Chapter 38
Debbie's POV
"Kumusta ka na? Ang tagal mong nawala." Paguumpisa ni erico. Nakangiti siya sa akin.
Hindi ako sumagot sa tanong niya at lumingon lang kay javier na nakaupo di kalayuan sa amin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin kay erico. Napalingon naman sa kaniya si erico sa kaniya ng wala sa oras.
"Kaibigan mo?"
"Uh-um." Tumatanggong sabi ko at deretsong tumingin sa kaniya. "A-ano nga pala yung gusto mong sabihin sakin? Kasi. . . k-kung tungkol lang to sa kaibigan mo. Wala na akong interes pang pagusapan yun. Kinalimutan ko na siya."
"Well actually, it's really about him. Gusto ko lang sanang sabihin na, hindi siya ok simula ng umalis ka."
H-hindi ok? May nangyari ba?
Bulong ko sa isip. Hindi ko naiwasang makaramdam ng biglang pagaalala. Pero ilang sandali lang ay napailing din ako.
"A-ano naman ngayon?" Bale walang tugon ko agad kay erico. Nag iwas din ako ng tingin sa kaniya. Parang Gusto ko na yatang tumayo at umalis. Pero may pumipigil sa mga paa kong gawin yun.
Iwinaksi ko rin sa isip ko ang mga agam agam na nagsisimula nanamang mamuo sa utak ko.
Wala akong dapat isipin pa tungkol sa kaniya. At Bakit ko naman kailangan magalala?
Pagak akong tumawa. Mataman naman akong pinagmasdan ni erico. "Wala ng dahilan para malaman ko pa ang nagyayari sa kaniya. Hindi ko hawak ang buhay niya kaya hindi ko na kasalanan kung ano naman ang nangyayari sa kaniya."
"Is that so?" Aniya na ikinalingon ko. "I thought you like him?" Tanong niya.
"M-matagal na iyon! Wala na akong kahit ano pang nararamaman para sa kaniya." Hindi ko naiwasan ang mapautal sa pagsasalita. Ngayon ay bigla akong kinabahan.
Huminga ako ng malalim at umayos sa pagkakaupo. Ayokong ipahalata ang sarili ko.
Nagkibit naman siya ng balikat at marahang tumango. Pero halatang balewa lang sa kaniya ang sinagot ko. Or, hindi siya naniniwala.
"Alam kong galit ka sa kaniya, because you think that he decieved you. At alam ko rin na wala ako sa lugar para makielam sa inyo. But you should face the problem, don't run of it. Dahil Hindi sulusyon sa problema mo ang pagtakbo." Seryosong pahayag niya sa akin. Pagkatapos Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Pero Wala naman akong magagawa kung yan ang disisyon mo, eh. Well, Isa pa may kasalanan din naman si xander. Sira ulo rin kasi ang isang iyon." Nagkibit siya ng balikat at ngumiti. Hindi naman ako umimik. "Wag kang magalala hindi ko sasabihin sa kaniya na nagkita tayo dito. It's a secret." Idinikit niya sa labi ang daliri niya at kumindat. "So, I have to go. Inisip ko lang kasi baka gusto mong malaman ang nagyayari sa kaniya. tutal nagkita na rin naman tayo dito. Pero mukha nga talagang wala ka ng interes pang malaman ang tungkol sa kaniya." Yun lang at nagpaalam na siya at naglakad palayo. Ni wala man lang akong nabitawang mga sagot sa sinabi niya.
Nang mawala na siya sa paningin ko. siya namang pasok ni javier at naupo sa pwestong inalisan ni erico.
"Debbie?" Tawag niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya at alanganing nginitian siya. "Ok ka lang ba?"
"O-oo. G-gusto ko na sanang umuwi. . . tarana baka hinahanap na tayo ni lola connie." Nagpatiuna na ako sa pagtayo at paglakad. Pero ang isipi ko hindi na naalis pa sa mga pinagusapan namin ni erico.
***
Kinagabihan, halos hindi ako nakatulog. Buong gabi na si xander ang nasa utak ko. Iniisip ko kasi ang mga sinabi sa akin ni erico.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...