OSH 5

4.1K 116 5
                                    


"Why I feel this sudden sparks whenever she touched​ me?"

MADDIE

" ngiting ngiti ka ata." pansin ni Tey sa akin habang naglalakad kami papasok.

"Wala, masayang masaya lang talaga ako." nakangiti kong sagot saka humalakhak.

"Hala! Nakainom ka ba ng gamot mo ngayon?"

"No need nakita ko na yung medicine ko." ngisi kong sabi saka kinindatan si Bea na papasok na di ng room. As usual tinignan niya lang ako gamit yung mga mata niyang cold. Atleast tinignan niya ako.

"Tinignan niya ako, Twinny!!" Impit na sigaw ko saka inalog alog pa siya.

"Kalma lang, Tinignan ka nga cold naman!" kunot noong singhal niya. Ipinagdukdukan niya sa akin na straight ako.

"Inggitera, atleast tinignan niya ako! Ikaw hindi ka nga pinansin nung Kianna mo!" pananabla ko dito agad naman niya akong tinignan nang masama. Magkakasama na kami sa isang room parang tuod lang siya. Sa harap lang tapos sa magkabilang gilid lang natingin. Ayaw niya sa likod dahil nandoon iyon.

"Hi maddie." bati sakin nung varsity player ng badminton. Nginitian ko lang siya saka humarap na sa phone ko. Wala akong pakialam, si De Leon na lang ang gwapo sa paningin ko.

"Ay! May sakit ka talaga ngayon." kunot noong singhal nito sakin saka sinapo pa yung noo at leeg ko, mabilis ko naman n tinabig yung kamay niya.

"Bakit naman?" Nanlalaki naman ang mata niya sa akin.

"Lalaki na yung lumapit kay Madeleine Yrenea Madayag tapos ngumiti ka lang! Dapat nilayasan mo na ako at kumapit ka na parang tuko dun. Oh my god! End of the world na ba?! Hindi ka na talaga straight!" bulalas niya habang inaalog alog pa ako. Nabigla naman ako dahilan para malaglag yung phone ko.

"Ay sorry, Twin- Oh my paano ka nagkaganito?! Bakit ka may picture ni Bea na tulog! Stalker ka ng babae ka! " bulalas nito habang inaalog alog ulit ako. Kinuha niya yung phone ko saka sinigurado na si Bea yun.

"Twinny naman." nakangusong reklamo ko dito dahil nahihilo na ako. NagPeace sign siya sa akin saka inabot yung phone ko.

"Ang OA mo kasi! Anu naman kung may picture ako ni Bea."

" MAY PICTURE KA NI BEA!" Biglang bulalas nina Ponggay, Patricia at Kaye na kasusulpot lang. Bakit ba big deal na may picture ako?

"Oh my god, paano?!" sabay sabay nilang sigaw. Pinagtitinginan na kami mula dito sa labas.

"Teka lang! Manahimik mo na kayo. Bakit ba ang big deal na may picture niya ako? Natural lang yun, malay niyo nakuha ko sa Social Media account niya. " umiling naman sila.

"Wala siya nun." asik ni Patricia.

"Saka ayaw niya ring magpapicture, kapag alam niyang nakuhaan mo siya, babalibag niya yung phone mo." paliwanag naman ni Kaye

"seryoso?!" bulalas ko habang nanlalaki yung chinita kong mata. Ang harsh niya pala at kaya pala wala akong mahanap na picture niya.

" baka may gusto kang i-kwento kung bakit ka may picture niya and the idea na close up pa and she's sleeping. Oh my God, Maddie! Dont tell me!" Ponggay paused.

"Don't tell me nagpakastalker ka at pinasok mo yung bahay niya. Malala ka na Madeleine!" sabay sabay nilang sigaw.

"Hindi noh!" pananabla ko para manahimik na sila.

-------

Ang tagal naman niyang buksan yung pinto! Ilang minuto na akong nakatayo at kumakatok dito, nagDoorbell na din ako. Anak ng, Ang bigat kaya nitong hawak ko! Naiinis ako kaya paulit-ulit kong pinindot yun doorbell hanggang sa marindi siya.

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon