VIII

1 1 0
                                    

NAKAUWI na siya sa kanilang bahay subali't naglalakbay parin ang kaniyang diwa.

"I'll give you the exact amount you needed if you agree to me"

Paulit-ulit itong pumapasok sa kanyang utak.

Madali lang naman sumagot ng oo o di kaya'y tumango,at kapag ginawa niya iyon malulutas na ang suliranin nila.

Subali't pinag-iisipan muna niya ang magiging resulta nito.

Kung sariling kagustuhan lamang niya ang kanyang iniisip,pumayag na siya.

Kasi gusto rin naman niyang ganap na maging babae na nga si Pauline.

Pero hindi maaring padalos-dalos sa desisyon.

Tama. He need to think wisely first before he click.

***
Kinaumagahan ay nagtungo siya sa ospital upang bisitahin ang kanyang tatay.

Oo nga't naoperahan na ang parte ng katawan nito na sobrang naapektuhan sa aksidenteng nangyari subali't nananatili parin ito sa ospital hangga't di pa tuluyang maayos na talaga.

At hindi niya alam kung ilang araw o linggo silang mananatili dito,at ang lalong di niya alam ay kung magkano ang kanilang babayaran.

Pero buo na ang pasya niya.Hindi niya tatanggapin ang alok ng Mommy ni Pauline.

Kasi mas mahalaga parin para sa kanya ang mararamdaman ng kanyang kaibigan.

Wala siyang karapatan na kontrolin o diktahan ang magiging buhay nito.

Subali't ang inaakala niyang buo na niyang pasya ay magbabago pa pala.

Lalo na nang bumungad sa kanya ang problemadong mukha ng kanyang nanay.

Nag-aalala niya itong nilapitan.

"Nay ano pong iniisip niyo?"

"Anak hindi ko na alam ang gagawin ko.Wala akong alam na mahihingan ng tulong" anito na bakas ang pagkabalisa sa mukha.

"Nay wag po kayong mag-alala hahanap po ako ng paraan.Atsaka may trabaho naman ako eh"

"Anak nag-aaral kapa.Iyon muna ang atupagin mo.Isa pa responsibilidad ko naman to bilang asawa ng tatay mo kasi nangako kami na walang iwanan sa hirap man at ginhawa"

Labis naman siyang nabagabag dahil alam niyang pagod na ang kanyang nanay subali't pilit lang nitong kinakaya para sa kanila ng tatay niya.

At hindi niya matiis na tumingala lang at pagmasdan ang kanyang mga mahal na magulang na nagtitiis at nahihirapan.

May responsibilidad rin siya bilang anak.

Kaya ang pinanindiganan niyang desisyon ay hindi niya aakalaing babawiin niya.

***

Nasa loob na siya ng elevator.

Nag-aantay nalang na huminto ito sa sadya niyang palapag ng gusali.

Kasabay ng pagtakbo ng elevator ay ganoon din ang kanyang puso.

May kakaibang kaba siyang nararamdaman na di niya alam kung anong ibig sabihin.

Pero ito na ang panghuli at totohanan niyang pasya.

Di na niya ito babawiin ni babaguhin pa.

Saka nalang muna niya iisipin ang magiging resulta,basta ang mahalaga ngayon matutulungan niya ang kanyang mga magulang.

Then a few minutes passed.The elevator stop at the exact floor.

Pagkalabas ay kaagad bumungad sa kanya ang malaking babasaging pinto ng opisina nito.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon