"PUNYETA! SINONG NAGSABI SAYO NA LUMABAS KA S PAMAMAHAY NA 'TO NA HINDI NAGPAPAALAM SA AKIN?"
Halos mabasag ang tenga ko sa sigaw ng asawa ko. Lumapit sya sa akin na nanlilisik ang kanyang mga mata at agad nyang hinablot ang buhok ko.
"A-anton...M-masakit." sabi ko habang hawak hawak ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking buhok.
Ganyan sya kapag naabutan nyang wala ako sa bahay. Matutuwa sana ako dahil pakiramdam ko ay hinap hanap nya ako pero hindi. Malulungkot at nasasaktan ako dahil kabaliktaran lahat yun dahil sinasaktan nya ako kapag hindi nya ako naabutan sa bahay. Gusto nya nagpapaalam muna ako sa kanya bago ako umalis sa bahay. Kapag hindi ako nagpaalam sa kanyan tiyak na bugbog ang abot ko kapag uuwi ako sa bahay.
"TALAGANG MASASAKTAN KA! GAGA KA! SIGURO NAKIPAGKITA KA DOON SA LALAKI MO! MALANDI KA TALAGANG BABAE KA!" sabi nya habang hila hila nya ang aking buhok paakyat sa aming kwarto. Hindi nya alintana na nasasaktan ako sa pagkahila nya sa aking buhok. Para lang syang nagdadala ng isang laruan.
Pagdating namin sa aming kwarto ay agad nya akong tinapon sa aming kama. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Gustuhin ko mang lumaban sa kanya ay hindi ko mawagawa dahil ako din ang masasaktan ant mahihirapan sa huli.
"A-anton t-tama na." pakiusap ko.
Minsan naisip kong iwan sya pero hindi ko magawa dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Alam kong napakatanga kong babae dahil kahit sinasaktan ako ng asawa ko ay hindi ko parin kayang iwan sya. Ganun siguro kapag nagmamahal ka. Kahit nasasaktan at nahihirapan ka ay pinipilit mo paring maging malakas makasam mo lang sya.
Asawa nya ako pero pero kung tratuhin nya ako ay para akong isang aso na palagi nyang napapsunod at laging nakabuntot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang pagkukulag ko bilang asawa. Mapagmahal at maasikaso naman akong asawa sa kanaya pero hindi ko alam kung bakit nya ginagawa sa akin ang ganung bagay. Dahil lang ba sa isang malaking pagkakamali ko aya agad na nagbago ang tingin nya sa akin? hindi ko naman yun ginusto at hindi ko iyon pinangarap na mangyari yun.
"T-tumawag ako kanina sayo. P-pero hindi mo sinasagot." paliwanag ko sa ka nya. Pero bingyan nya lang ako ng isang malakas na sampal. Napahawak ako sa pisnging sinampal nya at agad na namang nag-uunahan ang luha ko.
"WALA AKONG PAKIELAM SA PALIWANAG MO!" sabi nya sa akin at bigla nya na naman nya akong sinampal sa kabilang pisngi ko. Pero sa pagkakataon na 'to ay masyadong malakas kaya napahiga ako sa aming kama. Nalasahan ko nalang na ang aking dugo.
"TANG*NA! NAPAKALANDI MONG BABAE KA! POKPOK KA TALAGA!" sinampal nya ulit ako bago sya lumabas ng aming kwarto. Napaupo nalang ako sa gilid ng aming higaan at doon ko binuhos ang akign luha.
Lagi syang ganyan sa akin. Lagi nya akong sinasabihang ng mga masasakit na sakita tulad ng: SLUT. BITCH. WHORE. POKPOK. MALANDI. Sobrang sakit yun sa akin dahil alam kong hindi ako ganun dahil isang lalaki ang gumalawa sa akin at sa yun. Dahil sya lang ang lalaking mahal ko sa buong buhay ko.
Sa ginagawa sa akin ni Anton ay parang gusto ko nalang na patayin nya ako kasya sa unti-unti nya akong pinapatay sa mga ginagawa nya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Housewife's Revenge
General FictionMasama ba akong babae para ganituhin ako ng asawa ko? Gusto ko lang naman na mahalin ulit ako ng asawa ko pero hindi ko hiniling na ganituhin nya ako. - Ma. Carmela Buenaventura