OSH 3

4.9K 120 15
                                    

"She will fall in my charm. I will make her fall inlove with me."

MADDIE

"What the fck!" Asik nung nabunggo ko. Mabilis akong nanigas sa kinatatayuan ko. I know that voice, si gwapang Isnabera na antipatiko! Unti unti kong inangat yung ulo ko to confirm kung siya nga.

Mahina akong napamura, Totoo nga kaso she was eyeing me with anger in her eyes. Yung tipong natunaw na yung yelo sa mata niya nung una kaming nagkita at nag-iinit yung ulo niya. Kulang na lang din magstraight line na yung kilay niya. Then I look at her shirt, any hot at sexy niya kasi bakat yung abs niya este Nabuhos lang naman sa kanya yung frappe ko!

"Sorry." hinging paumanhin ko saka nagpacute. I wish na gumana 'to pero as usual wala tumingin lang siya sakin nang masama. Nilalamig na ako sa tingin niya. Feeling ko papatayin niya ako sa mga tingin niya.

"sorry." sabi ko ulit saka nilapit sa kanya at pinagpagan yung damit niya at pinunasan. I know, I know wala ng silbi to but who cares, Libreng chansing to sa kanya! May abs nga siya dahil nakakakapa ko!

"Get your filthy hands off me." iritang sabi nito saka nilalayo yung kamay ko.

"Hoy, Excuse me. My hands are clean." pagtataray ko dito. Hindi siya madala sa mga patweetums ko, edi daanin sa pagiging mataray baka sakaling madala siya.

"Tsk."

"Bae, What happened?" sulpot ng isang girl sa likod niya. Mga kasing kaedaran lang din namin siguro. Teka anu raw B...Bae? Hindi kaya niya girlfriend niya to?! No way, Mas bagay kami pero malay mo tawagan lang, uso yan ngayon. Endearment kumbaga!

"Nothing bae. She just threw a frappe on me. Clumsy lang masyado. " nakangiti niyang explain dito. Take Note. Nakangiti tapos yung may kislap kislap pa sa mata. Tsk, Bakit sa kanya ngumingiti sakin hindi, Mas maganda naman ako!

"Hindi ako clumsy, sadyang may--- Ugh!" paliwanag ko pero hindi ko na tinuloy para saan pa. I'm Madeleine, I never explained​ myself to others. I'm Always right sa lahat ng bagay.

"Look at your Shirt, ang dumi na." sagot nung girl sabay kumuha ng panyo at pinunasan 'to. Tsk nagawa ko na yan, Teh! Hindi nga gumana!

"No need, Bae." sagot nito saka hinawakan yung kamay ng girl! Ay ang Unfair, sa kanya hawak! sakin taboy! Nasaan ang hustisya dito aber?!

"But." sagot nung girl. Umirap ako, Mukha naman siyang mabait kaya nga ayoko sa kanya. Masyadong mabait siya tignan and I guess kaagaw ko to sa New prospect ko!

"No buts Ennajie, Sige na bumalik ka na sa table natin. " masuyong sabi nito.

"you, hindi pa tayo tapos!" sigaw nito. Sinamaan ko siya ng tingin, Aba't hindi porket gwapa ka! Magpapa-api ako!

"Tsk..Kaya kong palitan yang shirt mo pati ikaw gusto mo bilhin ko!" singhal ko saka ngumisi. Tinitigan niya lang ako.

"Bae, Ako na nga lang kakausap sa kanya." sulpot ulit nung girl. Nagreklamo naman siya pero pinatahimik niya ito sa pamamagitan ng paglalagay ng daliri sa labi. Sht, kailangang gumanun?! Pwedeng pa try din ako, ate? Feeling ko soft yung lips niya!

Napapayag niya 'to pero hindi mo makikitaan ng pagkainis sa mukha niya, napakaUnfair nitong taong 'to! Namimili ata ng taong pakikisamahan, hindi ba napalambot ng maamo kong mukha yung nagyeyelo niyang puso?!

"Uhmm, Sorry Miss?" bungad ng babae.

"Maddie." sagot ko saka ngumiti. A fake one, syempre ngi-ngiti ba ako sa taong nase-sense kong karibal ko?!

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon