Chapter 30
Debbie's POV
"E-erico?" Manghang tanong ko nang pagkapasok ko sa isa sa mga VIP room ng club, si erico ang bumungad sa akin. Hindi ko inaasahang siya ang naghihintay ang makikita ko.
Kasalukuyan siyang naglilibot ng tingin sa loob ng kwarto ng mapasukan ko siya. Binaling niya lang ang paningin sa akin nang tawagin ko siya bago niya ako nginitian.
Bakit kahit sinong lalaki pa ang ngumiti, wala epekto sa akin. Maliban lang sa isang taong sobrang nagpapahirap sa akin ngayon.
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa mga ngiti na iyon. "A-anong. . . p-paano mo nalamang. . ." hindi ko alam kung saan ako maguumpisang magtanong. Humakbang ako palapit sa kaniya.
"Hi, debbie. Musta na? Nice to see too again. Teka, meron akong gustong itanong. Para saan ito?" Aniya at tinuro ang isa sa mga display ng kwarto. Pagkatapos at humalukipkip siya na tila may iniisip duon. "Mukhang interesting ang bagay na yan?! Saan ba ako makakabili ng ganyan?" Kahit nalilito ako kung bakit andito siya, Hindi ko pinansin yung sinasabi niya. Naguguluhan lang akong nag tanong.
"S-sandali erico. Paano mo nalaman kung asaan ako? At saka, a-anong kailangan mo sa akin?"
"Huh. Hindi ba club to?" May halong pagtatakang tanong niya. Pero di parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Naglakad siya palapit sa kamang nasa gitna at naupo dun. Titig na titig siya sa akin. Sinundan ko rin siya ng tingin. "I'm a customer here. So it's means. . . i need your services."
Wala sa sariling napalunok ako sa nerbiyos ng sabihin niya iyon sa mahina ngunit may pangaakit na tinig. Kumindat pa siya sa akin na ikina atras ko naman ng hakbang.
Hindi ko alam ang gagawin nang mas titigan pa niya ako. Gusto ko siyang tanungin kung Nag bibiro ba siya, dahil hindi magandang biro iyon, pero ilang sandali lang kami sa ganung katahimikan ng bigla siyang tumawa ng malakas.
"Hahahaha! It's so disgusting! Di pala bagay sa akin! Mukha akong tanga! Hahaha! I'm sorry, debbie. did i make you nervous?" Tawa siya ng tawa ng sinabi yun. Halos mapahiga pa siya sa kama. Napapangiwi naman ako sa ginagawa niya.
Si erico nga ba talaga ang kaharap ko? Mas lalo tuloy akong nalito sa mga kinilos niya.
"Pasensya ka na debbie, mahilig lang talaga akong magbiro. sinubukan ko lang kung uubra yung tinuro sa akin ni cliden, now i know, acting is not my passion." Aniya at tumigil na sa pagtawa. Hinubad niya ang suot na coat at basta na lang inihagis iyon sa kama. "By the way, i know your still confused why i am here."
"Ganun na nga. . . uhm. . . kung nagpuntaka ka rito bilang custom---"
"Nah, i'm not here for the damn desire. I'm here because i want to talk with you about xander."
"K-kay xander?" Sandali akong napaisip sa pakay niya. W-wala ng dapat pagusapan tungkol sa kaniya, erico. Ok na ang buhay ko ng wala siya."
"Ow, really?" Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumapit nanaman sa akin. Halos hindi naman ako humihinga sa bawat paghakbang niya palapit. Huminto lang siya ng nasa tapat na niya ako. "Well, kung ayaw mo talagang pagusapan ang issue niyong dalawa. . . gawin na lang natin."
"H-ha? A-aling ang gagawin natin?" Sinubukan kong humakbang paatras sa kaniya, ngunit agad naman niya akong hinawakan sa bewang.
"You said i'm a customer here. Sayang naman ang binayad ko kung hindi nating paguusapan ang tungkol sa inyo." Aniya. Sinimulan niyang alisin ang pagkakabutones ng damit. Bigla akong naalarma sa ginawa niya kaya wala sarili at pikit mata nalang na sumangayon sa gusto niyang pagusapan namin.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...