OSH 1

10.5K 183 9
                                    

" I don't care about you, you're just a waste of time."

MADDIE

"Twinny, saan ka na naman galing ha?! " nakapamewang na asik ni Therese Gaston sa harapan ko, Matalim pa itong nakatingin sa akin .
She's my best friend, my great defender at aking kapatid sa ibang nanay, magkadikit na halos yung utak naming dalawa at kabisadong kabisado na rin namin ang pasikot sikot ng bituka ng isa't isa.

"Tinatanung mo pa sa akin yan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Alam naman niya kung saan ako nanggaling. Nasapo naman nito yung mukha niya.

"Oo nga pala teka bakit hindi kayo magkasama ni Aze?" Tsk, si Aze?! Utak bola naman yung hayup na iyo. Hindi ko nga alam kung bakit pinatulan ko siya. Pumatol pala ako dahil famous siya, mas famous nga lang ako.

"Ayun, Sus walang kwenta yun. I broke up with him a while ago. " paliwanag ko. I really find him boring. Hindi ko alam kung bakit naging Football Team Captain yun. Ay Oo nga pala kasi puro utak bola lang siya.

Nagsimula na akong maglakad kasabay ni Twinny. Pagtingin ko nakangisi siya na parang timang.

" Hay naku Twinny! napaka-playgirl mo talaga, hindi man lang kayo tumagal ng Isang araw?! Kahapon sino nga yung kasama mo, si Marco? Matteo? Sino nga yun?" Sumilay naman ang ngisi sa labi ko.

"Aww, sorry twinny hindi ko na maalala kung sino yun, katulad nga ng lagi kong sinasabi Boys are just collection."

I'm Madeleine Yrenea Acosta Madayag. A certified Headturner, a well-known campus girl, queen bee, a living goddess and certified playgirl, ultimate heartbreaker, professional heartwrecker, manhater, true love non-believer and Bitch.

I can have everything I want. I can caught someone's attention in just a glance of I am a total charmer.

For me boys are like clothes. Kapag hindi nagsawa ka na pwede mo ng palitan.
I believe that love is a nonsense thing. True love doesn't exist sa fairytale at books lang meron nun. Ang love isang bagay na ginagawang laro. Isang malaking pustahan. The first one who fell in love will lose the game. Isa rin itong malaking gamitan kapag nakuha mo na yung gusto mo pwede mo na siyang iwanan or kapag siya naman pwede ka na niyang iwan. Talo ka kapag nainlove ka kaya mas magandang ikaw ang nang-iiwan kaysa sa iniiwan.

"Kailan ka ba magseseryoso?" Bumulalas naman ako nang tawa ng marinig ko iyon sa kanya.

"Ay naku Twinny! Alam mo naman diba, I'm Madeleine and never akong magseseryoso." confident kong sagot.

"Hoy, Madayag!" rinig kong sigaw napalingon kami agad dahilan para makita ko ang isang babae na namumula na sa galit.

"Uh-oh! Twinny, I smell trouble! Anu na naman ang ginawa mo?" bulong ni Twinny na halatang kinakabahan. She's against war kasi, she's a student council " Peacemaker " sa school.

" Hay naku twinny, hayaan mo na yan. Isa lang yan sa mga pathetic fan ni Aze." sagot ko dito saka tumalikod na at ipinagpatuloy ang paglakad.

"hoy! wag na wag mo akong tatalikuran!" A moment later naramdaman ko na lang ang pagsakit ng anit sa buhok ko. Napamura ako saka malakas ko siyang tinulak palayo sa akin.

Malakas na sampal ang dumagundong sa buong hallway. Ramdam ko naman ang paghapdi ng pisngi ko na nagPa-init sa ulo ko. Anung karapatan niyang sampalin ako!? Wala pa ngang kamay ang dumidikit sa pisngi ko, WALA!

Hinarap ko din siya at sinampal.

"How dare you!" madiin kong sigaw saka pinagsasampal siya. Wala akong paki kung mamula na yung mukha niya at mas lalong wala akong paki kung nakakagawa na kami ng eksena. I'm Madeleine, I love attention and spotlight .

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon