Sowee po...

5.9K 163 7
                                    

C7

5 years later.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Oh! Teka mga kuys! Brad! May humabol ata!" Sigaw ni Billy nang biglang lumabas sa LED si Vice na hingal na hingal galing sa back stage ng studio. On air na kasi ang showtime at opening na nito buti nalang ay nakaabot si Bakla.

"O! Late ka nanaman, lagot ka kay Direk! Ba't nauna si K sayo?" Tanong ni Vhong. Alam kasi nilang kanina pa nandyan si Vice pero kinataka nila nang mawala uli ito bigla at si Karylle nalang ang naiwan hanggang sa mag simula ang show,

Umakbay agad si Vice kay Karylle at halatang hinihingal. Wala siyang nadalang mic kaya kinuha niya muna pansamantala ang mic ng asawa.

"Hoo.. H-hoy alam ni direk noh.. Kapagod.." Hinihingal nitong sabi.

"Huy K! Kiss mo nga para mawala ang hingal." Natawa na lamang si karylle at hinalikan sa pisngi si Vice.

"Yesh nemen.." Nagtilian ang mga Vicerylle Babies na buhay parin sa studio dahil sa sobrang kakiligan.

"O ba't ka ba late? Diba andyan ka na kanina?" Tanong ni Anne.

"Oo nga.. Pinabili kasi ako ni Karylle ng gamot ni bagets. Nilagnat nanaman kasi andyan sa backstage. Nagmadali na nga ako eh." Sabi ni Vice at nakaakbay parin sa asawa niyang si Karylle na hindi makapag salita dahil nakay Vice parin ang mic niya.

"Ay ayon.. Under parin talaga ni Kumander," pangasar ni Vhong at tumawa.

Commercial break

"VIIIICEEE!!" Sigaw ni Karylle galing sa dressing room niya kaya napatakbo si Vice galing sa lounge at nakikikain kina Vhong at Billy.

"Oh? Anong nangyari, mommy? May problema ba?" Tanong ni Vice pero naabutan niyang nag-iinit sa galit si Karylle.

"Are you really serious?! A tablet for a 4 years old kid?! Ano ba naman 'yan Vice! And look! Diatabs pa 'tong binili mo! Hindi naman nagtatae si Ali eh nilalagnat siya!" Napalunok s Vice dahil alam na niyanang susunod na gagawin ni Karylle.

"A-aaaaah!! Ar--araaay! Tama na ma!! M-masakiitt.." Aray ni Vice nang pinaikot ni Karylle ang tenga niyang namumula na rin.

Nakahiga parin sa sofa ng dressing room ni Karylle ang anak nilang 4 years old na na si Alison. Kasalukuyan itong nilalagnat dahil naglaro nanaman silang mag-ama noon sa ulan at sa mismong pool pa nila nagtatampisaw habang umuulan.

"Eesh! Nakakainis ka, I told you na nga yung bibilhin mo eh. Bakit mo pa kasi pinaglaro si Alison sa ulan. Nilagnat tuloy." Inis na sabi ni Karylle at dumeretso sa kinalalagyan ng anak at umupo sa may paanan nito. Sumunod si Vice at hinawi rin ang buhok ng anak niyang hawig na hawig ni Karylle pero ang mata kuha sa kanya.

"Baby... Pagaling ka na huh?" Sabi ni Karylle sabay dampi ng palad niya sa noo ng anak.

"Mommy... Don't away my daddy na.. We don't play when it rains anymwore.. Pwease? Sowee po.." Sabi nito nang maka-upo at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Karylle. Vice smiled playfully kay Karylle dahil nangangasar nanaman itong kakampi niya ang bata.

"Sowee na pwease?"

".... Fine. But don't do it again huh? Di ko naman po inaaway si daddy.. Bait ko nga po kay daddy eh diba? Sige na, you're forgiven. Basta ha promise me." K rubbed her daughter's cheek and kissed it.

"Promise. No ulit. Never ulit." Cute na sabi nito sabay kiss sa lips ni Karylle.

"Sarap naman nun' baby.."

"Eh? Pano si daddy? Inaway na nga ako ni mommy eh." Sabi ni Vice at ngumuso na kunwari'y nagtatampo sa anak na kanina pa natutuwa sa kanya.

"Pity pity.. Owkay. You lapit here daddy." Kaconyohan - Karylle.

Pagkalapit ni Vice at hinalikan siya sa labi ng cute na anak pero hindi siya tinantanan nito at pinagkukurot pa ang pisngi ng daddy niya kaya tuwang tuwa si Karylle sa dalawa.

"Oouuch! Stop na, baby! It hurts." Sabi ni Vice pero hagikgik parin ng hagikgik ang prinsesa niya. "Shaket po." Pacute na sabi ni Vice.

"Mommy will kish it nalang po." Singkit matang ngiting sabi ni Alison at tumingin kay Karylle. "Wright mommy??"

"Yah.. Kiss ko nalang po." K. Kissed Vice's cheeks kahit na medyo galit at naiinis pa 'to dito dahil sa ginawa kanina.

"Yhiee! Sho sweet." Sabi nito at pumalakpak.

Nang mag-air na muli ang showtime sa segment na 'Sine Mo 'To', bida ang VhongAnne kaya wala masyadong scene ang vicerylle.

Kasalukuyang nagsasalaysay si Billy ng gagawin nina Vhong at Anne pero busying busy si Vice sa pagsuyo kay Karylle. Nasa gilid sila habang nagsce-scene ang VhongAnne. Kitang kita ang pagyakap ni Vice kay Karylle mula sa likod at pilit isinisik sik ang ulo sa leeg ni Karylle na halatang naiinis parin. Pareho silang nag-uusap ng wala sa mic kaya hindi rinig ng madla.

"Sorry na, ma.. Nakalimutan ko lang kasi kanina.. Di narin mauulit. Promise. No ulit. Never ulit." Panggagaya ni Vice sa anak at hinigpitan ang yakap kay Karylle.

"Talagang hindi na. Sa tingin mo mapapainom ko 'yun kay Ali? Haist.." Sabay hawak ni Karylle sa braso ni Vice.

"Sorry na nga po e---"

"Hoy BaysRel! Uso magtrabaho? Nilalanggam na kami dito eh." Lingid sa kaalaman nila ay kanina pa nasa kanila ang atensyon nila Vhong at ng mga madlang pipol.

"Ah--ano sorry! Ano bang gagawin ko?" Sabi ni Vice at bumitaw sa yakap pero nakahawak parin sa kamay ni. K.

"Ay, halatang di nakikinig." Napailing nalang si Billy habang natatawa.

"Sa kasweetan niyo dyan nagsasapakan na 'yung mga anak niyo sa labas oh!" Sigaw ni Vhong sabay turo sa mga nagtitiliang Vicerylles sa taas.

.
.
.
.
To be continued

Sowee po.

Under ni Kumander | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon