Dahil sa sobra kong pagbabasa ng mga magagandang story na nabasa ko bigla nalang sumulpot sa utak ko yung The Five year old beki bodyguard's boss marry you. Abangan niyo yan sa 2140.
C31
General
8am~
"How's baby girl? 2 weeks na siya dito a," Tanong ni Anne habang inii-stroke ang buhok ni Alex na tulog.
"She's kinda fine now. Pero kailangan niya paring mag-stay hangga't hindi pa bumababa yung lagnat niya," sagot ni Karylle.
"Eh kayo naman?" Napaangat ng ulo si Karylle kay Anne mula sa pagtatalop niya ng oranges para kay Alex.
"Ha?" Inosenteng tanong ni Karylle.
"Kayo ni Viceral. Nagsisi na ba ang bakla? Or ginagawa paring shabu ang pride?" Nag-cross arms si Anne at sumandal sa kama. Tinaasan niya si Karylle ng kilay na nag-aalangan pang sumagot dahil hindi naman talaga niya alam ang sagot.
"Ewan. Nag-sorry na siya, Anne."
"Oh, edi tapos! Kayo talagang dalawa best actor kayo." Natatawang sinabi ni Anne habang pailing iling. "Eh okay na nga ba para sayo?"
"O-Oo nama-"
"AAAHHH!" Biglang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa ang dalawang nagsisisigaw na si Vhong at Vice kaya napahawak sa dibdib ang dalawang babae dahil sa gulat.
"What the fuck, Vice?!" Bulyaw ni Karylle at biglang salampak ng upo si Vice sa tabi niya.
"Last week na ng forevermore! Waah!" Sigaw ni Vhong habang niyuyugyog ang balikat ni Anne.
"Walang talagang forever, maahh!!" Yumakap si Vice sa bewang ni Karylle habang sinisiksik ang ulo nito sa leeg ng asawa. Nakikiliti naman si K kaya medyo umiiwas iwas siya dito.
Gaya ni Vice, nanantsing din si Vhong at yumakap sa likod ni Anne.
"Mga siraulo kayo noh? Kitang tulog 'yung bata eh." Bulyaw muli ni Karylle at tinabig si Vice.
"Forevermore forevermore, tss. Nananantsing lang kayo e! Mga pakana niyo, kilalang kilala namin kayo ni K hanggang sa kalooblooban ng loob niyo,"
Nagpatuloy lang sa pagbabalat ng orange si Karylle habang pilit paring sumisiksik si Vice sa kanya. Hinahalikhalikan pa nito ang shoulder ni Karylle pero panay galaw lang ang balikat ni Karylle at minsan nadadali pa ang labi ni Vice.
"Pahalik na nga lang e, di mo na nga inamin 'yung pagnanasa mo saki-"
"Shut up." Pagpuputol ni Karylle sabay i-squeeze ng isang piraso ng orange sa mukha ni Vice.
"A-araayy! Mata ko!" Sigaw ni Vice. Panay ang kuskos niya sa mata niya dahil totoong natalsikan siya ng juice nito na ikinahapdi ng mata ng huli.
"Back to normal," sabay na bigkas ng VhongAnne sabay apir.
((.)(.)) |.| |.| /(.)(.)\ |(.) (.)| ...
VICE
Sabay nang umalis sina Vhong at Anne dito sa ospital. Magpho-photo shoot si Anne, si Vhong magpho-photo booth. Naiwan kaming tatlo dito sa kwarto, si Ali nasa bahay nagho-home schooling. Every Sunday lang 'yon kaya wala siya ngayon.
Sa nagdaang dalawang linggo, hindi ko na nagawan ng paraan kung pano ko mapapaamin si Karylle. Siguro naman hindi naman talaga? O panaginip ko lang talaga 'yon. Baka nga naman kagat lang ng lamok 'to at nagmukha lang chikinini.
Nakatitig lang ako sa nakatalikod kong asawa, nagbabalat parin siya. Hindi naman siguro mauubos ni Alex 'yon ano? Sabi na e, gumagawa lang ng paraan para hindi ako pansinin.