Carmel's POV
Alas otso na ako nakauwi ng bahay dahil masyado kaming nawili ni Mommy sa pagsho-shopping kaya nakalimutan ko ang oras.
"Ba't ngayon ka lang?" Napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Anton mula sa sala. Naka suit pa ito at nakabukas ang dalawang botones nya at may hawak hawak syang beer. Halatang kanina nya pa ako hinihintay.
"S-sorry. Masyado kasi akong nawili kasama si Mommy. Uuwi din sana ako ng ala singko pero pinilit ako ni Mommy na wag munang umuwi."Sabi ko sa kanya at lumapit ako sa kanyang para bigyan sana sya ng halik pero umiwas sya at tumalikod sa akin at umupo sa couch. Bigla akong nahiya sa ginawa kong pagtangkang paghalik sa aking asawa.
"Nagugutom ako " sabi nya sa akin at binuksan ang TV. agad ko namang inalis ang shoulder bag ko at ang mga pinamili ko sa couch at pumunta na sa kusina at naghanap kung anong pwedeng iluto.
Habang naghihiwa ako ng gulay na isasahog ko sa aking niluto ay bigla namang nagsalita sa aking likod si Anton kaya sa sobrang gulat ko ay bigla ko nalang nahiwa ang aking daliri.
"Ahhhh." Nakita kong maraming dugo ang lumabas sa aking daliri. Lumapit ako sa lababo upang nilisin ito. Pagkatapos ko itong nilinis ay lumingon ako kay Anton na parang walang nangyari sa akin. Napailing na lang ako. Asa naman akong mag-aalala sya na baka maputol ang daliri ko. Tinignan ko sya at nakita ko na naman ang kanyang signature look. Ang poker face.
"Nagugutom ka na ba?" tanong ko sa kanya.
Nakita kong nagbago ang itsura nito. Kanina na poker face, ngayon ay galit na. Anong mali sa sinabi ko?
"Tinantong pa ba yan? Kanina pa akong ala singko nandito sa bahay at dadatnan kong walang pagkain at wala ka. Ang tanga mo." sabi nya sa akin at tumayo sya sa kanyang kinauupuan lumingon muna sya sa akin bago sya tuluyang umalis.
"Kainin mo yang mag-isa. Kakain na lang ako sa labas."Sabi nya at tuluyan ng umalis sa harapan ko.
Bago pa sya nakaalis ay narinig ko ang kanyang sinabi na "Bwisit na babae 'to." kahit masakit ang sinabi nya sa akin ay binalewala ko nalang iyon. Bobo? Alam kong hindi ako nakatapos sa pag-aaral dahil pinakasal agad ako ni Daddy kay Anton pagkatapos na pagkatpos ko palang mag-graduate ng high school tapos sasabihan nya ako ng bobo dahil sya lang ang nakatapos sa aming dalawa. Napatulo ang luha ko sa sinabi nya sa akin. Ang sakit.
Napatingin ako sa mga gulay na hinihiwa ko kanina. Nilapitan ko iyon at tinuloy ko ang paghihwa at pagluto ng mga yun. Maraming nagugutom na tao kaya hindi ko dapat sayangin ang kahit na anong pagkain na meron kami dito sa bahay. Pagkatapos kong lutuin ang ulam na niluto ko ay agad akong naghain ng lamesa. Ako nalang ang kakain mag-isa. Sayang din naman ang pagod ko kung hindi ko kakain ang niluto ko. Habang naghuhugas ako ng aking pinagkainanan ay bigla nalang tumunog ang telepono kaya agad ko itong nilapitan at sinagot.
"Hello?"
"Hello? Nandyan ba si Keen?" tanong ng isang babae sa kabilang linya.
Bigla akong nagtaka kung sinong babae ang tumawag sa asawa ko sa kanyang second name. Ni walang sino man ang nagtatangkang tumawag kay Anton na Keen dahil ayaw na ayaw nyang tawagin sya sa pangalan na yun.
"Uhmm. Sino 'to?" tanong ko.
"Miranda. Kung sino ka man pwede bang pakiusap ako sa amo mo?" pagtataray ng babae sa kabilang linya.
Nagulat ako sa sinabi nya. Anong akala nya sa akin katulong? Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang dugo ko sa akin ulo. Ang kapal naman ng mukha ng kung sinong babaeng yun.
"Wala sya rito!" sigaw ko sa kabilang linya at agad kong pinatay ang tawag. Alam ko na ang bastos ko dahil bigla ko na lang syang sinagawan at pinatayan ng tawag pero nagawa ko lang yun dahil sa sobrang pagkainis kung sinong babae na yun.
