IX

0 0 0
                                    


ISANG linggo na ang lumipas matapos ang pagpayag ni Johan sa alok ng mommy ni Pauline.

Subalit wala parin siyang maisip na paraan kung paano niya babaguhin ang pagkatao ng kaibigan.

Mabuti na lang at maayos na ang lagay ng kanyang ama at nakalabas narin ito ng ospital, nabayaran rin nila ng buo ang hospital bill nito kaya wala na siyang ibang alalahanin muna sa ngayon kundi ang kanyang misyon para kay Pauline.

Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa hallway ng kanilang campus, malayo ang kanyang pag-iisip kaya di niya sinasadyang mabunggo sa isang tao.

"Oh, im sorry di ko sinasadya"paumanhin niya habang pinupulot ang nahulog nitong aklat.

"It's okay my honeybunch, blessing in disguise pa nga na nakabunggo kita eh kasi makakapag-usap pa tayo hihi"  anito at tumawa ng malandi sabay hawak sa kamay niya na agad naman niyang inagaw.

Napamura siya sa isipan, kung alam lang niyang si Monique ang nakabangga niya hinayaan nalang siguro niya ito at di na pinulot ang nahulog nitong gamit.

"Oh napaka gentleman naman talaga ng sugarplum ko eh, hays parang im falling deeper na, wala ka bang balak na saluhin ako hmm?" harot pa nito saka maarteng tinanggap ang aklat na pinulot niya.

Peke naman siyang ngumiti. "Madami na akong problema Mon, wala na akong balak na dagdagan pa iyon" sarkastiko niyang ani.

"Hey, your so harsh huh! do you mean ba dadagdag lang ako sa problema mo kung magiging tayo!? love im a sweet gf namin eh, hindi ako pabigat, wanna try?" madramang anito tsaka nag-flip hair.

Sumakit lang ata lalo ang ulo ni Johan sa kaartehan ng babaeng ito.

Assumming. Daming alam.Tsk.

Akmang  tatalikuran na niya ito ng bigla siya  nitong hinatak at mabilis na hinalikan sa pisngi, sakto namang sumulpot sa harap nila si Pauline na kaagad nalukot ang mukha.

"Uhh, dude andito kana pala" sabi niya rito habang marahas na pinapahiran ang pisngi niya na hinalikan ni Monique, napakawalangyang babae talaga.

"Oo, andito na ako at pasensya na ha, kung agad-agad akong dumating nasira ko tuloy moment niyo, sige tuloy niyo na 'yan" anito at kaagad siyang tinalikuran ng mabilis.

Hinabol naman niya ito at pinigilan sa paglalakad, ngunit laking-gulat na lang niya nang marahas nitong hinawi ang kamay niya.

"D-dude? Galit ka ba sakin?" nauutal niyang tanong.

"Galit? bakit, may ginawa ka bang dapat kung ikagalit?" balik-tanong nito sa kanya.

Kinabahan naman siya ng kaunti ng maalala ang misyon niya.

"A-Ah wala naman siguro" naisagot niya nalang

Tumaas naman ang isang kilay nito "di mo sure?"

Di naman siya nakasagot kaya mabilis na itong nagtungo sa room nila, wala na siyang nagawa kundi sumunod nalang dito.

***

Break-time na nila subalit di parin sila nagkakausap ng maayos ni Pauline, magkatabi nga sila ng upo subalit di ito tumutingin sa kanya.

Kapag tatanungin niya naman kung galit ba ito sa kanya ay sasagot ito ng hindi, pero ramdam niya na may hinanakit talaga ito sa kanya.

Hindi nga lang niya maalala ang dahilan kung bakit, imposible naman siguro kung tungkol sa sikreto nila ng mommy nito dahil wala naman siyang ibang sinabihan, pati nga mga magulang niya ay di ito alam.

Akmang aayain niya na itong magtungo sa canteen nang bigla namang umepal si Monique.

"Hey loveycakesss, sama tayo sa canteen, lilibre kita" alok nito sa kanya sabay hawak sa braso niya.

Secretly Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon