Disclaimer : This is a work of fiction, Names, places, events and anything that is being stated in this story were all based from the author's imagination. Where all the contents are fictitious. Any resemblance to actual things, living or dead is purely coincidental.
No part of this story may be transmitted, reproduced nor published in any form or by any means without the prior permission of the said author.HEAVEN's POINT OF VIEW
Andito ako ngayon sa may garden dahil gusto ko namang makapag-pahinga. I rolled my eyes at the beautiful flowers, the sweetness of the feeling. I lost all my tiredness.
I approached a tree and leaned against it. I looked up and watched the flying birds. Napangiti na lang ako dahil tila bang wala silang problema na animo'y hindi nila alintana ang hirap.
“ Heaven! andiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap,” Skyler said breathlessly. Skyler ang kaisa-isa kong kaibigan.
“ Alam mo naman na rito ako palaging tumatambay pag pagod. Bakit may problema ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Wala naman,” sabi niya at tumabi sa sinasandalan ko.
“ Huh? Anong wala?” takang tanong ko rito. Dahil hindi naman ito pupunta dito ng walang dahilan.
“ May offer sana akong trabaho sa 'yo, kung gusto mo lang naman. Ayos lang kung ayaw mo," pagwawari niya na nagpataas ng kilay ko.
“ Anong trabaho?” tanong ko.
“Sa bahay ng Pamilyang Peterson,” pang-uuyam niya ng nakangisi.
“At ano naman ang gagawin ko roon?” dudang tanong ko rito, at ang baliw kong kaibigan ay nakangisi na 'di mo mawari kung nababaliw ba o ano.
“ Depende kung anong trabaho ang ibibigay nila sayo. Ano payag ka ba? Baka ito na ang tamang paraan para gumanda ang buhay ninyo,” nangungumbinsing wika nito.
“Pero pano si Mama at Papa pati yung mga kapatid ko? Alam mo naman hindi ko kayang mawalay sa kanila.” nag-aalala kong tanong.
“Wag ka mag alala, para sa inyo rin naman yon e" aniya.
Napaisip naman ako kailangan ko ng pera para pang maintenance ni Mama, pero kakayanin ko kayang hindi sila makita araw-araw? Parang hindi ko yata kaya. Pero sayang 'din 'yon tiyak na makakabayad na kami sa utang pag pumayag ako sa alok ni Skyler.
“ Ehem!” napatingin naman ako kay Skyler. Nagdadalawang isip parin ako.
“Alam kong mahirap. Heaven, pero kailangan mo nang humarap sa katotohanan na hindi kayo mabubuhay kung hindi ka gagawa ng paraan, Tumatanda na si Tita at Tito hindi na nila kayang magtrabaho kaya ikaw bilang panganay na anak. Ikaw ang gagawa at iisip ng paraan para mabuhay kayo. Heaven, pag isipan mong mabuti ito, sayang itong offer ko. Oh! iyon lang naman ang ipinunta ko rito, kailangan ko nang mauna baka hinahanap na ako nila Mommy tumakas lang kasi ako.Tawagan mo na lang ako kung tatanggapin mo ang offer ko. Bye!” mahabang lintanya nito, tumango naman ako sa kanya bilang tugon.
I looked up again and looked at the birds, I wish, I was just a bird so I wouldn't have any problems. Ang bigat sa dibdib na di 'ko man lang naranasan mamuhay ng sagana.
Paano kaya kung tanggapin ko ang offer ni Skyler?
Note: This story is not perfect it may contains mature languages, grammatical errors, typos. Be open minded while reading this story. I'm not professional writer so expect some errors.
Copyright © 2023 all rights reserved.
© Iyannitchy
YOU ARE READING
Poor Slave Girl : Peterson Series #1
RomansaAbout the woman who entered the Peterson Family as a slave recommended by her friend. Wanting to improve their lives, he agreed to the offer. But how long will he last in the Peterson family as a slave. Disclaimer : This is a work of fiction, Names...