HINDI ito ang unang beses na nakapunta rito si Johan, noong mga bata pa sila ay dinala na siya ni Pauline rito at naipakilala narin siya sa mga magulang nito.
Pero matagal-tagal na rin iyon,at hindi parin siya nasanay sa laki ng bahay ng kaibigan niya.
The moment he entered the gate,he was welcomed by the wide lawn and an eye-catching three storey house.
Its design was very modern and very captivating.
Alam niyang may mas magara pang bahay bukod dito pero para sa kanya na lumaki sa simpleng buhay ay maganda na ito.
Dahil malaki naman ang bakuran ng kanilang bahay ay dito lamang ginanap ang pagtitipon.
Maraming bisita,sa tingin niya ay mukhang mga negosyante ang karamihan.
Hindi rin naman kasi lahat ng kaklase niya ang dumalo.
Kung hindi nga lang niya kaibigan si Pauline ay baka wala rin siya dito.Pakiramdam kasi niya hindi siya nababagay sa mga ganitong okasyon.
Hindi kasi siya sanay sa mga ganitong pagdiriwang.Ayaw nga sana niyang magsuot ng tuxedo na pinadala sa kanya ni Pauline kasi first time niya.
Pero nang mapagmasdan ang mga bisitang narito na halos naka pormal suit ay hindi narin siya nagsisi.
Mukhang bagay naman talaga sa kanya eh.Dumagdag pa nga yata sa kagwapuhan niya.Napangisi siya sa pagpupuri sa sarili.
"Oh my Gosh! It is you Johan?Whoaah you looks so hot and more handsome my sugarplum!" Bulalas naman ni Monique nang makita siya.
Hanggang dito ba naman sa kaarawan ni Pauline dala parin nito ang kaartehan nito.Well mukhang ugali na talaga ito ng babae.Pero wala rin naman siyang pakialam.
Hindi na nga niya pinansin ang pagpuri nito sa kanya dahil naglalakbay na ang kanyang paningin.
Hinahanap ng kanyang mga mata ang isang taong hindi kailanman nawala sa kanyang isip at puso.
Aalis na sana siya mula sa kinatatayuan para hanapin ito subalit bilang tumunog ang mikropono.
"Good evening ladies and gentlemen! Pinaaabot ko sa inyo ang aking pasasalamat sa pagpapaunlak ninyo sa aming imbitasyon na daluhan ang pagkakatipong ito" anang boses na nagsalita mula sa mikropono.
Hinanap niya ito at dumako ang kanyang tingin sa semi-stage na nasa harapan ng mga bisita.
Naroon ang mommy ni Pauline na nagsasalita,ngunit hindi parin niya nahanap ang gustong makita ng kanyang mga mata.
"And now let's all welcome the Agoncillo's one and only Princess.Pauline,the debutant's"
Tumunog ang isang malamyos na musika at kasabay niyon ang kanyang pakiramdam na parang nakalutang siya sa alapaap.
Pinagmasdan niya ang babaeng naglalakad patungo sa entablado.
From her breathtaking gown that sparkles whithin the lights, up to the precious necklace she was wearing.
And when his gaze stood up to her face.He almost catched his breath as he stared to the most beautiful girl she has ever seen.
Alam niyang likas na itong maganda subali't ang makita itong nakasuot ng gown at nakalugay ang tuwid nitong buhok ay sobrang nakakabighani.
Hindi man ito naglagay ng make-up pero sapat na ang natural nitong ganda na magpabaliw sa puso ni Johan.
She's Stunning and deadly Gorgeous.
Tuluyan na itong nakarating sa stage at humarap na sa mga bisita.
***
Di mawari ni Pauline kung anong dahilan ng malalakas na pagtambol ng kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
General FictionNot all friends treat you as a friend too,some are Secretly Loving You.