HABANG papalapit ng papalapit si Johan sa kinaroroonan ni Pauline ay palakas din ng palakas ang tambol ng kanyang puso.
Hindi niya alam kung para saan ba ang kabang kanyang nararamdaman.
Dahil ba sa kakaibang damdamin niya para sa kaibigan o dahil sa takot sa kung anuman ang magiging kahihinatnan ng kanyang gagawin.
Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, kailangan niyang maging positibo, hindi naman niya ito gagawin para sa ikakasama ng kaibigan kundi para lang din sa ikabubuti nito.
Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nang nasa harapan na siya nito ay buong tapang siyang ngumiti.
Hindi parin kasi sila nagkakabati simula noong isang araw.
"U-Uhm, Good morning d-dude" nauutal niyang bati rito.
Tumingin lang ito sa kanya ng tipid saka muling ibinalik ang atensyon sa binabasa nitong libro, kasalukuyan sila ngayong nasa library.
"Dude galit ka pa rin ba sakin?" malungkot nitong tanong.
Mataman naman siyang tinitigan ni Pauline.
Gusto niyang isagot dito na hindi sya galit, sadyang iniiwasan lang niya ito dahil hindi na niya maintindihan ang sarili sa tuwing kasama niya ito.
"Common dude, kausapin mo naman ako. May sasabihin lang ako sayo and hope this would lessen your anger to me, na sana bumalik na tayo sa dati pagkatapos nito" buong senseridad nitong sambit.
"Spill" tipid lang niyang sagot.
"Alam ko na si Monique ang dahilan ng hindi natin pagkakaunawaan right? dahil noong una pa lang alam ko na kung gaano ka kabaliw sa kanya, kaya sorry dude kung di ako naging maingat at lumalapit parin ako kay Monique, nagseselos ka tuloy."
Tumigil muna ito saglit saka bumuntong-hininga at nagpatuloy.
"Dude, maniwala ka man o hindi. Wala akong gusto kay Monique" medyo nakahinga siyang ng maluwag nang marinig ito. "Maging si Monique ay wala ring gusto sakin" doon tumaas ang isang kilay niya.
"Are you sure? o baka sinasabi mo lang ito para magkaayos tayo?" sarkastiko niyang tanong, hindi niya alam pero gusto niyang masiguro na nagsasabi ito ng totoo para gumaan na ang pakiramdam niya.
"Yes dude, im telling you the truth, kaya lang naman siya lumapit sakin para tulungan ko daw siya na mapansin mo.Matagal ka na rin daw niyang crush dude, since lumipat siya dito sa school natin"
Mahirap mang paniwalaan pero hindi naman siguro magsisinungaling ng ganito si Johan para lang magkaayos sila diba?
"If that so, why did she kiss you on the cheek?" Lihim niyang minura ang sarili, bakit pa ba niya ito itinanong.
Baka mahimigan nito na iyon ang pinagseselosan niya.
Natigilan naman saglit si Johan kapagkuwa'y ngumisi.
"Iyon ba, ginawa lang niya iyon para pagselosin ka, marami raw kasi siyang napanood sa mga C-drama na nagiging possessive ang isang tao kapag nagseselos, yun ang gusto niya sanang masaksihan sayo pero nabigo siya kaya ayun nagpasama siya sakin sa canteen para magalit ka daw" mahaba nitong paliwanang na ikinamaang niya.
Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo.
But she needs to make sure.
"Paano mo naman patutunayan sakin na nagsasabi ka nga ng totoo?"
"You can talk to Monique for assurance"
Napatango nalang siya, at napagtanto na hindi naman pala nagsisinungaling si Johan.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving You
General FictionNot all friends treat you as a friend too,some are Secretly Loving You.