OSH 8

3.5K 106 3
                                    

"I think I fell on my own trap, I should stop making you fall inlove with me because you can't catch me the way you catch her, God I'm a victim of my own game."

THERESE

"Nasaan si Twinny?" tanong ko kanila Patricia na busy kakain nung regalo nung bandmate nina Kiann sa kanya. Medyo naiinggit ako dahil mabuti pa siya napansin nung crush niya samantalang ako. Bakit kasi hindi nagsasalita si Dy?!

"Mula ng bumalik tayo galing sa bakasyon, bihira na lang sumulpot yun." paliwanag ni Kaye.

"Anu na kayang nangyari dun?" tanong ko habang iniisip kung bakit kakaiba yung mga kinikilos niya. Nung nasa ilsa palang kami. Lumalayo na siya palagi kay Bea, kasama naman kasi nun si Ennajie pero mas lalo siyang dumikit kay Dean. Hindi ko nga alam kung bakit mas lalo silang naging close. Naloloka ako, paano kung anu yung ikinadikit nung dalawa, ayun naman ang ikinainit ng ulo ni Felicia. na talaga ako sa kanila. Anu bang meron?!

"Napansin niyo ba si Felicia nung nasa isla?" tanong ko sa kanila.

"Grabe yun, anu bang meron sa kanila ni Dean?" tanong ni Patricia habang ngumunguya pa. Nakakaasar! Nang-iinggit ata ito.

"Alam ko." ngising sabi ni Kaye. Lumapit naman kami.

"Mag-ex sila, Malay ko kung anung nangyari sa kanila." kwento nito. Inasar naman namin siya dahil napakaChismosa niya.

"Maingay lang talaga sila galing sa Sister school namin noon. Nung nakaraan ko lang din narealize na sila pala yun lalo na nung nahalata ko si Felicia." sagot nito. Tumango tango naman kami pero teka sino nga yung hinahanap ko?! Ay si Maddie pala!

"Makaalis na nga, salamat sa impormasyon. " paalam ko saka naglakad na.

"Saan ba nagpupunta yun si Mads?" kunot noong bulong ko. Malamang nang-agawa na naman iyon at nanira ng relasyon.

"Ay sorry Mi--Teka Therese?!" kunot noong singhal ni Deann.

"Buti nakita kita..Nasaan si Maddie?" tanong nito.

"Nasaan si Maddie?" tanong ko rin dito. Napakunot naman kami ng noo.

"Hindi mo alam?!" sabay naming sabi.

"Akala ko alam mo, kanina ko pa hinahanap yun. " nakakamot sa batok na sabi nito.

"Ikaw din? Hindi ko alam kung saan nagsiksik yun." sagot ko saka napailing na lang. Nowhere to found talaga siya, ang alam ko pumasok iyon dahil nagtext.

"Tulooong! Saklolo!" rinig namin sabi, mabilis naman kaming napalingon sa isa't isa, Boses ni Twinny yun!

"Tara!" sigaw niya saka hinila ako. Pagdating namin kung saan namin narinig yung pangalan niya.

Hindi ko na alam kung anung nangyayari basta nakarinig na lang ako nang malakas na kalabog.

DEANNA

"Nasaan na ba yun?" iritang bulong ko habang nagiikot dito sa school. Sabi niya magkikita daw kami, pagbalik sa school.

--------

"Thanks sa paghatid sakin Deann." nakangiting sabi niya pero halata naman na half smile lang.

"Thanks pero malungkot? Grabe ka talaga Maddie." pagdadrama ko dito habang nakahawak sa dibdib ko.

"Baliw ka talaga!" sigaw niya.

"baliw sayo." banat ko pero inirapan niya lang ako. Natatawa na lang ako dahil kakaiba si Madeleine, hindi siya nadadala sa harot ko.

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon