¥Kinareer ko yang pag-edit ng tyan ni K pero tinamad rin ako. #TisBun
===
C4
VICE
"Ano bang uunahin natin? Damit? Bottles? Bib? Ano?"
"Relax, daddy.. Hindi naman tayo mauubusan eh." Aw, I love it. The way she calls me 'daddy'. Mas na-excite tuloy ako. Paano na kaya kung si Baby na ang tatawag sakin niya.
"Pero tara na kasi... Gusto ko ng mamili kahit magkano pa abutin 'yan basta para kay bagets." Hawak hawak ko siya sa kamay nang makapasok kami sa loob ng store na pambata. Kacu-cute! Psrang gusto kong bilhin lahat pero alam kong magagalit si Kumander.
"Eto Kumander o! Ang cute! Bagay 'to kay bagetz, mukha siyang ballerina dito." Sabi ko habang itinataas sa harap ni Karylle ang pink na skirt na may konting white.
"Yay, so cute. Sige," sabi niya. Ngumiti ako ng malaki sabay lagay sa basket na kinuha ko.
Naaliw rin sakin 'yung mga bumibili 'dito, para tuloy akong nagcoconcert dito kasi bawat dumaan titigil para manood. Bihira kasi magpunta ang Vice Ganda sa kids corner noon. Nakakaloka kasi gusto kong ireto lahat kay Karylle! Di bale, gagawa pa kami para mabili ko tong lahat. Chos.
Pati si Kumander Kurba patawa tawa nalang sa gilid. Gusto ko naman 'yun, yung nakikita siyang nakangiti.
"Daddy Pogi! Look at this." Daddy Pogi? Laveeet.
Lumapit ako sa kanya at may inabot saking white shirt na may print na 'My Dad is the Boss But My Mom is his boss.' Niloloko ba ko nito? I saw her hiding her giggle but I just did nothing but to smile back to her.
"Whatever. Sige na kunin mo na." At ako, back to work naman sa kakukuha ng mga cute na makita ko. Skirts, tops, undergarments for infants, bibs, bottles, stuffed toys at iba pang cute.
"Vice! That's enough. Ang dami na nito oh! Hindi naman masusuot ni baby 'tong lahat." Sabi ni K turo turo ang basket namin na kanina isa lang ngayon dalawa na.
"Eeeeh! Tama na? Dami pang maganda o." Pumamewang siya sa harap ko meaning.. Eeenebe, eto nanaman si Kumander.
"Okay, okay po. Tama na nga sabi ko." Buhat ko 'yung dalawang basket at dumeretso na kami ni Karylle ng counter para magbayad.
✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌
"Tara na, mommy K. Ayusin na natin 'yung kwarto ni bagets. Sabi sayo eh, tama 'yung pink na pinapintura ko." Excited kong sabi sabay lapag ng mga pinamili namin sa kama ng kwarto namin.
"For sure pink ang unang color na malalaman ni baby. Hihi." Sabi ni K at naupo.
Ngumiti nalang ako in rep,y kasi gusto ko na talaga ayusin 'yung magiging kwarto niya.
Sabay kaming pumasok sa mala-prinsesang kwarto ni bagetz at sinimulan ko ng a,isin sa lalagyan 'yung mga binili namin. 2 months nalang magagamit mo na 'to anak.
May malaking kama narin dito sa loob. Pink then actually. Ganito pala ka-excite pag magiging daddy ka na. May naaalala tuloy ako.
"Ba't ka biglang tumahimik, daddy pogi?" Tanong sakin ni Karylle mula sa likod at humawak sa balikat ko.
"Ah.. Wala K, tara ayusin na natin 'to." Palusot ko at inilapag ang mga bottles sa side table na PINK RIN. Sige na, pink na lahat. Pati ang crib nilagay ko narin.
Nilagyan rin namin ni K ng mga huge pillows 'yung kwarto para pag lumaki na si bagets at nagtalon talon ay safe. Hanggang sa pagdalaga na niya siguro 'to noh? Ano ba yan, Vice, ang bilis bilis iniisip mo hindi pa nga lumalabas ng tyan ni Karylle yung bata.
Pagkatapos ng konting butingting, nahiga ako sa lap ni Karylle. Nakaupo kasi siya sa pink na kama ni baby. Himas himas ko 'yung t'yan ni Karylle and she's actually humming a familiar song. Buko.
"Tagal mo naman lumabas, baby." Sabi kong parang kinakausap ang t'yan ni Karylle.
"Excited mo na bang makita si daddy pogi?" As if namang sasagot 'to sakin.
KARYLLE.
NAcu-cute an lang ako kay Vice sa ginagawa niya ngayon. Parang gustong gusto na niya talaga lumabas 'yung anak niya at makalaro na ito. Cute.
"Lagi kang kampi kay daddy ha? Kasi lagi akong inaaway ni mommy."
"Hoy! Vice hindi pa lumalabas 'yung bata bad na agad tinuturo mo." Hinampas ko siya sa t'yan niya kaya napahawak siya 'dun.
"Aray naman, mommy! 'Yung abs ko!" Hahaha ? Abs? So funny.
"Anong abs, baka tahi." I said kaya nag pout siya. Ew! Di bagay.
"Don't pout, di bagay sayo." I added.
"Ang arti, eh if I know gustong gusto mo ng sunggaban 'tong lips ko. Ikaw Karel ha, kontrolin mo feelings mo sakin," he joked. Tawa na ba ko?
Ewan ko kung bakit kanina sobra akong nacucutean dito sa asawa ko pero ngayon inis na inis na ko.
"Whatever. Tayo ka na dyan. I'm hungry."
"Lagi naman.." He whispered but then I gave him a death glare. "Wala po, Kumander. Sabi ko tara na't pagluluto kita."
❌❌✖️❌✖️❌✖️❌✖️❌
To be continued.
Ps. Hindi ko gusto ang Pink. Lol. - Mr. Author.