X

0 0 0
                                    

HINDI sigurado si Johan kung naniniwala ba sa kanya si Pauline.

Pasado alas-nueve na ng gabi subali't di parin siya nakakatulog, ayaw niyang ganito ang sitwasyon nila ng kaibigan.

Ayaw niyang  malamig ang pakikitungo nito sa kanya, gusto niya ay palagi itong masaya at inaasar siya.

Na mi-miss na niya ang mga tawa at kakulitan nito sa kanya.

Gulong-gulo talaga siya kung anong dapat gawin, idagdag pa ang misyon na pinapagawa sa kanya ng mommy nito.

Paano nalang kung di siya magtatagumpay? ipapasauli  ba nito ang perang binigay sa kanya?

Ang laki pa naman niyon, siguradong mahihirapan siya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagtungo ng kusina para uminom ng tubig.

Nang mapadaan siya sa kwarto ng kanyang mga magulang ay nakarinig siya ng ingay.

Ingay mula sa hinahangaan niyang boses noong bata pa siya, ang paborito niyang anchor woman sa isang sikat na istasyon ng radyo.

Napangiti siya, ang programa nito ngayon ay tungkol sa mga taong sawi sa pag-ibig na nanghihingi ng payo di lamang sa dj kundi pati narin sa mga milyon-milyong tagapakinig nito.

Kaagad siyang nabuhayan ng pag-asa at dali-daling binuksan ang cellphone niya.

Dahil sa makabagong teknolohiya ay napapanood na niya ang kanyang idolo sa youtube live nito.

Gumuhit ang a ngiti sa kanyang labi habang nagsisimulang magtipa sa kanyang cellphone at isinalaysay ang suliranin niya ngayon.

Nang matapos ay pinindot niya ang click at pinadala agad ito sa taong inaasahan niyang makakatulong sa kanya.

Bumalik siya ng kwarto at nahiga sa kama,kinuha niya ang kanyang earphone at nagsimulang pakinggan ang nakakabighaning boses ng kanyang idolong dj habang binabasa ang istorya niya.

Halos kalahating oras matapos nito iyong basahin,nagpatugtog muna ito ng isang requested song at matapos ay nagbasa na ito ng libo-libong comments sa mga nanunuod sa live nito.

Iba't ibang uri ng opinyon ang naririnig niya, may nagsasabing mali ang ginawa niyang pagpayag sa alok ng mommy ng kaibigan at meron ding sumang-ayon dahil talagang kasalanan nam an daw ang  pagtrato nito sa sarili nito at hindi masama na pakialaman inyo ng mommy nito kasi para din naman ito sa kanyang ikabubuti.

Over the thousands of advices from the listeners, only the words that came from the voice he admire was stick on his mind.

"They  say, experience  is the best teacher. And that's really true, why? because people only realize their mistake once they already committed it. So in your part, Mr. Sender, you should do something that will let your bestfriend realize that what she feels for herself was not right, let her see the real her, let her realize that only men and women  were created to dwell on this world."

Ang mga boses na 'yan ang siyang tanging nakaukit sa kanyang pag-iisip hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng antok.

***
Nagising siyang may nabubuo ng ideya sa kanyang utak kung ano ang marapat gawin.

Sana lang ay magtagumpay siya.

Kaya mabilis siyang kumilos at inayos ang sarili, tinawagan na niya si Monique at sinabing makikipagkita siya rito.

When he already fixed himself, he immediately leave.

Pagkarating niya doon ay wala pa ito, mga labinlimang minuto siguro ang lumipas bago ito dumating.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon