro. Siya rin kasi ang nanghula sa gender ng dalawa pa niyang anak pati narin pag dating sa awayan nila ni Vice, lagi niyang nalalaman ang mangyayari.

"When she feels it, totoo 'yun." Usal ni Karylle sa sarili.

.
.
.
.
.

KARYLLE

Nandito ako ngayon sa workshop na pinasukan ni Alexis. A dancing workshop kasi gustong gusto niyang sumayaw, not like Ali na hilig kumanta. Ako na mismo ang pumilit kay Vice na ipasok siya dito, para narin hindi ma-bore 'yung bata sa bahay. Saka, may talent siya sa hiphop dancing.

"Mommy!" Sigaw niya at niyakap ako. Tapos na ata sila. Pinunasan ko ang pawis sa noo niya while nakayakap parin siya sa'kin.

"Pawis ka na oh, uminom ka na ba ng tubig?" Alala kong tanong.

"Yeah. Let's uwi na, mommy.. I'm tired," sabi niya pero ayaw niyang tanggalin ang yakap niya sakin habang naglalakad ako to get her backpack.

"Sure, uuwi na tayo. Magpalit ka muna ng damit, after nito may pupuntahan raw tayo sabi ng daddy mo," utos ko sa kaniya handing her a dress.

Basang basa na kasi ng pawis ang suot niya, naka-cap pa siya at 'yung pang hiphop na pants at lose shirt. Si Vice ang nagpasuot sa kan'ya niyan e. Wag naman ho sanang kabaliktaran ng kabaklaan ng ama niya ang mangyari sa panganay ko.

Sinunod niya ako at tumakbo na siya papunta sa CR to change.

Pagkatapos niya, sabay na kaming bumaba para mapuntahan na si Vice sa parking lot. Then ayun siya, nakasandal sa may pintuan ng sasakyan habang nagyoyosi at nagpho-phone pa.

"Ehem.." I cleared my throat nang makalapit kami sa kaniya. Hawak ko pa ang kamay ni Alex so pinapasok ko na siya sa loob.

"Ay! Andito na pala kayo," gulat niyang sabi sabay tapon sa sigarilyo at inapak-apakan ito.

"Masarap ba?" Tanong ko.

"A-ang alin?" Painosente pa niyang tanong.

"Ang yosi,"

"Oo! Ang sarap-este," hindi ko na siya pinatapos at hinila ko na ang tainga niya papunta sa driver's seat. Pasaway 'to eh, pag siya nagkasakit sa kakayosi sisindihan ko talaga ang tuktok niya.

Under ni Kumander | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon