VI

1 1 0
                                    

ABOT-LANGIT naman ang pasasalamat ni Johan at natapos na ang operasyon sa kanyang tatay.

Maayos na raw ang kalagayan nito.

Nakahinga siya ng maluwag,subalit muli ring nalugmok ng malaman ang gagastusin nila.

Three hundred fifty thousand Pesos.

Sa operasyon palang yan,dagdag pa ang mga gamot nito,at matatagalan pa sila bago makalabas kaya tataas talaga ang bayarin nila.

Problemado siyang pumasok sa kanilang paaralan.

Kahit na naghihirap na sila ay di parin niya pinababayaan ang kaniyang pag-aaral.

Para ito sa mga magulang niya,sa sarili at sa magiging pamilya balang araw.

Bumuntong-hininga siya.

Hindi pala madali ang buhay.

"Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah!" Anang boses na nakapagpapagaan sa bigat ng kanyang pakiramdam.

Inakbayan siya nito kaya tuluyan na siyang napukaw mula sa malalim na pag-iisip.

Oo nga pala Hindi pa alam ni Pauline ang nangyari sa tatay niya.Sabado kasi iyon nangyari at ngayon lang sila nagkita muli.

"Ahm may problema ako dude" sagot naman niya.

"Sa itsura mo palang alam kung problema nga yan.Hmm ano ba yan dude,Girl problem ba? Naku ganyan talaga yan dude,dapat masanay ka na.Hirap talaga kasi intindihin ng mga babae eh"

Natawa naman siya sa loob-loob niya.Kung makapagsalita naman ito parang hindi rin ito babae.

Well,she's a girl physically but not her heart.

Muli siyang nalungkot. "Hindi dude,mas malala pa to. Si tatay kasi nasa ospital.Nadisgrasya kasi siya." Pahayag niya.

Nag-alala din bigla ito. "Sorry to hear that dude.Pakatatag ka lang makakaya mo yan.Ikaw pa ba.Natiis mo nga ang pambubully sa iyo noon ito pa ba" pagpapagaan nito sa loob niya sabay haplos sa kanyang likod.

That simple gesture of Pauline sooths him.

He feels relaxed for a meantime.Ibang klase talaga itong Kaibigan niya.

"Kung may kailangan ka dude wag kang mahiyang humingi sakin ha? Kaibigan mo 'ko.Don't forget that"

Napangiti siya. " Yes Pauline.palagi naman kitang iniisip eh"

Tumango nalang siya.Alam niyang mayaman ang pamilya ni Pauline.At nasisiguro niyang kapag sinabi niya dito na kailangan niya ng pera.Matutulungan siya nito.

But he prefer not to tell her.Saka na muna kapag wala na nga silang mahihingan pa ng tulong.

Hindi naman sa tinataasan niya ang Pride niya pero minsan kasi kailangan mo munang gumawa ng paraan sa sarili mo kung paano lulutasin ang isang problema,hindi yung parati mo nalang iniaasa sa iba.

Kasi paano ka matuto kong palagi kang nakasandal sa tulong ng iba.

***

Bahay.Ospital.Trabaho.Paaralan.

Yan ang naging takbo ng buhay ni Johan habang nasa Ospital ang kaniyang tatay.

Minsan na nga lang siya kung maka-uwi sa bahay nila dahil parati siyang pumupunta sa Karenderaya nina Monique upang magtrabaho.

Ang nanay naman niya kung makakahanap ng pagkakataon ay rumaraket din.

Kahit papaano'y nakakabili sila ng mga kakailanganin nila at ng tatay niya.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon