Chapter 6

15.2K 249 11
                                    

Chapter 6



"NASAAN na ba ang babaing yun? Hindi pa siya pumasok?" Tanong ko sa sarili ko. Kulang nalang ay dumikit na ako sa pader kunsaan ako nag kukubli habang inililibot ko ang tingin sa buong paligid ng club.

Nakasuot ako ng panyo na itinakip ko lang sa ulo ko at shades na nakita ko sa condo ni xander. Naka disguise ako para lang walang makapansin ng presensya ko.

Maingat akong pumasok ng club para masigurong walang makakakilala sa akin. Para akong magnanakaw sa mga kilos ko. Iniiwasan ko rin na makita ako ng isa sa mga customer na nakakakilala sa akin.

Alam kong sinabi ni xander na wag na akong bumalik dito sa club. Pero hind ko matitiis si alice.
Saka Hindi naman niya malalaman kung walang magsasabi. Hindi naman ako magtatagal. Babalik din ako sa condo kapag nasabihan ko na si alice.

Kaso ang problema, hindi ko siya makita sa kahit saang sulok ng club. Wala rin siya sa smoking area na madalas niyang tambayan.

Di kaya nasa dressing quarter? May pagka pagong panaman iyon mag bihis.

Inayos ko ang suot na shades at Nagpatuloy sa paglalakad patungo sa dereksyon ng dressing area. Lihim akong nagpasalamat na walang tao sa hallway. Halos patingkayad akong Lumapit ako sa pinto. Mabilis pero tahimik.

Akmang dadahan-dahanin ko na sana ang pagbukas sa pintuan nang magulat ako sa kamay na biglang humawak sa balikat ko at bigla akong ipaharap.

Bumungad sa akin ang nakahalukipkip na si cass. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumunguya pa siya ng bubble gum habang pinapalobo pa yun.

Lintik! Pagminamalas ka nga naman! Bakit ang impakta na to pa ang nakakita sa akin? Si alice ang hinahanap ko eh.

"So tama nga ako. Ikaw nga yan. Akala mo ba hindi kita napansin? May pa balot balot ka pa ng tela sa muka. Bakit ka patagong pumasok dito sa club?" Mataray na tanong niya sa akin. Nasa boses ang tila ba naghihinala.

Sinimangutan ko siya. "At ano namang pakialam mo?" Mataray ko ring sabi. Kahit kailan talaga ay mahadera ang isang ito. Hindi pwedeng hindi matapos ang isang buong araw ko na hindi sinisira ng bruhang ito at ni venus ang mood ko.

Naisip kong umalis na lang dahil baka malintikan at may iba pang makakita sa akin kung papatulan ko siya. Pero bigla nalang niyang hinawakan ang braso ko na nakapagpahinto sa akin.

"Aray!"

"Ikaw babae ka! Akala mo ba makakatakas ka?! May atraso ka pa sa akin baka nakakalimutan mo?"

"Paano naman ako nagkaroon ng atraso sayo?! Aber!"

Pumipilantik ang mga peke niyang mga eye lashes habang tinititigan niya ako ng masama. Nagtatagis ang mga panga niya na parang nanggigigil at handa akong sakmalin.

"Malandi ka! Ang sabi sa akin ni vinus. Kinausap at nilapitan mo kahapon si mr. Fontanilla. Kaya pala hindi na siya bumalik dito! Anong sinabi mo sa kanyang babae ka?!"

Kahit kailan talaga, ayaw ng babaing to ng nauungusan ng kahit sino? Pwes! Sorry na lang siya dahil ako ang pinili ni xander. Hindi ko na kailangan pang mag tiyaga bilang hostess at makita ang pagmumukha ng dalawang bruha.

Pumiksi akong binawi ang brado ko at tinarayan siya ng tingin kagaya ng ginagawa niya sa akin. "Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo cass, dahil una sa lahat. Hindi mo naman boyfriend si mr. Fontanilla. Pangalawa, siya ang lumapit sa akin. Alanganamang ireject ko siya na customer? At saka kung pinuproblema mo na bakit hindi na siya bumalik dito para makita ka, isa lang ang ibigsabihin niyon, nagsawa na siya sa kakalingkis mo sa kaniya! Mukha ka kasing sawa!" Hindi na ako nakapagpigil na ilabas ang pagkainis ko sa kaniya. Pareho sila ni vinus na nag papakulo sa dugo ko araw-araw. Pinagpapasensyahan ko lang sila dahil kailangan ko lang ng trabaho para sa kapatid ko, Pero dahil aalis na rin naman ako, itotodo ko na ang lahat ng gusto kong sabihin.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon