Chapter 12

10.9K 163 2
                                    


Chapter 12



"YOU'RE kindda funny, debbie." Tumatawang sabi sa akin ni archie.

Ngumiti naman ako bilang tugon.

Mula ng tulungan ako ni archie sa muntik kong pagkakahulog ko sa pond ay nagkapalagayan na ang loob namin sa isa't isa.

Nang sabihin ko kasi na ayoko pang bumalik sa loob ay nag insist naman siyang samahan ako.

Hindi ko namamalayang lumilipas na ang oras at ang dami na pala naming napagkukwentuhan.

"Ang akala ko lahat ng babae, puro sosyalan at pag-attend lang sa mga gathering ang alam. I was surprised to know that there is still a woman who is interested when it comes to resting."

"Hindi naman lahat puro farty-farty lang ang alam. Siguro sa mga rich kid. Pero sa mga tulad naming purita, hindi uso sa amin yung mga ganitong party. Yung party namin, may karaoke. May shanghai. At saka kahit hindi ka invited, basta bitbit ka ng tropa mo, welcome ka. Minsan pa nga pati lamay party na sa amin. Kasi laging may libreng kape at biscuit. Take note ha, dapat marunong ka rin sa baraha. Kung gusto mong umuwi na busog ang bulsa mo. Kung hindi mo na maitatanong magaling ako sa tongits. Nung bata palang ako, madalas kaming tumatambay ng kapatid ko sa-. " Napatigil ang Masayang pagkukwento ko sa kaniya. Biglang umatras ang kadaldalan ko at unti unting humulas ang ngiti ko nang maalala ko si joshua.

"Debbie? Bakit Bigla kang natahimik?" Pagtataka niya.

Bahagya akong ngumiti at umiling. "Wala... naalala ko lang yung kapatid kong si joshua." Dumampot ako ng maliit na bato at hinagis iyon sa fond.

"Hindi mo ba siya Kasama dito?"

"Hindi, eh... Nasa ospital siya ngayon... Naka confine. May sakit kasi siya.

"Oh, i'm Sorry." Bakas sa mukha ni archie ang sinseridad.

Umiling naman ako. "Wala yun." Humarap ako sa kaniya at ngumiti para ipakitang okay lang ako. Muli kong pumulot ng bato at ibinato sa tubig. "Si joshua na lang ang pamilyang meron ako. Kaya naman lahat gagawin ko para sa kaniya. Nangako ako sa mga magulang ko na hindi ko papabayaan si joshua. Well, mahirap. Pero ayokong ipakita sa kapatid kong nahihirapan ako. Kaya malaki rin ang pasasalamat ko kay xander."

"Xander?..." Tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo. Piling ko nga, hulog siya ng langit sa akin."

"So, boyfriend mo si mr. Fontanilla?" Paguusisa niya muli.

Napakamot naman ako sa ulo. "Ah..." Should i say yes or no? Pagkatapos ng mga nasaksihan ko kanina, Hindi ko na alam kung ano ba talaga kaming dalawa. Alanganing nalang akong tumango kay archie.

"I see." Aniya. At tumango rin.

"Teka. Kilala mo si xander?" Pagtatakang tanong ko.

Ngumiti naman siya. "My friend own this hotel, kaya alam kong sila ang umuukupa ng convention area para sa pagtitipon. Nalaman ko lang sa kaibigan ko.

"Ah... ganun ba? Akala ko kakilala mo rin siya." Sabi ko at muling dumampot ng maliit na bato.

Nang muli akong tumingin kay archie ay napansin ko ang kakaibang ngisi niya. Pero Nang lumingon siya sa akin ay nakangiti na siya.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon