Nagiging one shot na to ah. Lol
-
C36
"Benjamin, bangon na kasi!" Bulyaw ni Karylle habang patuloy na hinahampas ng unan si Vice.
Ungol lang naman ang isinagot ng kan'yang asawa. Mas lalo pang uminit ang ulo ni Karylle kaya kamay na niya ang pinanghahampas sa braso ni Vice.
"Aray ko, wag ka nga. Do'n ka," taboy ni Vice sa asawa.
"Kapag hindi ka tumayo d'yan uubusan ka namin ng almusal,"
"E 'di wo--bwee-" agad na napatayo si Vice habang nakatakip ang kamay sa bibig.
Dire-diretso siya sa CR ng kwarto kaya sinundan siya ni Karylle. Doon siya sumuka ng biglaan sa bowl habang hinahagod ni Karylle ang likod niya. Patuloy parin itong sumusuka pero wala namang inilalabas kundi puro plema lang.
"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Karylle. "BUNTIS KA?"
"T-tub-tubig.." sabi ni Vice na nanghihinang kumapit sa lababo.
Tumango nalang bilang sagot si Karylle at nagmamadaling bumaba para kumuha ng tubig. Mabilis rin naman itong nakabalik dala ang isang baso at isang pitchel na may lamang malamig na tubig.
Nakaupo na si Vice sa bowl at putlang putla na ang mukha nang maabutan siya ni Karylle.
"Vice natatakot na ako sa'yo ha. Namumutla ka na! Mamamatay ka na ba? Wala ka pang memorial plan, Vice naman eh hindi pa kami ready!" Angil ni Karylle at halos sabunutan na si Vice na umiinom pa ng tubig.
"Ahh...aandar na," pa-ungol na sinabi ni Vice. "Nahihilo na ako..."
"Ha? Vice! May nakikita ka na bang ilaw? Wag ka munang sumama, hintayin mo munang lumabas 'yung anak mo sige na. 'Di ba gan'yan 'yung mamamatay na? Hihingi ng tubig kasi malayo pa ang lalakbayin niyo? Gosh, Vice wag!" Sigaw ni K.
Ibinaba ni Vice sa sahig ang baso bago hawakan ang magkabilang kamay ni Karylle na sumasabunot sa kan'ya. Tinanggal niya ito pero napatungo siya dahil sa sobrang hilo.
"Ano ba, K-karylle... Hindi pa ako kinukuha at hindi ako magpapakuha," nanghihinang sabi nito. "Masama lang pakiramdam ko siguro, nalulula pa rin ako sa t'wing mayuyugyog ang ulo ko. Naalala ko pa din 'yung ride kagabweeeh," hindi na inabot ni Vice at tuluyan nalang napasuka sa sahig.
"Aarrgh! Bwisit ka, Vice! Sinukahan mo ang paa ko!" Bulyaw ni Karylle. "Ikaw ang maglilinis niyan, walangyaka."
/-/-/
"Kumain ka, susubuan pa ba kita?" pagmamaldita ni Karylle kay Vice.
Walang ganang nakaupo si Vice sa harap ng pagkain habang kanina pa nakahawak sa ulo niya dahil sa sobrang sakit. 'Di naman siya nakainom kagabi pero sadyang tinamaan siya sa mga rides na sinakyan nila. Ni-hindi niya maisubo ang pagkain dahil masusuka pang siya sa twing ilalapit ito sa bibig niya.
"Daddy, you buntis din po?" singit ni Alex pagkatapos sumubo ng kanin. Unti-unti na rin kasing tumutuwid ang pananalita nito ng tagalog 'di gaya ng daan ni Pnoy.
"Ha? Hindi ah, ba't mo naman nasabi," matamlay na sagot ni Vice.
"Kasi ganyan din si Mommy po. Tapos look, you ate all bawang din," natigil nalang si Vice at tinignan ang kinakain niya. Puro bawang lang ng sinanag ang kinakain niya nang hindi manlang niya namamalayan.
"E-eeww!" maarteng sigaw ni Vice bago mag-walk out.
//\\
"Vice, 'wag ka munang pumasok, please. Hindi ko alam kung anong ka-praningan ang pwede mong gawin do'n," sabi ni Karylle habang inaayos ang gamit sa kaniyang handbag.