OSH 7

3.8K 108 5
                                    

"Does she feels any jealous whenever I flirt with someone or just like the way she treat other, she doesn't care for me too. "

FELICIA

"Nasaan na ba tayo?" tanong ko kay Quinito dahil kanina pa siya tingin ng tingin sa GPS.

"Hindi ko nga alam Felicia, sinunod ko naman yung directions." sagot niya habang nakahawak sa batok niya. Napabuntong hininga naman ako saka tinignan yung sa GPS ng shuttle namin.

Namali nga siya ng way, Paano na kami nito, hindi kami pwedeng magtagal dahil kanina pa ako naiirita sa ka-sweetan nina Maddie at Deanna hindi ko nga alam kong nantri-trip lang sila o totohanan na talaga. Basta naiinis ako.

Napalingon naman ako sa pwesto nila. Wow, gandang view. Nakaakbay si Dean kay Maddie habang nakahilig yung ulo nito sa kanya. Ang saya-saya talaga ng road trip na 'to.

"Tss, Babe daw, babe anu kayo baboy?"
Napailing naman ako, naliligaw na kami itong damdamin ko pa ang iniisip ko.

"Calm down Felicia, wag mo na silang pansinin and promise aayusin ko pero for now sabihin na muna natin sa kanila para hindi sila magtaka." nakangiting sabi ni Quin. Tumango na lang ako at hinayaan siya dahil nag-iinit na ang ulo ko.

"Guys, I think naliligaw tayo" bulalas ni Quinito.

"What?!" bulalas nila saka nagfreak out. Kunti lang pala.

"Yes!"pagpaparty naman nila Kaye, Patricia at Ponggay. napailing na lang ako sa tatlong ito dahil natutuwa pa sila.

"Kalma lang guys!" sigaw ni Quin. "Aayusin ko to.." dagdag pa niya n dapat hindi na dahil kalmado na sila at mukhang masaya pa na naliligaw kami. Sasaksakin ko na talaga nakaisip ng getaway na 'to!

"Tss, Masyado kasing nagmamagaling." rinig kong asik ni Deann. Hindi ko alam kung nagseselos siya o trip niya lang talagang magganyan para bida siya.

Mabilis ko namangl na hinawakan si Quin. Kapag ganito kasing frustrated na siya madaling uminit yung ulo niya.

"Kagigising niya lang. " bulong ko dito.

"Kung hindi lang ako peacemaker, uupakan ko na yan. Akala mo kung sino." iritang singhal nito.

"Hayaan mo na yan." sagot ko dito.

"Tss, Tabi nga dyan!" biglang sulpot ni Deann sa gilid namin.

" Bakit?" pag-aangas ni Quin.

"Isn't it obvious ako na magdadrive. Mas magaling ang sense of direction ko at mas magaling akong magDrive, hindi katulad Mo. Tatanga-tanga."

"So what are you trying to impl na wala akong sense of direction?" iritang singhal ni Quin.

"Ewan, kung ayan ang gusto mong interpretation pero I'm just offering you a little help mukhang pagod ka na rin sa byahe. I'm saving you sa pagiging tanga mo." ngising sabi nito na parang nangaasar.

"Pagpapasensyahan muna kita ngayon." sagot nito saka umalis na. Bigla naman akong kinabahan nang umupo na si Deann sa tabi ko, nagwawala yung puso ko at nakakabingi iyon. Muli ko na naman siyang nakatabi at naamoy ko yung pabango niyang panlalaki.

"Tss, hindi kasi marunong magbasa ng GPS." rinig kong bulong nito. Iniwasan kong tignan siya at tinuon na lang ang atensyon ko sa daan o kung anung bagay, ganun din naman siya sa akin dahil umaakto ito na walang katabi.

"Thank you for the broken heart, thank you for the permanent scar... lalalala, so thank you for the broken heart." Kanta nito. Napaismid naman ako, Nang-aasar ba siya? Pinatatamaan niya ba ako o assuming lang talaga ako.

Operation: Seduce Her ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon