Chapter 1
"DEBBIE!!! Alam kong andiyan ka! Lumabas ka diyan! Mag bayad ka na ng renta mo! Tatlong buwan ka nang di nakakabayad babae ka! Anong akala mo sa paupahan ko? Ampunan? Hoy! Debbie, lumabas ka na diyan kung ayaw mong gibain ko itong pinto!!!"
Nababagot na nilakas ko pa ang volume ng music na tumutugtog sa tenga ko habang may mga earphone na nakapasak dun. Sa halip pinagpatuloy ko lamang ang pagaayos ng buhok at pagsipat ng sarili ko sa salamin. Hindi ko pinapansin ang landlady ko na halos gibain na ang pintuan ng apartment na tinutuluyan ko.
Katapusan na pala. Wala pa akong pambayad para sa buwan na ito. Patong patong na ang mga gastusin ko. Hindi pa ako maaring bumale kay mama lu dahil bumale na ako ng nakaraan para ibili ng gamot.
Lumingon ako sa wall clock at sinipat iyon.
Pasado alasyete na ng gabi. Medyo late na ako ng trenta minutos sa bar na pinapasukan ko. Anong oras na kasi ako nakauwi kanina. Kulang pa ako sa tulog. Sana lang hindi magalit sa akin si mama lu.
"Hoy debbie!! Lumabas ka diyan!!!"
Nang masiguro kong maayos na ang buhok ko, sandali ko pang sinipat ang sarili ko sa salamin bago ko kinuha ang mga gamit ko at dumeretso sa bintana.
"Debbie!"
Dumungaw ako sa bintana sa likod bahay. Duon na lang ako lalabas dahil hindi ako pwedeng makita ng land lady ko. hindi naman kataasan ang bintana ng bahay ko kaya hindi ako nangangamba na mapano.
Mainagat akong sumampa roon at lumundag sa bubong ng kapitbahay. Dikit dikit ang mga iyon kaya hindi ako nahirapan hanggang sa makarating sa pinaka dulo kunsaan may parating lamay. Ingat na ingat ako na hindi makita.
"Ikaw talaga, debbie. Ginagawa mo ng passage way ang mga bunong namin." Sita sa akin ni mang solomon na nakikilamay pero halata namang sugal lang ang pinunta roon.
"Sshhh, huwag kayong maingay mang solomon. Mahuhuli pa ako niyan eh." Bulong ko.
Naupo ako para sandaling isuot ang sapatos na binitbit ko lang nang hindi sinasadyang napalingon ako sa kabaong na pinaglalamayan. Napasilip ako duon kasi wala naman kasing laman iyon na bangkay.
Napailing ako at napangiti. "Lang hiya mang solomon. Kaya pala hindi matapos tapos ang lamay dito sa tapat ng bahay niyo, eh." Siya naman ang sumenyas sa akin na wag akong maingay. "Ano hong kinamatay nitong si invisible man?" Tanong ko.
"Hit and run." Sagot ng kasugalan niyang si mang hans. Tapos nagtawanan pa sila.
Sanay na ako sa mga kapitbahay ko. Lalo na sa dalawang ito na hahamakin ang lahat makapag sugal lang.
Mukhang okay ang sideline na to! Masubukan nga paminsan minsan.
"Debbie! Sinasabi ko na ba't andito ka lang! Tatakasan mo pa ako!"
Napalingon ako sa eskinita nang makitang naroon na ang landlady ko. Shit! Napasarap ang kwento ko kina mang solomon.
"Nasaan ang bayad mo para sa mga utang mong buwan!"
Agad akong tumakbo palayo ng makita kong papalapit na siya sa akin habang nagaalugan ang mga bilbil at mga ginintuang alahas na naka suot sa hindi na makitang leeg niya.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...