OSH 2

5.4K 129 17
                                    

"she's one of a kind, she just resist my charm for pete's sake! "

MADDIE

I decided na pumasok nang maaga para makapag boy hunting sa school o di kaya manggulo sa mga friendshies ko. I walk at the hallway with my chin up and full of confidence, syempre bakit ako yuyuko?! I was born pretty, charming and hot. Sabi nga ni Daddy. You were born like a princess, Madelein. Kaya wala akong dapat ikahiya, proud ka dapat sa biyaya na natanggap mo!

As usual pinagtitinginan na naman ako ng mga lalaki as if ako ang mundo nila.

"Grabe ang ganda talaga ni Maddie, pre!"

"Oo nga, liligawan ko talaga siya." hinila ko yung lalaki na nagsabi nun.

"Ma... Madeleine." nauutal niyang sabi saka tense na tense, gwapo naman siya. Malandi nga lang 'to. Kilala ko ang mga uri ng ganitong lalaki.

Lumapit ako saka bumulong sa kanya. Sinadya kong idikit yung labi ko sa tainga niya, ramdam ko na na-stiffened siya sa ginawa ko. Napangisi na lang ako. This is what you called Yrenea's charm.

"Hindi mo na ako kailangan pang ligawan kasi sinasagot na kita."

"Ta...talaga tayo na?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

"Tayo na ayaw mo?"

"Gustong gusto ko nga!" nakangiting sabi nito kaya agad kong nilapit yung mukha ko sa kanya, akmang hahalikan ko na siya ay mabilis akong lumayo. Kitang kita ko sa mata niya yung gulat pero at the same time nag-eexpect.

"Tayo na diba? Kaya break na tayo. I don't want you anymore, Bye!" nakangisi kong sabi saka nilayo yung mukha ko sa kanya at itinulak siya palayo. Kitang kita yung pagkalumo at dismaya sa mukha niya.

"You didn't reach my satisfaction for ..." nakangisi kong sabi saka nagbilang sa kamay ko. "For 30 seconds, Too bad but atleast naging girlfriend mo ako right? " nakataas na kilay na tanung ko dito tumango na lang siya.

"Bye." nakangisi kong sabi saka tumalikod na. I flipped my hair para naman makadagdag charms and the feeling na sinusundan ka nila feeling ko tulo laway pa, Lakas talagang Maka-Reyna, Reyna naman ako! Pang-Miss universe ang kagandahan ko!

I give them a glance saka mahina akong tumawa. They're such an idiot, nahulog na naman silang lahat sa charm ko. Para silang mga aso na sunod ng sunod sakin. I look at the girls na nasa gilid lahat, nahahawi sila nung ako'y dumadaan dahilan para sumilay ang ngisi sa akin labi. They really don't want to mess with me, mukhang nakita nila yung eksena ko noong nakaraang linggo.

"Napaka-btch talaga niyang si Maddie!" rinig kong sigaw ng isang clown. Napataas naman yung kilay ko that's true pero how dare she is na magsabi nun. Mas considerate pa nga siyang btch kaysa sa akin atleast ako pwede cause I'm beautiful and it's natural, walang halong cosmetics tapos siya? Na-uh, a pathetic clown. Kulang na lang isampal sa kanya yung facepowder para mas kumapal pa yung make-up niya tapos halos lamunin na niya yung isang buong lipstick sa kapal ng pagkapula ng labi nito. I'm thinking na bigyan siya ng mga dress ko sa bahay. Mukhang kulang kasi siya ng tela sa katawan halos ilabas na niya yung kaluluwa niya para lang may pumansin sa kanya. Yun nga lang, I'm still here kaya kahit langaw hindi siya pinapansin.

" you call me btch? I'll show you what btch is!" singhal ko dito saka akmang sasampalin ito pero may nakahawak sa kamay ko't pinigilan ako.

"Oppps, another trouble from Miss Troublemaker? " Bulong nito dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. I felt her hot breath on my neck. Akala ko isa sa mga kaibigam ko sa SC pero pagharap ko, isang pero boyish na babe ang bumungad sakin. She's wearing a leather jacket sa isang mainit na araw! May saltik ata ito!

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon