MADDIE
"Good morning." ngiting ngiting sabi nito. Mabilis naman na napakunot ang noo ko dahil hindi pa rin ako nasasanay na ngumingiti siya sa akin at lalong hindi ako nasasanay sa presensya niya.
"Anung ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong.
"Nanliligaw." ngiti niyang sabi sabay abot ng bulaklak sa'kin. May malaki pang teddy bear na galing doon sa kotse niya.
"Ligaw? Hindi naman kita pinayagan. " pananabla ko dito. Pa-fall 'to, siguro ay tuturuan niya ako ng leksyon sa pagiging playgirl ko. Uutuin niya ako.
"Grabe, Hindi ka ba natuwa sa surprise ko sayo?" Nakanguso na tanong nito. Mabilis naman akong napatingin saka napalunok. Bakit nakakatempt atang halikan!? Anu Madeleine?! Hindi na talaga ako straight at kasalanan iyon ni Beatriz De Leon. Kaya pala ayaw ko sa lalaki dahil siya talaga ang magpapatibok ng matigas kong puso.
"Hindi ako natuwa kaya nga hindi ako pumayag diba!?" bulalas ko saka dinaanan siya. Mabilis naman niya akong hinabol saka hinila. Nakukuryente ako sa hawak niya at delikado ang bagay na yun. Punyetang Sparks!
"Anu ba!" reklamo ko dito. Nagulat na lang ako nang bigla itong lumuhod sa harap ko. The heck anu ba ang trip niya?
"Hoy, Anu ba!" reklamo ko saka pinipilit siyang tumayo. Umiling naman 'to.
"Anak." biglang sulpot nina Mama. The heck, hindi pa alam nina Mama na baluktot na ang unica hija nila!
"Oh, May liveshow o proposal?" nakangiting tanong ni Papa. Napanguso naman ako.
"Paaa." reklamo ko. Mabilis ko siyang hinihila patayo kaso sobrang bigat niya.Anu bayan nakakahiya na sa magulang ko!
"Say Yes, anak." nakangiting sagot nina Mama dahilan para mapataas ako ng kilay. Anung Yes? Saka payag sila sa kabaliwan nitong De Leon na 'to.
She cleared her throat.
"Mr. and Mrs. Madayag, can I court your daughter?" tanong nito. Kaloka! Hindi pa ba siya, nagsasawa dun sa effort na ginawa niya kagabi?! Dinadamay niya pa pati yung magulang ko.
"Anu ba Bea, tumayo ka na dyan." reklamo ko pero pursigido siya sa kabaliwan niya. Nagpabalik-balik lang ako sa tingin sa magulang ko at sa kanya. Oh my God, kinakabahan ako sa pagbuka ng bibig ni Papa!
" Sure basta aalagaan mo ang anak namin. " Sagot ni Papa na sinang-ayunan ni Mama. NapaJaw-drop naman ako sa sinabi nila. Oh my God, binibenta na ba ako nina Mama?!
Ngumiti siya saka sinserong tumitig sa akin.
" Madeleine Yrenea Acosta Madayag, I want to ask you infront of your parents. Can I court you? "" Beatriz. "
"Just answer me." Napasapo na lang ako sa noo ko.
"Tss, Oo na." sagot ko, oo na rin at kinikilig ako, wag lang ipahalata dahil lalaki ang ulo niya!
"talaga, Thanks Madeleine!" nakangiting sabi nito saka niyakap ako. Malakas na kabog naman ang sinigaw ng puso ko. Ito na naman siya bumalik na naman, Ibang klase kasi tong taong na 'to. Hindi ko nga alam kung anung trip niya! Imagine, halos hindi niya ako mapansin, mangitian o kinakausap noon then now, nililigawan na ako!? Akala ko lumalapit lang siya para manghingi ng sorry tapos may ibang motibo na. Hindi pa pala nauubos ang Yrenea's charm ko.
She's so weird, dahil ba nadulas ako dati na mahal este gusto ko siya! Oo gusto, tama gusto ko siya, yun lang.
------------
After the a week kinukulit niya akong patawarin siya. Nagsawa na rin ako't pinatawad siya, sino bang hindi makukulitan, everyday laging nasa tabi ko, laging may dalang kung anu- anu, ako naman it pinipilit na ngang umiwas sa kanya kaso wala, Dikit siya nang dikit pati sa unit ko binubulabog niya na rin.
BINABASA MO ANG
Operation: Seduce Her ✓
Short StoryMadeleine Yrenea Madayag a famous heartbreaker in their campus, everyone falls into her charm but not HER--- Bea De Leon a Famous Lead Singer in the band and also a cold hearted person. Slowly as she looks at Bea, Maddie start to feel something spec...