******
Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan ko ay agad akong umakyat sa kwarto namin. Pumasok ako sa banyo upang maglinis ng katawan. Pagkatapos kong maligo ay agad akong naglagay ng dapat na ilagay sa aking katawan. Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa taas ng tv namin sa kwarto. Alas dyes na pala ng gabi. Napabuntong hininga na lang ako at humiga sa kama. Hindi ko na lang hihnyain pa na dumating si Anton dahil sigurado akong bukas pa sya makakauwi dito sa bahay.
Pero kahit ipilit kong makaatulog ay hindi ko magawa. Napabangon ako sa aming kama at isinandal ko ang aking likod sa headborad ng kama. Bigla nalang akong tumayo sa kama at lumapit sa aking closet at hinanap ko ang mahalagang bagay na iningatan ko noon pa man. Nang nakita ko iyon sa aking kasuksulukang bahagi ng aking closet ay agad ko itong dinala sa kama.
Isa itong pink at white na photo album. Binili ko ito simula ng maikasal kami ni Anton. Ipinangako ko sa sarili ko na, dito. Dito sa photo album na 'to ko ilalagay ang masasayang okasyon o nangyari sa buhay naming mag-asawa. Agad ko itong binksan at tumambad sa akin ang litratong kuha noong pagkatapos naming ikasal. Napatingin ako sa mukha ni Anton. Biglang tumulo ang aking luha. Si Anton ay nakangiti. Nakangiti na hindi pilit nakangiting alam mong masaya sya sa araw na iyon. Hinaplos ko ang picture nya. Pinunasan ko ang aking luha at inilipat ko ang pahina ng photo album.
Kuha iyon sa Paris. Iyon ang araw ng honeymoon naming mag-asawa. Naalala ko pa noon kabadong kabado ako ng paalis kami sa reception at patungo kami sa Paris. Hindi ko alam ang mararamdam ko noong araw na yun. Masusuka ba ako o natatae sa sobrang kaba dahil yun ang gabi naming mag-iisa bilang mag-asawa. Naalala ko pa ang sinabi ni Anton noon na "Hinding hindi kita sasaktan, Mahal ko. Pangako ko yan sayo." Sobrang saya ko noong gabi iyon dahil sa mga sinabi sa akin ni Anton. Pero, sabi nga sa kasabihan. Ang pangako ay napapako. siguro totoo nga talaga ang kasabihan na iyon dahil hindi naman tinupad iyon ni Anton.
Nilipat ko ang pahina ay biglang bumuhos ang aking luha. Napahagulgol ako sa iyak ko. Isa iyong ultrasound picture ng baby namin ni Anton. Sobrang saya ko noong nalaman kong buntis ako at syempre lalo na si Anton dahil magiging Daddy na sya. Nung nalaman ni Anton na buntis ako ay agad syang bumili ng mga gamit ng baby kahit hindi pa namin alam ang gender ng magiging anak namin. Hindi ko lubos maisip na sa isang kislap lang nawala ang anghel namin at sa isang kislap lang ay nagbago ang ugali ni Anton.
Patayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan kaya nabitawan ko ang photo album at niluwa noon si Anton na lasing na lasing. Sinipa ko ang Photo Album sa ilalim ng kama dahil kapag nakita iyon ni Anton ay tiyak na susunugin nya ito. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong hinawakan sa braso at sinil ng halik. Nagpupumiglas ako sa kanyang halik pero binigyan nya lang ako ng isang malaks na suntok sa aking sikmura.
"A-ayoko Anton." yun ang palagi kong sinasabi sa kanya pero ganun pa rin sya. Bingi. Wala na akong nagawa ng hinubaran nya na ako ng saplot sa katawan at ipasok ang kanyang alaga sa akin.
Hanggang kaylan ka ba ganyan, Anton? Hindi ko na alam kung napapagod na ako o hindi.
________________________
Sorry po guys. Ngayon lang ako nakapag-update ng THWR. Ang dami po kasing ginagawa sa school kaya ilang araw akong walang update sa inyo. Sorry and thank you sa mga bumasa neto kahit slow update. Hehe. Vote and Comment po kayo :) Lovelots <# -Kyla :)
![](https://img.wattpad.com/cover/40918318-288-k781066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Housewife's Revenge
General FictionMasama ba akong babae para ganituhin ako ng asawa ko? Gusto ko lang naman na mahalin ulit ako ng asawa ko pero hindi ko hiniling na ganituhin nya ako. - Ma. Carmela Buenaventura