Chapter 11

11.5K 159 4
                                    

Chapter 11



BUMABAHA ng iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid ng hotel, marami rami na rin ang mga taong dumarating at halatang may pagtitipon nga ang nagaganap sa loob. Nakapila sa parking lot ang mga mamahaling sasakyan at halatang imbitado ang mga kilalang tao sa lipunan. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na yun.

Inihinto ni xander ang sasakyan sa parking area at bumaba. Lumipat siya sa gawi ko. pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang bumaba.

"Are you Ready?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niya at binasa lang ang labi. Inilabas ko sa kotse ang dalawang paa ko at ipinatong sa kandungan ang mga kamay. Suot suot ko ang damit na binili ni xander sa boutique ni mirae. Ngunit di ko magawang tumingin sa kaniya ng deretso lalo na't naiilang ako. Sa likod ng magarang damit na yun paano ba ako makakalma kung wala akong suot na panloob.

Hanggang ngayon ay nakay xander parin ang underware ko at hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng kapalit. Sobrang nakakailang na maraming tao akong makakasalamuha sa loob pero alam kong hindi ako komportable.

Lumapit sa akin si xander at bahagyang iniluhod ang isang tuhod para mag pantay ang mga mukha namin.

Naglalaro sa mga mata niya ang pagkaaliw habang nakatitig sa akin. Parang gusto kong takpan ang mukha ko dahil alam kong namumula na yun. Para akong sasabog sa hiya.

"Xander..." Sandali kong itinutok ang paningin sa mga taong isa isang pumapasok sa loob ng gusali. Bago siya muling tinitigan. Pinatulis ko ang ngusu ko. "Can I get my underware back? Naiilang talaga akong maglakad at humarap sa ibang tao na ganito. What if aksidenteng umangat ang palda ko?" At ang mas nakakabahala pa ay hanggang tuhod lang ang haba ng suot kong dress.

Ngumiti siya uli sa akin. "Don't be afraid. Just stay with me. Wag ka lang lalayo sa akin."

Muli akong napanguso. "Hindi talaga."

Ginagap niya ang mga kamay ko at marahang pinisil. At saka ako inalalayang makatayo bago isinara ang pinto ng kotse. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Hindi naman sa ganun. Pero kinakabahan ako. Bakit kasi kailangang dito pa natin gawin to?" Pabulong kong tanong at mahina siyang hinampas sa braso.

Bumungisngis siya. "Because i like seeing you when you get blushed, sweetheart." Bulong niya sa tenga ko.

Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob. Kumapit ako ng mahigpit sa braso niya. Habang maingat ang bawat pagkilos na ginagawa ko.

Hapit-hapit ko rin ng isang kamay ang damit na suot-suot ko. Nakakailang talaga, ngunit Kung tutuusin, wala naman sigurong makakapuna sa akin sa loob. Sino ba naman makakaalam na wala akong suot na underware?

"Relax, sweetheart." Utos nito. Huminga ako ng malalim at sinunod ang sinabi niya.

Binagtas namin ang malawak na foyer ng hotel at dumertso sa lugar ng pagtitipon. Kung ganun, magtitiwala nalang ako sa sinabi ni xander.

"Mr. Fontanilla!"

Isang may edad at matabang matandang lalaki ang sumalubong agad sa amin nang makapasok kami sa venue ng party. Mukhang kakilala nito si xander.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon