OSH 6

4K 106 4
                                    

"Does my charm really useless to you or she just use a potion or dark spell to make your eyes just for her only, did she hypnotized​ you?"

MADDIE

"loka, ngiting ngiti." pansin ni Tey habang nagche-check ng bag na dala-dala niya.

"Syempre, Ikaw nga dinala mo na ata buong closet mo." ngisi kong sabi dito. Mabilis naman siyang napatingin sa dala niyang dalawang maleta.

"Kulang pa nga 'to, Nakalimutan ko yung mga two piece suit ko sa bahay." Nakangusong sabi nito. Naloka naman ako dahil daig niya pa ang mag-iibang bansa samantalang ako ilang linggo lang kami.

"Oooy, Andito na pala kayo! Early bird!" nakangiting bati ni Patricia sa amin. Backpack na may kalakihan lang ang dala nito.

"Syempre, maninilay kami." Sagot ko saka luminga-linga baka nandito na siya.

"Siya lang yun." pananabla ni Tey kaya agad ko siyang tinulak nang malakas.

"Twinny nam- Oh my God!" Bulalas nito habang nanlalaki ang mga mata. Mabilis siyang nanginig sa babaeng nakabunggo niya.

"Sorry Kianna, Sorry." namumulang sabi nito saka paulit-ulit na yumuko. Tumango lang naman si Kianna saka umalis. Nanlumo naman yung mukha ni Tey! Nung mabalik na siya sa realidad ay sinabunutan niya ako.

"Tey naman!" reklamo ko dito, Nagulo niya yung buhok ko, Kitang one hour ko itong pinaghandaan para kay De Leon na yun!

"Tey ka dyan! Letse ka Mads, Nakakahiya sa lahat ng mabubunggo ko si Kianna pa!" Nakakaloko ko naman siyang tinignan.

"Sus! Ayaw mo nun, May first meet up na kayo ng ultimate crush mo!" nakangisi kong pang-aasar dito. Mabilis naman niya akong sinamaan ng tingin at inirapan.

"First meet na lang, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya sa mga susunod." pagdadrama nito. Humalakhak lang ako.

" Lalong wala na, na-videohan ko. Ganda mo pala mamula at mahiya, Threy! Upload ko 'to!" bulalas ni Kaye habang may hawak na DigiCam.

"Kaye Quiambao!!" sigaw ni Tey saka sinimulan nanlg habulin si Kaye na tumakbo na rin palayo.

"Mads, punta muna ako dun. Check ko yung shuttle natin." Paalam ni Patricia. Inasar ko naman na ang sipag-sipag niya.

"Syempre, nanakawin natin yung shuttle para tayo-tayo lang walang school driver."Ngising sabi nito saka kumindat. Humalakhak pa ito at malamang may binabalak sila.

"Goodluck." Natatawa kong sabi dito saka nagpaalam.

"Ikaw lang mag-isa." Rinig ko kasabay nun ang kamay na pumatong sa balikat ko.

"Tss, Deanna." Asik ko saka tinignan siya nang masama.

"Thanks babe, Kilala mo na ako! Grabe talaga pagmamahal mo sa akin." ngising sabi nito. Sobra-sobra ang kahanginan sa ulo niya.

"Tss, mukha mo. Alisin mo nga ang kamay mo!" singhal ko dito saka inalis yung kamay niya. Mabilis naman niya akong hinila at niyakap.

"Magandang umaga, Madeleine." masuyong bulong nito. Goosebumps! Pinilit kong kumawala pero mas hinigpitan niya yung yakap at sinubsob yung leeg niya.

"Malamig." ngising sabi nito.

"Deanna baka may makakita satin!" Reklamo ko dito saka pinipilit siyang itulak palayo dahil baka dumating si Felicia, ayaw ko na mag-isip siya ng kung anu.

"Wait lang, malamig." bulong niya ulit. Nalukot naman ang mukha ko.

"Hindi ako jacket, letse ka!" singhal ko.

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon