SEVEN YEARS AGO...
NAALIMPUNGATANG gumising si Johan dala ng mabilis na pagkatok sa pintuan ng kanyang kwarto,kasabay ng malakas na sigaw ng kanyang nanay upang gisingin siya.
"Johan gumising ka na riyan! Malapit ng mag-alas syete ma l-late kana sa klase mo!" sigaw ng kanyang nanay Rosing habang walang tigil sa pagkatok.
Napatakip naman ng unan si Johan dahil inaantok pa siya.
"Nay,mamaya na po,maaga pa naman" inaantok niyang sagot.
"Anong maaga?!Diyos ko Johan ang mga kaklase mong kapit-bahay natin kanina pa naka-alis!" Muli nitong sigaw.
"Eh kasi po excited silang pumasok kaya siguro ganoon!" Nakapikit parin niyang sagot.
"Aba't ginagalit mo talaga ako ha!? ano lalabas ka riyan o sisirain ko itong pinto at pipingutin ko yang tenga mo hanggang sa magising ka!" Pambabanta ng nanay niya.
Wala siyang nagawa at bumangon nalang.
Hindi dahil takot siya sa sinabi nito kundi dahil alam niyang di talaga ito titigil kakagising sa kanya.
Pagkabukas niya ng pinto ay nakatikim parin siya ng pingot mula sa nanay.
Napanguso nalang siya at nagtungo na sa banyo.
Walang gana siyang naligo, Unang araw ngayon ng pasukan nila.Nasa ika-anim na baitang pa lamang siya pero daig pa niya ang Highschool sa sobrang stressed.
Eh paano naman kasi, Limang taon na niyang tinitiis ang pambubully sa kanya ng kanyang mga kaklase dahil nga mahina siya sa Klase.
Hindi siya matalino at nahihirapan siyang intindihin ang mga aralin nila lalo na sa Math,sobra niya itong kinamumuhian.
Oo nga't Lalaki siya pero takot siyang makipag-away, Wala rin siyang mapagkakatiwalaang kaibigan na tutulong sa kanya dahil nga halos lahat ng kaklase niya ay binubully siya.
Gayunpaman,tinitiis na lang niya ang lahat para sa mga Magulang niya at sa pangarap niya.
***
Pagkapasok palang niya sa gate ng kanilang Paaralan ay sinalubong na kaagad siya ng mga salitang nakasanayan na niyang marinig.
"Oh andito na naman ang bobo!hahahahaha"
"Good morning bobo! ano excited ka na ba,ikaw daw gagawing leader sa Math Club sabi ni maam hahahahah"
"Bakit kaya hindi nalang siya huminto sa pag-aaral eh sa wala naman siyang natutunan"
Bata pa siya,Labindalawang-taong gulang.Pero sa mura niyang edad,naranasan na niya ang masaktan.Sakit na dumudurog sa kanyang pagkatao.
Nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok at di na pinansin ang mga sinasabi ng mga kamag-aral niya.
Hinanap kaagad niya ang room ng Grade-six at ng makita ay pumasok na siya sa loob.
Pagkapasok niya ay dumako ang tingin niya sa isang maputing batang babae na ngayon lang niya nakita. Siguro Transferee ito.
Kahit bata pa siya ay nakaramdam na siya ng paghanga sa taglay nitong kagandahan.
Para itong barbie-doll,maputi at makinis ang balat tsaka tuwid ang mahabang buhok.
Ngunit ang kakaiba lang ay di ito nakangiti, nakakunot ang dalawang kilay nito at parang galit.
Naghinala kaagad siya,lalo na ng mapansing hindi ito nakapalda kundi naka panlalaki ng suot.
"Hoy! bakit ganyan ka makatingin!?" singhal nito sa kanya kaya nagulat siya.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
General FictionNot all friends treat you as a friend too,some are Secretly Loving You.