Chapter 2

21.4K 350 4
                                    

Chapter 2



"ATE, ok ka lang? Nangangayayat ka yata ngayon."


Mula sa pagsasalansan ng mga gamit ni josua, Masuyo akong napangiti sa kaniya at lumapit sa hospital bed na hinihigaan niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya at hinagkan siya sa noo.


Pagkagaling sa trabaho ay dito agad ako dumeretso para bisitahin ang kapatid ko.


Kamalas malasan nga lang dahil buong araw akong walang naging kliyente. Napagalitan pa ako ni mama lu dahil sa panunumbong nila cass na sinusulot ko raw ang kliyente niya. Nakakainis lang, pakamalas ko sa araw na 'to.


"Ate?"


Muli kong nginitian ang kapatid ko. "Wag kang mag-alala, joshua. Ok lang si ate."


"Baka naman nahihirapan ka na sa opisina mo."


"Ha? Hindi. . . Masaya nga, eh." Tipid na sagot ko sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa.


Walang alam si joshua sa totoong klase ng trabahong meron ako. Ayokong sabihin sa kapatid ko na isang dakilang hostess ang ate niya at sa ganung uri ng kabuhayan nanggagaling ang perang pinanggagamot sa kaniya.


Hindi biro ang ginagastos ko sa pang araw araw na pangangailangan niya sa sakit na leukemia. Siyam na buwan na ang nakakaraan ng malaman ko ang tungkol sa kundisyon niya. Kaya lahat ng klase ng trabaho ay nasubukan ko na rin.


Kung bakit naman kasi, sa dinamirami ng masasamang tao sa mundo ang kapatid ko pa ang dinapuan ng ganitong sakit. Masyado pang bata ang kapatid ko, at alam kong marami pa siyang pangarap sa buhay. Hindi pa ako handa na mawalan uli ng isa pang parte ng pamilya. Dahil mapanghanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang pagpanaw ng mga magulang namin, ayokong pati si joshua ay mawala din sa akin.


Masakit mang nakikita na nahihirapan ang kapatid ko. Alam kong hindi siya sumusuko at pilit lumalaban.


"Sige Na joshua. Magpahinga ka na, bukas na lang uli ako dadalawa dito. Ok ba yun?"


"Ikaw, rin, ate. pahinga ka na. Mukhang pagod ka na rin, eh."


"Oo sige." Nakangiting Tumango ako, at saka siya tuluyang pumikit. Ilang sandali lang pa ang lumipas, tanging ang panatag na paghinga nalang niya ang naririnig ko.


Pinagmasdan ko ang payapang itsura niya. Malayong malayo na siya sa joshua noon. Malaki ang pinayat niya at matamlay na rin ang kulay ng mga balat niya.


Umaasa akong gagaling ang kapatid ko kahit pa nababasa ko sa kilos ng mga doctor na para bang wala na siyang pag-asang gumaling. Kulang nalang sabihin nilang nagsasayang nalang ako ng effort sa pagpapagamot sa kaniya. Pero hindi ako susuko, sigurado akong gagaling siya.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon