Chapter 36
Xander's POV
"Sorry, pare. Hindi ko naman alam na si debbie yung nakasagot ng telepono, eh."
Hindi ako kumibo sa sinabi ni erico. Sa halip ay tinignan ko lang siya ng masama at saka ko inihilamos ang kamay sa mukha.
Gusto kong undayin ng sapak si erico pero kahit gawin ko pa yun hindi naman makakatulong. I know, debbie is mad at me now. At siguradong iniisip niyang ginamit ko nanaman siya. I planed to tell her everything. Pero nasira iyon dahil sa nagyari. Salamat sa genius na si erico.
Sh*t!
"Tsk, tsk, tsk." gabriel clacking and patted me on my shoulder. "Parang hindi yata matatapos tong problema mo, xander."
"Yeah, thanks to erico." Miguel satirized. binatukan naman siya ni erico.
"Aray, kuya inaaway niya ako, oh!" Parang batang sumbong niya kay gabriel.
"Shut up, miguel! It's not the time for jokes."
Napailing naman ako sa kanilang lahat. Kahit kailan talaga, napapasabit ako sa mga to. Naisip kong Tumayo nalang at saka ko kinuha ang susi ng kotse ko.
"Hey, saan ka pupunta?" Sita naman sa akin ni cliden. I didn't answer his question and just walked through out the door. Kesa sisihin ko sila, ako na gagawa ng paraan para ayusin ito.
***
Debbie's POV
"Sigurado ka na ba diyan debbie?" Tanong sa akin ni sam. Isang tango naman ang isinagot ko sa kaniya.
"Buo na ang lahat sa akin. Gusto ko ng maging tahimik ang buhay ko, kaya mas mabuti para sa akin kung lalayo nalang ako."
Pagkatapos kong malaman ang lahat.
"Kung ganun, may mapupuntahan ka na ba?"
"Wala pa. Mag sisimula ako sa umpisa. Aalis na rin ako sa pinapasukan kong trabaho. Susubukan kong maghanap ng maayos na mapapasukan. Ibabaon ko sa limot ang lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko. . . kung kinakailangang pati ang pagibig ko kay xander."
Pero bakit ganun? Bakit parang hindi naman ako masaya sa naisip kong lilimutin ko ang nararaman daman ko para kay xander? Yun nga ba talaga ang ikasasaya ko?
"Kung yan talaga ang disisyon mo, wala akong magagawa. Pero teka." Lumapit siya sa isa sa mga tokador at kumuha ng papel at ballpen. Pagkatapos niyang mag sulat duon ay inabot niya sa akin yung papel. Nang binasa ko yung sinulat niya dun, nagtataka akong napatingin sa kaniya.
"Ano ito, sam?"
"Yan ang address namin sa probisya. Lola ko lang ang nakatira diyan. Puntahan mo siya. Mabait ang lola ko, pwede kang mag stay diyan kahit ilang araw. Tatawagan ko nalang si lola para sabihan siya."
"Sam. . ." napangiti ako sa sinabi niya at di napigilang yakapin siya. "Salamat sa lahat. Ang dami mo na talagang naitulong sa akin."
"Sus, wala yun." Hinagod hagod niya ang likod ko. Bago kami kumalas sa isa't isa. Nginitian niya rin ako, pero nakikita ko sa mga mata niya ang pagbabadyang pagluha. "Pakiramdam ko kasi, nakikita ko sayo ang sarili ko. At alam kong nahihirapan ka sa lahat. Siguro Naging biktima lang tayo ng maling pagibig."
Naiintindihan ko siya. Siguradong nasaktan din siya sa mga nalaman tungkol kay archie.
"Oh, sige na. Baka magkaiyakan pa tayo dito. Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Isinulat ko na rin diyan ang cellphone number ko."
"Oo. Salamat. Makakabawi rin ako sa lahat ng tulong mo sa akin." Sabi ko.
***
Pagtapos ng ilang sandaling paguusap, nagpaalam na ako kay sam. Nagpasya akong dumeretso na sa bahay.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...