FIN

6K 135 8
                                    


MADDIE

"Hoy Twinny, pumunta ka na kasi!" yaya ni Tey sa'kin pero umiling lang ako saka nagtalukbong ng kumot. Ayokong sumama sa kanya, ayokong lumabas sa kwarto na 'to. Gusto ko lang na matulog at ipahinga itong puso ko na hanggang ngayon ay sawi pa rin.

"Dali na twinny, wala akong kasama papunta dun." reklamo niya saka hinihila yung kumot. Inagaw ko naman ito pero patuloy niya lang akong ginulo.

"Pagod ako Therese." sagot ko dito then gave her a bored look. Pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay na ginawa kong nauwi sa lahat, pagod na ako sa feelings ko na na-Invest na ako lang ang natalo. This is the karma ng lahat ng kagagahan na nagawa ko. Nahulog ako na hindi sinasalo katulad ng pagkahulog nila na hindi ko pinapansin at pinaglaruan lang.

"Pagod! Nandito ka lang naman sa bahay niyo at walang ginagawa. Samahan mo na ako!"

"Ayoko nga, sina Patricia na lang isama mo. Si Felicia, pupunta yun malamang." sagot ko dito saka inagaw yung kumot ko at nagtalukbong ulit.

"Sina Patricia, pupunta yun malamang. Naandun na sila nina Ponggay at nauna na. Kasama naman ni Dean si Felicia." reklamo niya saka napanguso.

" Oh, pumunta ka na lang doon. Nandun na few pala sila. " Nagpapapadyak naman ito na parang bata sa harap ko.

" Sumama ka na, please. Kailangan kumpleto tayo doon. " Napakunot na lang ako ng noo. Bakit ba ang dami niyang sagot sa lahat ng suhestiyon ko?!

"Dali na Twinny, Ilang linggo ka ng nagkukulong dito sa kwarto, sa hindi malamang dahilan tapos sa school, Tahimik ka lang din. Anu bang problema mo? Anung nangyari sayo? Bakit ka nagkakaganyan."

"Wala lang ako sa mood." sagot ko pero ang totoo lumalayo na ako kay Bea dahil tapos na ako, pagod na akong masaktan at nagsasawa na ako na magpaloko. Ayoko ng makita siya pagkatapos na makita ko sila. Ang nakakainis nga at padala pa rin siya ng padala ng bulaklak tapos lagi pa rin akong kinukulit na ihatid at sunduin. Pinagpatuloy niya yung panliligaw niya at ang kapal-kapal ng mukha niya! NapakaKapal ng mukha niya ipagpatuloy pa ang panloloko sa akin! Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya pero malamig lang akong makitungo sa kanya, ayaw ko ng hayaan pa ang puso ko na mahulog dahil wala naman na sasalo nito.

Paulit-ulit niya rin akong kinukulit na magpapaliwanag daw siya pero para saan pa diba, para itanggi niya? Bakit ba hindi na lang siya dun kay Ennajie at itigil na niya ang kabaliwan nito.

"Twinny!" sigaw ko nang bigla niya akong hinila pababa sa kama. Anu bang trip niya!?

"Dali na, Maligo ka na saka malalate na tayo!" sigaw pa niya saka ako tinulak tulak papasok ng banyo. Pinigilan ko naman siya.

"Pwede ba Twinny. Hindi ako papayagan nila Papa kaya let's stop this. Strict si Papa. " iritang sabi ko dito pero imbes na pakinggan.Tinulak niya lang ako papasok. Pumasok naman ako, I took a deep breathe as I look on my reflection at mirror. Mukha akong zombie, kasalanan 'to ng De Leon na yan! Tinitigan ko lang yung sarili ko, Mananawa din si Twinny sa kakapilit sa'kin.

"Anu ba Twinny, maligo ka na! Nagpaalam na ako kanila Tito at pumayag sila! " Bulalas nito sa labas at tumawa't humalakhak.

"Bakit sila pumayag." iritang bulong ko. Nakaasar naman kasi sina Mama, masyadong boto doon kay De Leon. Ginayuma niya ata.

"Maligo ka na, buksan mo na ang shower. Kung ayaw mo, papasok ako dyan at papaliguan kita!" sigaw niya. ko siya inintindi. Infact, tumawa lang ako dahil hindi niya magagawa yun. Ni-lock ko ang pinto.

"Isa." Pagbibilang niya.

"Dalawa, ayaw mo! Seryoso ako!" sigaw niya. Tumawa lang ulit ako di niya gagawin yan pero laking gulat ko ng gumalaw yung door knob at iniluwa siya. Hawak nito yung susi na malamang ibinigay ng magulang ko.

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon