Pakialam Mo

5.1K 165 24
                                    

BELATED HAPPY BIRTHDAY @AD_ROCKS213 from danexxxx

C26

VICE

Nabwisit ako sa sinabi ni Karylle sa tawag kanina. The way she talks, para siyang reyna! Yung siya nalang lahat ang masusunod at wala nang iba. Yun na yun e, pinunto ko na, Tama Na. Ayoko nang maging alalay ng sarili kong asawa. Nakakasawa, masakit narin. Hindi ko naman kasi siya pinakasalan para maging ganito ako. Pinakasalan ko siya kasi akala ko aalagaan niya pa ako. Urgh!

"Brad! Tara pa sa loob!" Nagulat nalang ako sa boses ni Vhong.

"A-ah.. Sige Vhong uwi na ko. Tawag na ni misis.."

"Ay si meme, KJ!" Singit ni Russ na sumunod rin kasama ang ibang bakla pero si Billy ay sayaw parin ng sayaw sa kalasingan.

"Nagpapaka-under kasi! Subukan mo namang rumampa kahit ngayon lang! Tama si Russ, ang KJ mo meme, pwede namang wag ka munang magpaka-echos sa asawa mo. May pangangailangan karin noh.." Pairap na sabi ni Buern habang si archie ay tahimik lang sa gilid; pinupunasan ang salamin niya.

"Lumaban ka, Me."

Napatungo nalang ako, tama naman lahat ng mga pinarinig sakin eh. Kaya pakiramdam ko napapahiya na ako sa mga kaibigan ko at nahihiya sa kaprangkahan ko O ng asawa ko?

"Yung sinabi ko sayo brad ha. Para rin sayo 'yun." Sabi ni Vhong

"Sige. Salamat ha, pakisabi narin kay Billy mauuna na ako. Salamat kamo sa drinks. Sige, beks. Bye." paalam ko bago tumakbo papunta sa sasakyan ko.

Nahihilo lang ako nang konti dahil sa alak. Marami rami narin akong nainom pero mga light drinks pa lang. Isang oras palang naman kasi kaming nagpa-party tapos may mang da-daot pa.

Pwede bang kahit 24 hours lang na maramdaman ko kung paano yung buhay ng dating Vice Ganda? Ugh, nalakaano lang. Hindi ko magawang bigyan ng oras yung mga kasa-kasama ko dati, yung mga bakla, sina Vhong. Kulong na kulog na ako shet!

=-=-=

GENERAL

Sa mundo ni Karylle, kanina pa siya paikot ikot sa sala habang hinihintay ang asawa niya. Hindi naman totoong kanina pa siya hinihintay ng mga bata pero kanina pa naman ito tulog. Ginawa niya lang itong dahilan para mapauwi ang huli. Sadyang hindi lang siya mapakali dahil hindi siya komportableng wala sa tabi niya si Vice.

Dinial narin niya ang number ni Vice pero naka-ilang patay rin ng tawag si Vice pagkatapos ng pag-uusap ni Vice. Alam niyang sa tono palang ng pananalita ng asawa ay galit na ito, alam niyang galit ito dahil sa kanya pero pinaglalaban niya parin sa sarili niya na hindi dapat sakanya magalit dahil hindi naman DAW siya ang mali.

Pipindutin na sana ni Karylle ang call button nang biglang nagbukas nang malakas ang pintuan nila. Isang Vice na namumula sa alak pero hindi naman mukhang may tama.

"What the hell Karylle! Ano bang gusto mong gawin?" Bungad ni Vice sabay bato ng phone niya sa sofa. Siyempre, sayang naman kung sa sahig noh.

"O, nasaan yung mga bata? Akala ko ba hinihintay na nila ako? Nakakapraning ka naman, Karylle. 11pm na sa tingin mo mapapaniwala mo pa ako? Dinahilan mo pa sila para lang mapauwi ako!"

"H-hinihintay ka nga nila! P-pero sa sobrang tagal mo nakatulog na. Ano klase kang ama, inuna mo pa yung mga kaibigan mo kaysa sa mga anak mo." Umirap si Karylle pero napakunot sa galit ang noo ni Vice.

"What the ef?! Hiyang hiya na nga ako sa mga kaibigan ko. Ang KJ ko daw, kahit manlang isang gabi hindi ko sila mabigyan ng oras. Karylle hindi ko naman akalain na magiging ganto na pala ako. Sakal na sakal, yun yung pinupunto ko! Yung gusto kong sabihin sayo matagal na." Vice stopped at huminga muna ng malalim.

Under ni Kumander | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon