THWR 5

4K 86 29
                                        

 Carmela's POV

Nagising ako na ako lang mag-isa sa aming kama. Napailing nalang ako. Asa naman ako na magigising ako na katabi ko pa sya. Magpapa-fiesta siguro ako kung magising ako na nandyan sya sa tabi ko. Napatawa ako sa naisip ko. 

Tumayo ako at ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretsyo ako sa kusina at ganun nalang ang pagkabigla ko ng madatnan kong gulo gulo ang kusina. Merong nakatabak na plato at frying pan sa lababo. Meron ding sunog na hotdog, bacon at itlog sa trashcan.

"Ba't hindi nya nalang ako ginising?" I sigh. Nawala ang gutom ko sa mga kalat na nakita ko sa kusina. 

Niligpit ko muna ang mga kalat na ginawa ni Anton at hinugasan ko ang plato na nakatambak sa lababo bago nagluto ng makakain ko. Pagkatapos kong magluto ay agad ko yung kinain dahil sa sobrang gutom at sa pagod na rin dahil sa mga kalat. Habang kumakain ako ay bigla ko nalang naisip na dalhan ng lunch si Anton dahil alam kong hindi sya nakakain ng maayos. 

"Ano kayang masarap lutuin?" tanong ko pagkatapos kong hugasan ang aking pinagkainan. 

Naisip kong lutuan si Anton ng Caldereta. Agad akong pumunta sa ref para hanapin ang mga sangkap na lulutuin ko. Sana magustuhan ni Anton ang niluto ko. Pagkatapos kong magluto ng tanghalian ni ANton ay umakyat ako sa kwarto para maligo ulit dahil amoy ulam ako. Nakakahiya naman kung amoy ulam akong pumunta kay Anton. 

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong lumabas ng bahay dala dala ang lunch ni Anton. Tumawag ako ng taxi. Excited na ako makita si Anton. Sigurado akong magugustuhan nya 'tong niluto ko.

Naalala ko pa noon na masayang masaya si Anton kapag dinadalhan ko sya ng pagkain sa office nya. Sinasabi nya rin na ang swerte nya dahil meron syang asawang magaling magluto, mapagmahal, maalaga at maganda. Napangiti ako kapag naalala ko ang mga panahon na yun. Sana magbago na ang pakikitungo sa akin ni Anton. Alam kong matagal pa pero hindi ako nawawalan ng pag-asang mapapatawad nya ako at bumalik kami sa dati na masaya.

Pagdating ko sa B&C Group of companies ay agad akong nagbayad taxi at pumasok sa loob ng building. Pagkapasok ko ay agad akong binati doon ng guard binigyan ko lang sya ng isang tipid na ngiti. Agad akong lumapit sa information desk at nagtanong.

"Saan dito ang office ni Anton?" Tanong ko.

Tinignan naman ako nung babae ulo hanggang paa kaya napataas ang kilay ko sa ginawan nyang yun.

"May appointment po ba kayo kay Mr. Buenaventura?" Tanong nya habang nakatingin sya sa monitor ng computer.

"Wala. Pero ASAWA nya ako." Sabi ko sa kanya at pinagdiinan ko talaga ang salitang 'ASAWA' NA beastmode ako sa ginawa nya sa akin kaya natarayan ko sya.  Nakita ko namang medyo namutla sya at agad nyang ibibigay sa akin ang floor kung nasaan ang opisina ni Anton.

"Sorry po Ma'am." Hindi nya ng paumanhin sa akin at agad ko din naman yung tinanggap.

Agad akong sumakay ng elevator. Pagkapasok ko palang sa loob ng elevator ay agad kong naririnig ang mga chismisan ng mga empleyado. Napalingon nalang ako dahil ang iingay nila pero hinayaan ko nalang iyon dahil break time naman nila yun. Habang naghihintay ako ay agad kong narinig ang pangalan ng asawa ko kaya pinaringgan ko ang kwentuhan nila.

"Sino kaya yung babaeng kasama ni Sr. Anton no?" Tanong nung babaeng Maiksi ang buhok.

"Ewan ko. Siguro girlfriend." Sabi naman nang babaeng mahaba ang buhok at may salamin.

Pinaringgan ko pa ang mga kwentuhan nila at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung nagsalita ang babaeng Maiksi ang buhok.

"Ano ka ba! May asawa na yang si Sir no! Pero, nakakaawa ang asawa nya. Hindi nya alam na palaging may babaeng pumupunta dyan sa office ni Sir." Napalingon ako doon sa babae dahil sa gulat ko pero agad ko dingibinalik ang tingin ko. Nanginginig ang binti ko sa mga narinig ko.

The Housewife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon